XXVI.
"Pwede ba muna tayong mag-usap?" Sa mahina at klarong boses 'kong tanong. Kakatapos 'ko lang makapagbihis at parang mas dumami ang tanong na naglalaro sa isipan 'ko. Kinakalma 'ko ang dibdib 'ko para maisaayos ang nasa utak 'ko. Hindi 'ko alam kung paano kami maguusap ngayon, pagkatapos ng nangyari kanina. Mula sa gulat, takot, kaba, galit, lungkot, at saya para sa mga anak 'ko. Sa isang gabi, sa bilang lamang na oras ay maraming nangyari na hindi 'ko inaasahan. It's too good to be true.
Pero hindi pa klaro sa akin ang magiging hakbang niya sa susunod. At tingin 'ko ako na dapat mismo ang magtanong sa kanya ng mga bagay bagay sa kalmanteng paraan. At nang masagot 'ko din ang mga katanungan niya tungkol sa kung ano mang iniisip niya ngayon, sa mga bata at siguro sa akin. Besides, para naman ito sa mga bata.
Mula sa pagkakatungkod sa railings ng veranda, kung saan mas nadedepina ang malapad niyang likod at katangkaran ay napalingon siya sa akin. Mabilis niyang pinuyos ang sigarilyong hawak niya sa ashtray na nakapatong sa coffee table pagkatapos ay tinapon niya ang natitira. Nakapatong sa mesa ang coat niya kasama ng kurbata niya kanina at nakatupi hanggang siko nito ang mahabang manggas ng kaniyang puting button down shirt.
Binuksan 'ko ang ilaw sa veranda para makita siya ng maayos. Malamig ang hanging galing sa dagat na humahaplos sa balat 'ko. Sinara 'ko ang nakabukas na glass sliding door, baka pumasok ang malamig na hangin. Umupo ito sa three seater na mesa at tinuro ang katapat nitong upuan, simbolong umupo ako doon. Masunurin naman akong umupo. Pati ang upuan ay malamig sa pang-upo 'ko, napayakap ako sa sarili at nagsimulang gumagap ng salitang ibabato sa kanya.
Nakahalukipkip itong napasandal sa upuang malaki sa katulad 'ko, pero sa kaniya ay nagmukha iyong masikip. Malaya itong nag-dekwatro at naghintay sa sasabihin 'ko. Napatitig ako sa ashtray, para bang nandoon ang mga mata ng kausap 'ko.
"Gusto 'kong..." napatingin ako sa kaniya, ang mga mata niya ay diretsong nakatingin sa akin. Para bang ine-estima ang sasabihin 'ko. Hindi siya umimik at naghintay na ipagpatuloy 'ko ang sasabihin 'ko. Nag-iwas ako ng tingin at pinisil ang kamay 'ko, para bang doon ay mas makakapag-pokus ako sa tatanungin o sasabihin.
"Gusto 'kong malaman kung anong susunod na mangyayari o sa mga nangyari anong—"nauutal ako nang pinutol niya ako sa pagsasalita.
"When I told you I want them, the kids. I was serious and I am still." Nagtagpo muli ang mga mata namin. Ngayon ay nakatuwid na itong nakaupo, ang isang kamay niya ay nakapatong sa mesa parang pinaparating ang kaniyang sinabi. Ngunit hindi 'ko mabasa ang mga mata niya. Nalilito akong tinugunan ang titig niya.
"What do you mean, you want the kids? Are you going to get their custody? What's next? Magkikita ba tayo sa korte? Anong gusto mong mangyari, please Sir hindi 'ko gustong—"
Naiinis siyang tumayo. Kinabahan naman ako, magaaway na naman ba kami.
"Let's talk inside the house, you look freezing." Gamit ang matalim niyang titig ay dinampot niya ang coat and tie niyang nakapatong sa mesa at naunang naglakad papasok. Napalunok ako, kinakabahan sa kahahantungan ng usapan namin. If he's going to get my twin's custody, hindi ako makakapayag!
"Come on, get inside o gusto mong buhatin pa kita?" Nawala ako sa pagiisip at marahas na napatayo para sundan siya sa loob. He looked pleased nang nakapasok ako sa loob. Pinatay 'ko ang ilaw sa labas at hinayaan ang dim lights sa kusina. Umupo ako sa kitchen stool na katapat niya, samantalang siya ay nakatukod ang mahabang kamay sa maliit na kitchen counter. Seryoso niya akong tinignan, ako naman ay nakakunot noo, handa na naman akong bumulyaw kahit halos maghahating gabi na. Nawala yata ang antok 'ko.
"Sir hindi 'ko gustong umabot sa puntong kailangan natin pag-agawan ang mga bata sa korte." Diretso 'kong sabi. His jaw clenched, mas nagsalubong ang kilay niya.
"That's why I told you not to resist with my plans." Para naman akong maha-highblood sa kanyang sinabi. Binabantaan niya ba ko? Agad akong napatayo mula sa stool na kinauupuan 'ko. Nanatili siya sa posisyon niya.
"What do you mean, Sir? I want you to make it clear to me, binabantaan mo ba ako? Gusto 'kong maliwanagan kung anong plano mo pagkatapos ng lahat? Bago ako parang asong sasangayon na lang sa mga magiging plano mo." Naiinis 'kong untag, pinipilit na huwag magtaas ng boses, baka magising pa ang dalawa sa pagkakatulog.
Tumayo ito ng tuwid at tinanggal ang unang butones ng kaniyang damit, para bang nawawalan ng pasensya sa kung ano. Magpasalamat nga siya ako pa ang nag-initiate na makipagusap para magkaliwanagan kami at nang hindi kami humantong sa hindi pagkakaintindihan. Once and for all, I'm doing these things for my kids, kung hindi dahil sa kanila ay hindi 'ko lulunukin ang pride 'ko. Hindi 'ko bibigyan ng tyansa ang lalaking ito na minsan silang tinalikuran. But I know I shouldn't blame this man for all the things that had happened these past years. Nilalawakan 'ko ang pagiisip 'ko, para sa ikabubuti ng lahat.
"I want to be with my kids. I want them to live with me, in my house." Kalmado nitong pahayag and I can't help but to be hysterical.
"Hindi ako makapapayag Sir—"
"Drop the Sir." Inis niyang putol sa sinabi 'ko. Napamaang naman ako at agad nanumbalik sa kasalukuyan.
"Fine." Buntong hininga 'ko at ginagap ang mga salitang sinasabi kanina. "What I'm saying Si— I mean Mr. Ramirez—" parang mas nainis ito sa sinabi 'ko.
"Drop the formalities, we have conceived not just one child, we have two. Wouldn't it be unnecessary to hear those words between us?" Natameme ako ng ilang segundo sa naiinis niyang mukha.
"Okay." Tumango ako, kunwari naiintindihan ang point niya. Kumalma naman ito at napahalukipkip, hinihintay na may sabihin ako. Bumuntong hininga ako bago nagsalita.
"Ang gusto 'ko ay sa akin pa rin ang mga bata." Panimula 'ko, panaka nakang napapatingin sa mga mata niyang nanatiling nakatingin sa akin. Sa tangkad niya ay tumitingala pa ako para madiretso sa kaniya ang titig 'ko. " Pwede mo naman silang bisitahin ano mang oras o araw na gusto mo. Pero ang sinasabi mong sa iyo sila titira ang hindi 'ko pwedeng sangayunan. As I have said, sila ang buhay 'ko, hindi 'ko kakayaning mawalay sila sa akin, kung saan sila ay dapat doon din ako. Kaya kung didiretso tayo sa korte ,o ano pa man ay mapipilitan ako, kung hindi tayo magkaintindihan sa punto 'ko. " Diretsahan 'kong sabi. Hindi 'ko inaasahang tumango ito sa sinabi 'ko.
"I'm not telling that you'll leave the kids to me. We're going to live together. Mananatili ka sa tabi ng mga bata. You know, I'm still not well capable of giving all the attention and care, you are giving them. I admit that. But one thing is for sure, I'm trying my best to give them the complete family that they deserve." Seryoso nitong sambit.
"Anong ibig mong sabihin na maninirahan tayo sa iisang bubong? Hindi naman sa nanghihimasok ako sa personal na buhay mo. But we all know, na ikakasal ka na. Hindi 'ko naman gustong maging dahilan ng gulo sa pamilya mo. Mas makabubuting—"
"Marry me then." Para naman akong nabingi sa narinig 'ko.
------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
My TWIN Babies, NOT Ours
General FictionMeet Kathleen Louise de Suarez a young girl, who gave her virginity to the man she look up to, the man of her hope,Alexander Ivan Ramirez. It felt like a perfect fairytale--BUT! Not when the man, who she looked up to, offered her money in exchange f...