XXX.

79.1K 972 62
                                    

XXX.





Nagising ako na naramdamang nangangalay ang buong katawan 'ko. Napakurap ako sa kisame at naalala kung nasaan ako. At kung ano ang nangyari kagabi... Hindi 'ko alam kung paano nawala yung takot sa dibdib 'ko. The warmth just flowed through me and melted all the barriers that started to grow inside me, last night. Ngunit kahit ganoon ay alam 'kong may bakas pa rin sa isang bahagi ng isip 'ko. And there's something that overpowered the shadow inside me.

Nang nakapagmuni muni ay babangon na sana ako, nang maramdaman na may dalawang mabibigat na kamay na nakapulupot sa akin. I've felt the bare hard chest against my back. Umikot ako ng pwesto para kumawala sa yakap niya, pero mali yata ang ginawa 'ko, mas nagharap pa kami lalo. Mas naramdaman 'ko ang tigas ng dibdib niya at ang pandesal sa t'yan niya. Nanindig ang balahibo 'ko at namanhid ang pisngi 'ko.

"I'm so...rry." He uttered with his husky morning voice. Napatingala ako sa lalaking mapangahas pa ring nakayakap sa akin. Isang pulgada lang ang distansya ng mukha namin, I can feel his hitched breathing on my face. Mukhang may masamang panaginip ito sa paraan ng pagsalubong ng kaniyang kilay habang nakapikit. Mas humigpit pa ang yakap niya sa akin, parang hindi ako makahinga. Tanging dalawang kamay 'ko ang nasa pagitan namin na pumipigil sa pagsasara ng aming distansya.

 Kinakalas 'ko ang yakap niya at tuluyang umuga ang kama, kaya naman mabilis itong nagmulat ng mata. Nagtama ang paningin namin, bakas sa mata niya na kulang s'ya tulog, pulang pula ang mga ito. Sobrang lapit ng mukha niya, I can see his almost microscopic stubbles, starting to grow back. Lumuwag ang yakap niya at bumaba sa bewang 'ko ang kamay niya, ramdam 'ko ang bigat nito.

"I'm sorry did I scare you?" Nagaalala nitong tanong, his manly voice is trying to be soft, para bang nagi-ingat na masaktan ako. I can still sense his guilt from last night. Nangapa ako sa nararamdaman 'ko. May nakabulsa pa rin doong takot, pero hindi 'ko alam kung para sa kaniya iyon. Gumalaw ako para bumangon, hindi umimik sa tanong niya. Nabitawan niya ako at mas naramdaman 'ko ang ngalay sa buong katawan 'ko. 

Bumangon din ito at agad na bumalandra ang kalahating katawan niyang nakahubad. Agad akong nag-iwas ng tingin kasabay ng pagtunog ng kaniyang intercom, tumayo ito at naglakad sa kabilang bahagi ng kama. May pinindot siya doon at may narinig akong boses. Ang naguunahang boses ng kambal at si Manang Viki. Pinagmasdan 'ko kung paano niya iyon sinagot.

"Yes, manang?" Sagot ni Alexander sa linya, napasulyap ako sa kaniya saglit. Nakapikit itong sumagot sa intercom habang nakapatong sa dingding ang isa niyang kamay. Nadedepina ang bawat bitak at sukat sa kaniyang katawan. Humikab pa ito, tila pagod. Sumagi tuloy sa isipan 'ko kung paano naging marahas ang halik niya kagabi. Nanindig ang balahibo 'ko at tila lumukob muli ang kaba sa dibdib 'ko, pero hindi ito kasing bigat kagabi. Naaalala 'ko kung paano ako tinitigan ng mga mata niyang galit. What did I do to deserve his anger? Napatingin ako sa drawer na nakabukas kagabi na nakasara na ngayon, natulala ako doon.

"Senyorito ang mga bata po," napabaling ang atensyon 'ko sa boses ni Manang Viki sa intercom. "Hinahanap kayo, hindi 'ko po alam kung nasaan ang Mama nila. Kanina pa po umiiyak ang isa." Pagkarinig 'ko pa lang na may umiiyak sa isa ay agad akong napatayo. Sinundan ako ni Alexander ng tingin bago sinagot si Manang Viki.

"Sige Manang, escort the kids inside my room." Rinig 'kong sagot nito sa intercom bago pinatay ang linya.

Naghintay pa ako ng ilang minuto, bago naunang iniluwa ng pinto si Ender.

"Mama!" Humahangos mula sa pag-iyak ang baby boy 'ko na sumalubong sa akin. Agad 'ko namang sinalo ng yakap ang baby 'ko. Sumunod si Xia na yumakap din agad sa paanan 'ko.

Nagkatinginan kami ni Manang Viki na agad lumuwa ang mata sa akin. Naramdaman 'ko ang prisensya ng isa sa likod 'ko.Nakita 'ko kung paano palipat lipat ang tingin ni Manang Viki sa amin ng kaniyang Senyorito, tila may naisip na agad na konklusyon sa ayos namin. Napailing ako sa aking isipan at binuhat 'ko si Ender para patahanin, agad namang yumakap ito sa akin. Idinantay nito ang ulo sa aking balikat, kaya mas naramdaman 'ko ang bigat niya sa aking braso. Hinaplos 'ko ang noo ni Xia na bumitaw sa yakap sa aking paanan at dumiretso sa ama niyang nasa likod 'ko.

My TWIN Babies, NOT OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon