XII
Wala akong dalang charger. Iyon pa kanina ang nasa isip ‘ko nang humupa ang sakit sa balakang ‘ko. Ngayon ay nilalagyan ‘ko siya ng hot compress. Si Mr. Ramirez ay nakaupo sa sofa at abalang nanonood ng balita. Kanina pa kami walang imik sa isa’t isa, kahit no’ng kumain kami ng dinner na inorder niya. Aayaw sana ako kaso syempre, gutom na ‘ko, babayaran ‘ko na lang yung hati ‘ko sa kanya mamaya.
Maya’t maya ay may tumatawag sa kanya. Kung kanina ay lumalabas o lumalayo siya kapag may tawag, pero ngayon ay dito na siya mismo sa loob sumasagot. Puro about business ang naririnig ‘ko, hindi naman sa nagi-eavesdrop ako, sadyang rinig lang ang boses niya dito sa pwesto ‘ko, maluwang ang silid pero sapat ‘yon para marinig ‘ko. Tapos minsan tumataas yung boses niya sa kausap niya, hindi ‘ko tuloy maiwasang mapatalon sa higaan ‘ko sa gulat, na hindi naman niya napapansin.
Napaiwas ako ng tingin nang bigla itong tumayo at nagtungo yata sa may pintuan, baka akala niya pinagmamasdan ‘ko siya. Gusto ‘ko lang talagang hiramin yung cellphone niya at makitawag. Siguradong nagaalala na ang mga bata at sila Helen. Hindi ‘ko alam tuwing nangyayari sa akin ‘to ay natatakot ako, dumadami ang imaginations ‘ko at napaparanoid ako. Kaya minsan ang hirap iwan ng kambal, para akong aatakehin sa puso dahil sa pagiisip.
Halos mabitawan ‘ko ang hinahawakan ‘kong hot compress na natatabunan ng makapal na kumot nang lumitaw sa harap ‘ko si Mr. Ramirez. Otomatiko ‘kong inayos ang damit ‘ko sa ibaba na natatabunan ng kumot, kahit hindi naman makikita ang nakalitaw na balat ‘ko sa ilalim ng makapal na kumot.
“Handa na yung pinatawag ‘kong susundo satin. I’ll just change my clothes.” Malamig nitong sambit, hawak niya ang isang paper bag, mukhang pampalit niya na binigay kanina nong kumatok kanina dito sa kwarto. Tumango lang ako bago ito tumalikod. Pero hindi pa ito nakalayo ay napagtanto ‘kong mahihirapan akong kunin yung mga nakasampay ‘kong damit.
“Sir!” Napatigil ito at mukhang iritado nang liningon ako. Para ‘ko namang nalunok yung dila ‘ko sa hiya.
“Uh, ‘wag na po pala.” Sabi ‘ko. Kumunot ang noo nito lalo.
“Tell me.” Iritado ito kaya mas nahiya ako.
“Hindi na po kaya ‘ko na.” Sabi ‘ko at tumayo sa pagkakahiga, pero hindi pa ako nakakahakbang ay kumirot ulit yung muscles ‘ko na tumama kanina sa sahig. Nagulat na lang ako nang maramdaman ‘ko ang mabibigat na yapak ni Mr. Ramirez na lumagpas sa akin at walang kahirap hirap na inabot ang mga damit ‘ko. Blangko ang ekspresyon nitong inabot sa akin ang damit ‘ko at walang pasabi akong nilagpasan.
“Thank you.” Mahina ‘kong sambit bago ito nakapasok sa banyo.
Dahil kumikirot ang muscles malapit sa balakang ‘ko kapag gumagalaw ako ay wala akong choice kundi tiisin iyon. Nakahinga ako nang maluwag nang masuot ‘ko ang palda ‘ko. Sinuklay suklay ‘ko ulit ang buhok ‘ko at inabot ang flats ‘ko na pinatuyo ‘ko sa gilid ng kama.
Teka magkano kaya ang check in dito? Dalawa naman kami, so paghahatian namin ang bayad. Kaso ang luwang nitong kwarto, pati nitong kama, mahal kaya?Kinapa ‘ko ang wallet ‘ko. Kasya kaya ‘tong limang daan? Siguro, pero kung hindi ay babayaran ‘ko na lang yung kulang ‘pag nasa resort na kami.
Napatingin ako sa gawi ng pintuan ng banyo nang narinig ‘ko siyang lumabas doon. Nakasuot lang ito ng plain white shirt at ang pambaba nito ay ‘yong pants niya rin kanina na ‘di yata ganoong nabasa. Mas nagmukha siyang model ng damit sa suot niya, bakat na bakat ‘yung biceps niya at mas nabibigyang atensyon ang malapad niyang balikat. Magulo pa ang buhok nito pero maayos iyong tignan sa kanya, mas nadedepina yung tulis ng ilong niya at ang panga nito, samahan pa ng masungit niyang aura.
BINABASA MO ANG
My TWIN Babies, NOT Ours
General FictionMeet Kathleen Louise de Suarez a young girl, who gave her virginity to the man she look up to, the man of her hope,Alexander Ivan Ramirez. It felt like a perfect fairytale--BUT! Not when the man, who she looked up to, offered her money in exchange f...