XI

94.1K 1.1K 32
                                    

XI

Agad niyang binitiwan ang kamay 'ko bago siya dumistansya sa akin. Hindi 'ko na naman alam kung paano kikibo. Ang bilis pa rin ng pintig ng puso 'ko. Sabay daw kaming uuwi. Tama ba yung narinig 'ko? Nawala lahat ng mga iniisip 'ko nang bumukas ang elevator at may pumasok na dalawang matanda, mukhang magasawa sila. Nagpagilid ako para magbigay espasyo. Tumatawa pa ang matanda nang nagawi ang tingin sa aming dalawa ni Mr. Ramirez. Umayos sila nang pwesto bago humahagikgik na bumulong ang matandang babae sa kasama niya. Di ko alam kung bulong o announcement, kasi naririnig.

"Naaalala mo honey, ganyan din tayo noon no'ng kabataan natin." Tinutusok tusok pa ng matandang babae sa tagiliran ng matandang lalaki ang magkabilang hintuturo nito. Para silang naasinang bulate habang kinikilig. Kami yata yung hinahalintulad sa kanila, kami lang naman nandito. Mukha ba kaming kabataan?

"Oo nga mukhang mas malayong matanda sa kanya ang nobyo niya, parang tayo lang hihi." Aba mas naalibadbaran ako sa tono ng matandang lalaki. Tsaka hindi naman kami magnobyo, ito ang problema sa matatanda, porket magkatabi o magkasama ang isang babae at isang lalaki ay may relasyon na.

Napalingon pa ako sa lalaking kasama 'ko nang tumikhim ito, nakahalukipkip ito at napatingin sa pataas na numero ng palapag. Napalingon tuloy ulit sa amin ang dalawang matanda. Nakahinga naman ako nang maluwag nang bumukas ang elevator at lumabas na sila may sumalubong naman sa kanila, mukhang anak nila.

"Naku Mommy Daddy magsisimula na ang Anniversary celebration niyo, nawawala pa kayo." Bungad ng babaeng anak nga nila. Nagulat ako nang lumingon pa sa amin ang matandang babae bago sumara ang pinto ng elevator.

"Naku hijo hija, maginaw ngayon, masayang magtanim ng buto, siguradong hitik ang bunga!" Hindi 'ko na nahabol ng rinig at tingin ang sinabi ng anak niya dahil tuluyan nang nagsara ang pinto ng elevator.

Ano daw? Bakit kami magtatanim? Nawala tuloy ang iniisip 'ko nang tumikhim ulit tong katabi 'ko. Namumula ito at nakatingin lang sa taas. Teka, lalagnatin na din ba siya? Saktong naubo ako ay ang pagbukas ulit ng elevator sa huling palapag, siguro dito naman na kami diba?

Lumabas si Mr. Ramirez sa elevator kaya naman sinundan 'ko agad. Papatilain lang namin ang ulan at makakauwi din kami mamaya. Alanganin akong sumunod sa kanya palabas, mas iniyakap 'ko sa sarili 'ko ang coat niya at ang tuwalyang ibinigay sa akin kanina. May kinuha siyang card sa bulsa niya at mabilis na ni-swipe iyon sa pintuan, automatic naman itong bumukas at pumasok siya sa loob.

"Uhm..." Papasara na ang pinto kaya sumunod na lang ako sa loob bago pa ito sumara. Baka hindi ako makapasok, mukha naman akong tanga kapag bababa ako at magbu-book. Saglit lang naman kami dito. Wala namang malisya, kahit na ayaw 'ko sanang nasa iisang silid kami. Awkward! Pero ako lang naman nakakaalam kaya walang makakahalatang hindi ako kumportable.

"Uhm Sir? Anong oras tayong uuwi?" Mahina ang boses 'kong tanong bago sinumpong ulit ng ubo't sipon. Pero imbes na pansinin ako ay dirediretso itong nagtanggal ng relo at agad akong napatalikod nang sinimulan niyang tanggalin ang butones ng kanyang damit. Napalunok ako, mahahalata ako. Pero kahit naman na wala siyang alam sa nangyari noon, kahit saang anggulo mo tignan ang sitwasyon ngayon ay napakalaking awkwardness ito.

"You need to dry your clothes." Nagulat na naman ako nang lumapit ang boses niya at may nabato sa aking tela. Pagkatingin 'ko ay puting roba 'yon. Mabilis 'ko iyong tinignan at walang imik na nagtungo sa banyo. Mabilis 'ko 'yong ni-lock. Napasandal ako sa pintuan ng banyo. Para akong nanghihina.Kailangan 'kong ayusin ang sistema 'ko.

Mabilis 'kong tinanggal ang basa 'kong damit pati na rin ang putik putik kong flats. Napatingin ako sa sarili 'ko sa salamin. Basang basa ang buhok 'ko, pati ang under garments 'ko. Nag-shower muna ako bago inayos ang mga damit 'ko. Guminhawa ang pakiramdam 'ko sa init ng tubig, nawala pansamantala yung namumuong sakit sa ulo 'ko.

"Hindi ka pa tapos?" Napatalon ako sa gulat nang kumatok ito sa banyo. Mabilis 'kong isinuot ang roba bago sumagot. Medyo natulala pa ako sa sarili 'ko sa salamin. Sinuklay 'ko ang buhok 'ko gamit ang kamay 'ko bago lumabas ng banyo, bitbit ang damit 'kong pigang piga. Ipapatuyo 'ko na lang sa tapat ng aircon.

Pagkabukas 'ko nang pinto ay napaatras pa ako, tumama ang tingin 'ko sa malapad nitong balikat na halos kapantay lang ng eye level 'ko. Iniwasan 'kong lumunok at nagiwas na lang ng tingin bago patagilid na lumabas ng banyo para 'di 'ko siya masagi. Walang lingon likod akong nagtungo sa tapat ng aircon na medyo mahina, baka hininaan niya. Narinig 'ko pa ang pagsara ng pinto ng banyo. Hindi 'ko napansing mahigpit pala ang hawak 'ko sa mga damit 'ko.

Natulala ulit ako ng matagal bago naisipang isampay ang damit 'ko sa tapat ng aircon. Dahil mataas ang pwesto ng aircon ay pumatong pa ako sa sofa, na kailangan 'ko pang ilipat dahil malayo ito sa aircon. Tumama ang lamig ng aircon sa mukha 'ko pagkaapak 'ko sa kamay ng sofa. Mas nanginig naman ako, kaya pinatay 'ko muna ito bago inisa isang sinampay ang damit 'ko.

Inabot 'ko naman sunod ang itim na coat na nabasa din dahil pinangkumot 'ko sa sarili 'ko. Amoy na amoy 'ko pa rin ang pabango niya. Hindi 'ko mapigilang amuyin 'yon, parang may mga bagay na ibinabalik ang aromang tumatak sa Sistema 'ko. Hindi 'ko namalayan na napapapikit na ako sa pagamoy nang biglang narinig 'kong bumukas ang banyo. Napamulagat ako at hindi agad nakagalaw nang nagtama ang mata 'ko sa lalaking kakalabas lang ng banyo.

Nakasuot na ito ng puting roba at hawak ng isang kamay niya ang isang maliit na puting towel na nagsisilbing pangpatuyo niya sa basang buhok niya. Nagtataka ang titig nito na lumipat sa ibabang parte 'ko. Napatingin din ako sa tinignan niya at mabilis na binaba ang kamay 'ko para matabunan ang tinitignan niya. Hindi 'ko maiwasang tignan siya ng matalim bago bumaba sa sofa.

Pero kung oras mo na nga para maging tanga, oras mo na talaga. Isang malaking kaso ng wrong timing ang magdulas ako sa panahong ito. Naramdaman 'ko na lang na namanhid sa sakit ang balakang 'ko. Namilipit ako sa sakit nang maramdaman 'kong lumutang ako sa ere at nailipat sa malambot na kama.

"You're such a stupid woman." Hindi 'ko alam kung tunong concerned ang narinig 'ko pero nag-echo yung salitang 'stupid' sa isipan 'ko. Ang kapal ng mukha nito! Kung hindi 'ko lang iniinda ang balakang 'ko ay hindi 'ko na napigila ang bunganga 'ko.

"Stay there." Utos pa nito, bago ito nagtungo sa telepono at mabilis nag-dial ng numero. Paano naman ako makakaalis dito? Eh hindi nga ako makagalaw ng maayos sa hapdi ng balakang 'ko. Pinagmasdan 'ko siyang ibaba ang telepono at nagtungo sa tapat ng pinto. Mukha siyang hindi mapakali. Nakapirmi naman ito nang bumukas ang pinto at may lalaking pumasok na nagtutulak ng cart.

"Ako na.Makakaalis ka na." Hindi 'ko marinig ang ibang sinabi niya sa lalaking dumating na may tulak na cart bago niya ito pinaalis. Basta lumapit na lang ito sa akin dala ang isang tray na nakapatong kanina sa cart na dinala no'ng lalaking umalis.

Magkasalubong ang kilay nitong tinignan ako. Masungit niyang nilapag ang tray at may kinuha doong mukhang pang-cold compress. Nilagyan nga niya 'yon ng yelo mula sa ice bucket sa tray, pinanonood 'ko lang siya.

Lumapit ito sa akin at nanigas ang katawan 'ko nang bigla niya akong binuhat at inusod sa gitna ng kama. Aalma pa lang ako ay narinig 'ko na siyang may mga sinasabi, habang may mura pa sa pagitan ng kanyang mga pangungusap.

"Ako na." Pilit 'kong inagaw 'yong hawak niya pero, iniwas niya 'yon sa kamay 'ko.

"Let me. Just stay put." Nanindig ang balahibo 'ko nang hinawi niya ang tela ng roba. Mabilis 'kong pinigilan ang kamay niya at agad na tinakip ang tela pabalik sa katawan 'ko.

"Sabing ako na." Mariin 'kong sambit bago inagaw ulit ang yelo sa kanya. Nagkatitigan kami at hindi 'ko maiwasang bigyan siya ng matalim at mapag-babalang tingin. Kumunot ang noo nito at sumuko lang sa sinabi 'ko nang nag-ring ang cellphone niya. Binitawan niya sa kamay 'ko ang cold compress at nagiwas ito ng tingin bago dinampot ang cellphone niyang nasa mesa. Lumabas ito papunta sa veranda, narinig 'ko pa ang lakas ng ulan sa labas bago naisara ang glass door.

My TWIN Babies, NOT OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon