VII
Alexander Ivan Ramirez
"Naku Sir, pagpasensyahan mo na si Kat. Mabait 'yon, sadyang mahiyain lang makisabay sa inyo ng umagahan."
Umupo ako sa harap ni Elmer at padabog na binaba ang cellphone 'ko. Mainit ang ulo 'ko at baka ang matandang ito ang mapagbuntunan 'ko. Naintindihan naman agad 'yon ng assistant 'ko at itinaboy ang matandang kanina pa humihingi ng paumanhin sa inasta ng supladang caretaker.
"Next time if Andrea calls me, huwag mo nang ibigay sa akin." Shit. Isa pa ang babaeng 'yon. Maayos at maliwanag ang usapan namin pero parang bagong panganak na pusa kung bumuntot. Dumagdag sa init ng ulo 'ko ang babaeng 'yon.
"Bakit? Akala 'ko kasi kanina may importante siyang sasabihin sayo." Matalim ang titig 'ko kay Elmer. "O 'wag ako pagbuntunan mo ng galit. Assistant ako dito, ginagawa 'ko lang trabaho 'ko. Kasalanan mong pinaasa mo pa si Miss Andrea." Depensa ni Elmer. Alam niya kung paano uminit ang ulo 'ko.
Andrea Ajero is my acting fiancé. She's been my girlfriend for quite some time. But I'm not really planning to marry her. It was her idea. To boost her career. Ako naman, para sa matandang Ramirez na matagal nang nanawagan ng kasal, para manahimik.
Bata pa lang ako ay alam 'ko na ang katayuan 'ko sa mga ganyan. I'm not for marriage. I don't believe in it. Hindi 'ko nakikita ang sarili 'kong magkakapamilya, pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan 'ko sa murang edad. I know that I'm not for it.
"Tawagan mo nga mamaya si Jeda, ayoko yung na-hire niyang caretaker." Kaswal 'kong utos.
"Bakit sisisantehin mo? Hindi ka na naawa sa babae." Mas tumalim ang titig 'ko kay Elmer na ikinabilaok niya sa iniinom niyang kape.
"Do it or I'll fire you too." Galit 'kong banta pero wala 'yong epekto sa kanya. Ito ang ayaw 'ko sa assistant 'ko, lagi siyang may sabi sa mga desisyon 'ko. Mas malala pa 'to sa matandang Ramirez.
Maybe because he's been with me since I entered the business industry. Isa siyang dating tauhan ng isang kilalang loan shark. Nagkakilala kami sa isang rambulan at muntik kaming mahuli ng mga pulis, mabuti na lang at nakatakas kami. Magaling siya at maabilidad. Mula noon ay kinuha 'ko siyang assistant 'ko. Bukod doon ay napatunayan ko ring mapagkakatiwalaan siya.
Pero kapag umiinit ulo ko ay nanlalabo din ang paningin 'ko sa mga bagay bagay at lagi siyang mahilig sumabat sa mga desisyon 'ko sa mga ganitong pagkakataon. Malakas loob ng bugok.
"May dalawang anak 'yon, Ram. Balita 'ko kay Minda, 'yong matanda kanina. Byuda daw 'yong babae, mukhang napakabata ngang nagkaanak eh at naghahanap pa ng trabaho pagkatapos dito. Tapos umaasa lang sa kita niya dito sa ngayon. At kung sisisantehin mo siya sa trabaho,paano niya bubuhayin 'yong mga anak niya? Mabuti sana kung may asawa-"
"Anong pake 'ko. That's not my problem anymore. She shouldn't treat visitors the way she treated me. If she can do it to the owner, how much more to the real clients? I don't find her qualified for this job. She should be fired. You know me well. I can't let a single mistake to be incorporated in my businesses." I blew up to my assistant's face. I'm really pissed off. How dare her reject and snob me like that.
Besides the fact that business should always be business; may it be small or giant. You can't be a fucking saint if you want to survive this world. My decision is final.
"Ano pa bang magagawa 'ko. Mamaya 'ko na lang tawagan si Miss Jeda, baka magbago pa isip mo." I just shrugged it off and continued with my breakfast.
"Nga pala babalik ka ulit next week dito. Bibisitahin mo pa yung site." Elmer shifted the topic after a long silence. Uminom ako ng tubig bago magsalita.

BINABASA MO ANG
My TWIN Babies, NOT Ours
Ficção GeralMeet Kathleen Louise de Suarez a young girl, who gave her virginity to the man she look up to, the man of her hope,Alexander Ivan Ramirez. It felt like a perfect fairytale--BUT! Not when the man, who she looked up to, offered her money in exchange f...