Short Notice: Under Partial Revision po itong story na ito. Kumbaga kung nabasa niyo na siya dati, kalimutan niyo na yung old version. Kasi ito, bago. Bagong plot. Pero the same concept. May mga tatanggalin akong unusual characters tas may onting idadagdag, yung may kwenta. May mga aayusin lang akong pangyayari, kung baga mas kapanipaniwalang nangyayari sa totoong buhay. Tapos kukumpunihin ko pa yung character development. In short aayusin ‘ko. Kasi magulo talaga yung nagawa ko non e, bata pa ko nong sinulat ko to mga 10 months old. Ngayon 1 year old na ako, ito na, nagmature na pagiisip ko. Sana ay maintindihan niyo po. Huwag na tayo magkalabuan, okeh? Ayos ba? Okay na…okay. Salamat! Keep safe, babasahin niyo pa to.
VIII
“Himala, ikaw yata nag-initiate ng video call!” Bungad ng ilong ni Ana sa phone screen ‘ko. Agad ‘ko namang isinalpak ang earphones para ako lang makarinig sa ingay ng babaeng ‘to. Sumenyas ako sa kanya na lilipat lang ako ng pwesto. Umakyat ako sa rooftop. Sobrang lakas ng hangin at rinig na rinig ang hampas ng alon.
“Nagba-buffer ba ‘ko?” Tanong ‘ko habang inaayos ang uupuan ‘ko. Tapos ang loka loka ay pabirong nag-buffer ang linya, inirapan ‘ko na. Excited na pwet nito, alam na may iku-kwento ako.
“Okay, what’s the chika all about.” Sabay higop nito sa kanyang mug. Umaga na sa kanila.
“Twins.” Simpleng sambit ‘ko at ngayon ay parang nakatunog na agad sa iku-kwento ‘ko.
“Nagkita na kami.” Tuloy ‘ko at napatili siya para akong mabibingi kaya agad ‘kong tinanggal ang nakakabit sa tenga ‘ko. At nang humupa sa kakatili ay saka ‘ko isinuot ulit ang earphones.
“Ano? Ano pa nangyari? Nako! Nakikipagbalikan ba?” Kumunot ang noo ‘ko at mabilis na napailing kay Ana. Ano bang iniisip ng kaibigan ‘kong ‘to. Kung sabagay ay hindi ‘ko sinabi ng kahit isang detalye sa lalaking ‘yon. Kaya ‘di ‘ko masisisi si Ana.
“Hindi naman niya alam. At anong nagkabalikan? Hindi nga naging kami.” Simple ‘kong paliwanag.
“Hindi niya alam na alin? Na may anak kayo? One night stand? Ano ba ‘yan nakakabuang naman mga nalalaman ‘ko. Uwi kaya ako? Sige idetalye mo pa.” Seryoso nitong sambit sa huling pangungusap.
“Hindi nga niya ako naaalala. Nakakahiya mang aminin, pero oo, isang gabi lang yung namagitan sa amin. Hindi ‘ko nga alam kung paano ‘ko aaminin sayo kung sino yung ama ng mga bata.” Napatikhim ito sa akin at muling uminom sa mug niya.
“Just tell me. Hindi naman kita idya-judge. Pero wala ka din bang balak sabihin sa kanya yung totoo? Na ipakilala ang mga bata? Anong naging reaksyon ng kambal nong nagkita kita sila? Ano may lukso ba ng blood?” Sunod sunod ang tanong nito na parang hindi na siya mauubusan pa.
“Okay dahan dahan lang sa mga tanong. Actually wala pa sana akong balak sabihin kahit kanino ‘to. Kung hindi ‘ko ba naman siya aksidenteng nakita dito. Akala ‘ko nanaginip lang ako. Hindi ‘ko na rin alam ‘kung anong tamang gawin.” Napabuntong hininga ako. Inirapan naman ako ni Ana.
“Hay nako, dapat kasi sinabi mo sakin lahat ng ‘to noong nandyan ako. Sayang para ako susugod sa lalaking ‘yon.” Naiinis nitong sambit at napainom ulit.
“Pinagiisipan ‘ko pa nga kung sasabihin ‘ko na sa kanya. Gusto ‘kong i-handa muna ang kambal sa mga mangyayari. Kasi paano kung hindi sila tanggap? Kung itataboy kami? Iyon yung mga rason na dahilan kung bakit nagda-dalawang isip ako. Masyado pang bata ang kambal para maranasan ‘yong mga naranasan ‘ko dati.” Lumamlam ang itsura ni Ana pagkatapos ay tumapang. Ikinuwento ‘ko sa kanya ang pagtataboy sa akin at pagbibigay sakin ng pera kapalit ng gabing iyon. Kaya naman ay mas lalong nagalburuto si Ana.
BINABASA MO ANG
My TWIN Babies, NOT Ours
قصص عامةMeet Kathleen Louise de Suarez a young girl, who gave her virginity to the man she look up to, the man of her hope,Alexander Ivan Ramirez. It felt like a perfect fairytale--BUT! Not when the man, who she looked up to, offered her money in exchange f...