SIMULA

167K 2K 39
                                    

Short Notice: Hello po. This revision is long overdue but please bear with me. Since hindi po ako busy ngayon sa board exam review dahil sa suspension due to COVID 19. Ito na po ang unang update ko after a while. I hope everyone who get to read this will take care of themselves. Godbless po. We will get through this. And for the mean time, enjoy reading novels. 화이팅!

⏳Under REVISION

WARNING SPG!

Simula

"Kat alam mo hindi na healthy 'yang ginagawa mo sa sarili mo,buntis ka, tapos ano? Binubugbog mo 'yang sarili mo sa trabaho!" Panay ang pasermon sa akin ni Ana habang pinipilit kong lunukin ang niluto niyang lugaw para sa akin.

"Dalawang buwan pa lang naman, Ana. Kapag lumaki na ang tyan ko-"

"Magrarason ka pa. Kung ang pino-problema mo ang gastusin mo sa panganganak may mga makakatulong naman sa atin. Tsaka hihingi ako ng tulong kay Mommy."

Napabuntong hininga ako at napainom sa gatas. "Hindi mo naman kailangang tulungan ako. Alam kong hindi kayo okay ng Mommy mo. Isa pa, pagkapanganak ko kailangan ko ng pera para tustusan ang pangangailangan ng anak ko. Ako ang may kagagawan nito, Ana. Ako din dapat ang po-problema at lulutas dito." Umiling ito at mas lalong pumamewang sa harap 'ko.

"O kung ganon, sabihin mo sa akin,sinong ama niyan? Siya ang kakausapin 'ko para tulungan ka. Responsibilidad niya rin ang batang 'yan. Ni wala ka pang check up. Ano nganga na lang ako dito? Wala akong gagawin para tulungan ka?" Napaiwas ako sa matalas nitong titig. May punto si Ana pero hindi ko kayang harapin ang punto niya.

"Diba hindi mo masabi. Bestfriend mo ako,Kat. Kaya walang kaso sa akin ang tulungan ka. Kung kailangan kong kausapin ang ina kong nakipag-asawa sa ibang bansa ay gagawin ko. Sino ba naman ang magdadamayan kundi tayo lang diba?"

Namumula ang mga mata nito at lumebel sa akin. "Sinong kumupkop sa akin noong hindi 'ko alam kung saan ako pupunta? Diba ikaw. Noong walang gustong maniwala sa akin, ikaw yong nandyan." Nagsimula itong humikbi sa pagkadimaya sa akin. Hindi ko na rin mapigilan ang butil ng luha sa pisngi 'ko.

"Noong namatay si Papa ikaw ang nandyan. Kaya ngayong ikaw naman ang nangangailangan, nandito din ako, Kat. Kaya kung hindi mo sasabihin sa akin kung sinong pontio pilatong nakabuntis sayo ay gagalangin ko. Ang akin lang ay hayaan mo akong makatulong sa sitwasyon mo." Hindi ko maiwasang mas mapahagulgol. Niyakap ko ang madamdamin kong bestfriend at para kaming tangang nagtawanan pagkatapos.

"Paano 'yan mas mapapagkamalan tayong magjowa nito." Tumatawang pinunasan ko ang aking basang pisngi. Napailing si Ana at kunwaring nandidiring lumayo sa akin.

"Bukas sasamahan kitang magpa-check up. Diba sabi mo wala ka pang OB gyne?" Umiling ako.

"O bukas punta tayo sa kakilala 'ko, magaling 'yon tsaka may discount ako dun. Ako ang bahala."

Isang linggo pa lang ang nakakalipas simula nang nalaman kong buntis ako. Nagtest lang ako mula sa PT.

"Sige kumain ka muna d'yan, kailangan ko pang gawin yung thesis namin.Malapit na defense." Tumango ako kay Ana.

Kinabukasan nga ay pumunta kami sa kakilala niyang OB. Noong una ay kabado ako. Kung maayos ba ang nasa sinapupunan 'ko. Buntis ba talaga ako? Anong mangyayari sa akin?

"Congratulations hija, you'll be having twins! They're almost eight weeks old." And my heartbeat almost stopped. Masaya ako na hindi ko maipaliwanag.

Noong una akala ko madali lang ang lahat. Akala ko noong natanggap ko ang bata sa sinapupunan ko, sapat na 'yon na mabubuhay ko na siya. Pero doon ako nagkakamali.

My TWIN Babies, NOT OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon