XX

82.2K 1K 42
                                    

XX.



"Mama!" Nagising ako sa sigaw ng kambal 'ko. Nagulat ako nang makita 'kong nakayuko na sa harapan 'ko si Alexandra. Lumalapit ito sa kambal na nagtatago sa likod 'ko. Nakayakap ang dalawa sa magkabilang binti 'ko.

"Oh they're so cute. They look so familiar!" Nanggigigil na sambit ni Alexandra. "Why are they so shy? Hindi sila sanay sa tao?" Tanong pa rin nito. Hindi ako makasagot at napatingin kay Helen na mabilis na tumalikod at tumakbo palabas ng beach house. Naramdaman 'ko namang umalis sa likod namin si Andrea.

"Alexandra, I just need to call someone. I'll be back." Paalam nito. Napatingala at tumango lang si Alexandra bago ito lumagpas sa amin. Tumayo naman ng tuwid si Alexandra mula sa pagkakayuko. Sumusuko yata sa dalawang bata na nahihiyang magpakita ng mukha.

"Upo muna tayo, Kathleen. My legs so sore." Aya nito sa akin nang hindi makuha ang atensyon ng kambal 'ko. Dinampot nito ang paper bags na nasa sahig at dumiretsong umupo sa sofa sa tanggapan. Bumitaw ang kambal sa pagkakatago sa likod 'ko. Naunang humila sa akin si Xia, gusto na yatang umuwi. Hindi naman mahiyain ang dalawa, paminsan minsan lang sila ganito kapag nagugulat sa atensyon ng mga tao sa paligid.

"Mama, let's go home." Hila naman ng isa. Parang mapipigtas naman ang kamay 'ko, kanina pa ako hinihila ah. Yumuko ako at binulungan ang dalawa na mag-behave. Yumakap sa akin si Ender, habang si Xia ay napatingin kay Alexandra na friendlyng nakangiti sa direksyon namin. Binuhat 'ko si Ender at hinawakan sa kamay si Xia, bago lumapit sa sofa. Umupo ako sa katapat na sofa ni Alexandra, sumunod naman si Xia. Si Ender ay kumandong sa akin. Kinapa 'ko ang likod nito, sunod kay Xia.

"Did you change clothes?" Mahina 'kong tanong sa kambal, aware akong pinapanood kami ni Alexandra. Mukhang hinihintay na ipakilala 'ko siya sa kambal. Umiling naman si Xia bago sumandal sa braso 'ko. "You played all day?" Umiling naman si Ender habang tumango ang isa. Napakunot noo ako, hindi na naman nagsasabi ng totoo ang isa. Winarningan 'ko si Ender, gamit ang tapik, kaya tumango ito, binabawi ang kanyang iling. Napabuntong hininga ako. Hindi 'ko naman masisisi si Nanay Minda, marami 'yong ginagawa. Pero hindi 'ko maiwasang mainis (bukod sa sarili 'ko), dahil hindi natignan ng maayos ang mga bata. I just wish, dalawa ang katawan 'ko sa mga pagkakataong ito.

"Mama who is she?" Curious na tanong ni Xia. Napatingin ako kay Alexandra na magiliw pa rin kaming pinagmamasdan. Naaantig siguro siya sa mga tagpong ganito, she's really fond of kids.

"Uhm, siya si Ma'am Alexandra. She's Mister Ramirez' sister." Pakilala 'ko. Agad namang naglahad ng kamay si Alexandra sa anak 'ko.

"Hi baby, I'm Tita Alexandra, you can call me Tita Xandra. How 'bout you, what's your name?" Friendly nitong pakilala. Alanganin namang tinanggap ni Xia ang kamay nito. Si Alexandra naman ay nakangiting napatingin sa akin, bago ibinalik kay Xia.

"I'm Xianeera Azule de Suarez. You can call me Xia. And Tita I'm not a baby anymore, you see I'm a lady now." Napahagalpak kami sa tawa ni Alexandra sa tugon ng anak 'ko. Si Ender naman ay napabango sa pagkakakandong sa akin.

"Me, Tita Xandra. You can call me baby, I'm not that sensitive like her." Asar naman ng anak 'kong lalaki. Nagtawanan kami, kaya nawala ang kabang lumulukob sa akin. Si Xia naman ay mukhang mapipikon na.

"What's your name, baby boy?" Tanong ni Alexandra with wide smile.

"I'm Leender Idan de Suarez. You can call me Ender, Tita Xandra." Nilahad ng baby boy 'ko ang kanyang maliit na kamay sa ngiting ngiti na si Alexandra.

My TWIN Babies, NOT OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon