XXIV.
Napatitig ako sa envelope na nakalapag sa mesa. Walang umiimik sa pagitan namin. Tanging ingay lang ng napupuyos na kahoy sa pugon ang naririnig. Ang kambal ay nasa kwarto, si Kuya Elmer ang nagbabantay, habang ang ibang tauhan na kasama niya ay nasa labas ng bahay, naghihintay. Hindi 'ko alam ang mararamdaman. Akala 'ko huling paguusap na namin sa isla. Hindi pa ba sapat ang binigay niyang sakit? Gusto niya pa bang doblehin o triplehin? Napabuntong hininga ako at naglakas loob na magsalita.
"Anong kailangan mo?" Basag 'ko sa katahimikan. Hindi 'ko maiwasang ngumisi ng mapait, kasabay ng pag-angat ng tingin sa kan'ya. Hindi 'ko alam kung paano 'ko nakakayang salubungin ang mga mata niya, pagkatapos ng lahat? Hindi 'ko alam na may itatapang pa pala ako.
Walang kaamo amo ang presensya niya. His gaze is stone cold, na naaayon sa pormal niyang kasuotan ngayon. Mukhang galing ito sa trabaho.
"Open the envelope." Napamaang ako at napukol ang atensyon sa envelope. Ilang envelope ba ang iyo-offer sa akin ng Ramirez na ito? Napabuntong hininga ako at marahang inuurong sa kaniya ang envelope. Not again.
"If you're offering money again para umalis o magpakalayo-layo, hindi na kinakailangan. Tulad ng huling sinabi 'ko. Aalis kaming kusa—" mabilis niya akong pinutol.
"Who told you that I want you to disappear?" Matalim niya akong tinitigan. He murmured something unclear to me. He looked pissed off, siya pa ang may ganang magalit? How dare this man!
"Kung gano'n ano naman ngayon, Sir? What is that envelope for? Diba gano'n ka naman, you offer money in your favor. Para sa kaalaman niyo, hindi lahat nabibili ng pera niyo. May dignidad ako, I stand—"
"I want the twins." Putol niya sa pangungusap 'ko. Napakunot ang noo 'ko nang pinulot niya ang envelope at may kinuhang papel doon. Tinapon niya sa mesa ang papel na may mga nakasulat na hindi agad naging klaro sa paningin 'ko. Unti unting nag-adjust ang mata 'ko, hindi 'ko pa man din natatapos basahin ay alam 'ko na ang ibig sabihin n'on. Marahas akong napatayo. Kahit nanghihina ay para akong nagising sa mga naging kataga niya.
"I want?" Marahas 'kong pinulot ang kapirasong papel at mabilis 'ko iyong nilukot sa harap niya. "Want?" Hindi ako makapaniwala sa mga kataga niya. I sarcastically laughed.
"Wow! Gusto mo na sila ngayon? Para sabihin 'ko sa'yo kahit pa mag-hundred and one percent o two hundred percent ang paternity test na 'yan, hinding hindi 'ko ibibigay sa'yo ang mga anak 'ko!" Ibinato 'ko sa kaniya ang nalukot na papel, tumama iyon sa dibdib niya. Hindi man lang ito kumibo, para bang kahit na anong magiging tugon 'ko ay may desisyon na siya. Ang kapal ng mukha! Letseng Ramirez 'to!
"Hindi 'ko naman hinihingi ang mga bata sa'yo. In the first place, they both belong to us." Hindi ako makapaniwala, napailing ako sa kaniyang sinabi. He's talking with his usual business tone.
"Mali ka. They only belong to me. Pagkatapos ng huling paguusap natin, you disowned them beforehand, wala nang kailangan pang mahabang eksplanasyon." Nanghihina ang kamay 'kong hinila siya patayo para sana palabasin siya sa bahay pero mabilis niyang hinuli ang mga kamay 'ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya, natumba ako sa kandungan niya. Halos baliktarin 'ko na ang mundo makadistansya lang sa kanya. Pero habang nagpupumiglas ako mula sa hawak niya ay mas napapalapit ako.Halos isang pulgada lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Nanigas akong parang yelo nang mapagtanto ang lapit ng mukha namin. Kung ibang pagkakataon ito ay baka iba pa ang maramdaman 'ko pero ngayon ay tanging inis at galit ang nasa Sistema 'ko.
Sinubukan 'kong magpumiglas ulit, but he's too strong compared to my strength. Gusto 'ko siyang sampalin! Mas lalo niyang inilapit ang mukha sa akin, I can feel his hard chest against my skin. Buong weight 'ko yata ay nasa kaniya. Baka kapag may nakakita sa amin ay kung ano pa ang isipin. Letseng lalaki 'to!
"I want to explain to you further but I know that won't work. You won't listen to me." He breathed. " Tomorrow at ten A.M., susunduin ka ng assistant 'ko at ng mga bata. Magkikita tayo sa airport, we'll both fly back to my place. Doon natin paguusapan ang magiging terms and conditions. If you'll resist, we can take this to court, and if you won't, then we can discuss it at peace." Tuloy niya with his low but cold baritone voice, habang diretso siyang nakatingin sa mata 'ko. Para siyang nago-offer ng business deal. Gahd! This man!
Ni hindi ako huminga, trying to distance myself more, since hindi ako makapalag sa hawak niya. Nang mukhang wala na siyang sasabihin at lumuwang ang pagkakahawak niya ay agad akong lumayo. Mabilis 'kong inayos ang nakusot 'kong damit, kahit nanginginig pa, mukhang ni hindi siya naapektuhan. Lumukob lalo ang galit sa dibdib 'ko nang makitang ngumisi siya. How dare this man!
"Umalis ka na dito." Mariin 'kong tinuro ang pinto. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at nakapamulsa niya akong tinapunan ng tingin. Akala 'ko ay didiretso siya sa labas pero nagulat ako nang dire-diretso itong umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ng mga bata. My heart jumped. Noong una ay napamaang ako pero nang napagtanto 'ko ang gagawin niya ay mabilis akong umakyat pataas. Huli na nang makita 'ko siyang nakaluhod sa harap ng kambal 'ko. Mabilis namang umalis si Kuya Elmer at bumaba ng hagdan. Sobrang bilis ng takbo ng puso 'ko. Hindi ako makahinga.
My twins looked so confused. Hindi 'ko maintindihan ang binubulong niya sa dalawa, agad akong lumapit sa kanila para sana pigilan ang kung ano mang mangyayari.
"Mama! Uncle Alexander is so confusing," sumbong ng anak 'kong lalaki at siya na mismo ang lumayo dito. Ender immediately hid behind me. While Xia is confusedly staring back at his father's face. Inilipat ni Xia ang tingin sa akin, nagtatanong ang mga mata, pabalik ulit sa ama niya. At wala nang sasakit pa sa tagpong ito. Parang pinipiga ang dibdib 'ko.
Unti unting dumapo ang maliliit na kamay ng anak 'ko sa mukha ng ama niya. Dahan dahan niyang hinaplos ang magkabilang pisngi nito. Alexander held the little hand of my Xia. Narinig 'ko itong suminghap, hindi 'ko makita ang mukha nito. Tanging ang malapad niyang braso ang natatanaw 'ko habang ang anak 'ko ay nakaharap sa gawi 'ko.
Hindi 'ko maipaliwanag ngunit, sa pagkakataong iyon ay tumulo ng kusa ang luha 'ko. Sumasakit ang lalamunan 'ko, para bang may bumabara.
"What took you so long?" Isang maliit na yakap mula sa anak 'ko ang sumakop sa mukha ng kanyang ama. I almost couldn't breathe, nagiwas ako ng tingin at napapikit ng mariin. I slowly swallowed the lump in my throat. Yumuko ako at lumebel sa tangkad ni Ender. I held his small shoulder, I almost can't utter a single word. Pinipiga ang puso 'ko.
"Baby, he's your father."
--------------------------------------------------------------------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/5555015-288-k613898.jpg)
BINABASA MO ANG
My TWIN Babies, NOT Ours
General FictionMeet Kathleen Louise de Suarez a young girl, who gave her virginity to the man she look up to, the man of her hope,Alexander Ivan Ramirez. It felt like a perfect fairytale--BUT! Not when the man, who she looked up to, offered her money in exchange f...