XXV

85.5K 1K 35
                                        

Bukas 'ko na maipo-post ang iba, medyo late akong nagsulat ngayong gabi. Salamat po sa pagbabasa! :)


XXV.



"Baby, he's your father." Para akong isang palaisipang tinitigan ng anak 'ko. Naramdaman 'kong naglakad papalapit sa amin si Mr. Ramirez? Mr. Alexander? Ram? Alexander. I don't even know how to address him inside my head.

 Napatingala ang anak 'ko sa taong lumapit sa amin, napalingon din ako nang yumuko din ito sa tabi 'ko. Nakayakap pa rin sa kan'ya si Xia, habang ang isang braso niya ay walang kahirap hirap na nakakarga dito.

Ibinaling 'ko ulit ang tingin sa anak 'kong lalaki nang maramdamang umatras ito. Nabitawan 'ko ang isang balikat nito. Tinitigan niya ako pagkatapos ay inilipat ang paningin sa katabi 'ko. Parang kinakalkula niya ang mga nangyayari. Hindi ako makahinga ng maayos.

"Bakit kayo nagsinungaling sa amin?" Tanong ng anak 'ko, gamit ang inosente nitong mga mata. He still looked so confused. Narinig 'kong aambang magsalita ang katabi 'ko.

"Ender..." Panimula 'ko naman, pero umatras siyang muli at nabitawan 'ko ang kabila niyang balikat. Para bang kapag lumayo siya ay mas maiintindihan niya ang mga nangyayari. Alexander tried to speak pero agad nagsalita ang anak 'ko. Parang kahit ako ay kinakabahang magsalita.

"I just don't get elder people. Why do you have to lie to us, kids? Sabi mo hindi dapat tayo nagsisinungaling o mag-keep ng secret sa isa't isa." Namumula ang mga mata niyang ibinaling sa akin ang huling pangungusap niya. May tunog tampo sa boses nito at kapag lumalapit ako ay mas umaatras siya. Pakiramdam niya ay wala siya kakampi ni isa sa aming dalawa. 

"Ender, hindi gustong mag-keep ng secret si Mama—" naputol ang sasabihin 'ko nang umakyat si Kuya Elmer sa hagdan.

"Ram the client's calling." Napabaling ako kay Alexander na mukhang problemado na ngayon. Kanina ay wala kang mababasang kahit na ano sa ekspresyon niya pero ngayon ay parang nagkaguhit ang mga mata niya. He seemed uneasy with the situation habang nakayakap pa rin sa kan'ya ang anak 'kong babae. Marahan niyang tinatapik si Xia sa kanyang likod, para bang tinatahan niya ang anak 'ko. 

Sinenyasan ni Alexander si Kuya Elmer na hudyat na umalis muna siya doon. Tumugon naman agad si Kuya Elmer at bumaba ng hagdan. Napabaling ulit kami kay Ender na nagsisimulang tumulo ang luha habang nakatingin sa amin, naghihintay ng kasagutan sa kaniyang tanong.

"Kathleen." Naagaw ang atensyon 'ko sa lalaking katabi 'ko. Sinenyasan niya akong kunin si Xia sa kaniya. Tumayo kaming parehas. Kahit nagdadalawang isip ay kinuha 'ko ang anak 'ko. Mahigpit pa ang yakap nito sa ama, kaya nahirapan 'ko pa siyang kunin. Nagsimula ulit umiyak si Xia, nataranta naman si Alexander na balak yatang buhatin ulit ang anak 'ko. Umiling ako at pinakitang ako na ang tatahan sa anak 'ko. May binulong muna siya kay Xia na hindi 'ko naintindihan, tumahan naman ang anak 'ko. 

Pinagpatuloy 'kong haplusin ang likod ni Xia, habang pinagmasdan kung paano lumuhod si Alexander sa anak 'kong lalaki, para lumebel sa mga mata ng bata. Agad napaatras ang anak 'ko nang hawakan siya ng kanyang ama sa magkabilang balikat. Nagsimula ulit umiyak ang anak 'ko. Si Xia naman ay mukhang kalmado na habang nakadantay sa balikat 'ko, inaantok.

"I'm sorry..." Panimula ni Alexander sa nagiingat nitong boses na ngayon 'ko lang narinig mula sa kan'ya. Parang may mainit na bagay na yumakap sa puso 'ko sa mga oras na 'yon. Muli itong lumapit sa anak 'ko ng dahan dahan, nagi-ingat sa magiging reaksyon ng bata. Ender hesitated to step back, lalo nang inabot ng ama nito ang maliliit niyang kamay. My son's hands looks so soft and little in his father's hands.

My TWIN Babies, NOT OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon