XXXVI

65.5K 835 39
                                    

Short note: Sincerest apology sa mga naghihintay hanggang ngayon na matapos to. It took me two years to get back, I know. So far mentally coping na ako sa life. I hope everyone is doing great. Please bare with me. I wont really promise anything but I'll just do what I can. Please be kind to me. :)


XXXVI.


Pinili 'ko munang asikasuhin ang kambal habang hinayaang isipin ni Alexander na pumayag ako sa plano niya. Busy siya ngayon sa kanyang office dito sa mansyon,tingin 'ko ay marami siyang nakatambak na gawain pagkatapos niyang pumunta ng Hongkong. Gusto ko siyang pagsabihan na hinay hinay sa trabaho,pero tingin ‘ko bago pa man ako nakapasok sa buhay niya ay ganoon  na ang set up niya. Napailing ako sa aking iniisip.

“Mama are we going out tonight?” Inosenteng tanong ng baby girl ‘ko habang inaayos ‘ko ang buhok niya. Si Ender ay binibihisan ni Manang Hilda. Umiling ako.

“Pero sabi ni Daddy,we’re going to meet his family tonight.” Napabuntong hininga ako bago binitawan ang hawak kong suklay. Tinapos ‘ko muna ang pagaayos ng buhok ng anak ‘ko bago ako nagsalita.

“Baby, do you really want to meet Daddy’s family?” Malambing ‘kong kinandong si Xia,saktong lumapit si Ender at agad akong niyakap gamit ang maliit niyang braso sa aking balikat. Mukha tuloy kaming nagsisiksikan sa sofa. Napatingin ako kay Manang Hilda na nagpaalam para gumawa ng gawaing bahay. Tumango lang ako at nagpasalamat dito bago  binalik ang atensyon sa kambal na mukhang nagiisip sa tanong ‘ko.

“Mama have I met Daddy’s Mama? The one from the airport?” Kyuryosong tanong ng baby boy ‘ko. Marahan akong tumango. Nakita ‘ko kung paano lumukot ang mukha ni Ender. Si Xia ay hindi gaanong maintindihan ang sinabi ni Ender. Hindi kasi nito naabutan lahat noon. Kapag naaalala ‘ko tuloy ang masasakit na salita ng ina si Alexander ay parang pinipiga ang dibdib ‘ko. Isa pa gusto kong masinsinang makausap ang baby boy ‘ko sa kanyang tunay na nararamdaman sa mga nangyari sa airport.

“Mommy I don’t wanna go. Lola hates me.” Mas lalong nadurog ang puso ‘ko. Pati ako ay ayoko silang ilapit muli sa mga taong ‘yon. Naniniwala akong sa modernong panahon ngayon,hindi na kailangang ipilit natin ang sarili natin, sa mga taong ayaw satin. Kahit pa kadugo mo sila o hindi. I want to surround my kids with people who’d love them. Gusto kong lumaki sila sa pagmamahal. Hindi iyong minamata ka dahil sa estado mo sa buhay.

“Shh,baby. It’s not that… Lola hates you,or Xia, or me…” parang pinipiga ang dibdib ‘ko habang tinititigan ang maamong mukha ni Xia. “Iyon lang ay ganon kamahal ni Lola si Daddy niyo.” Mahinahon ‘kong sambit.

“But Mama,how do you call that love? You mean someday,if somebody loves me other than You,Xia and Daddy, you’re going to treat them that way?” Litong tanong ng baby boy. Kumandong ito sa kabilang leg ‘ko. Ginulo ‘ko ang medyo patuyo na nitong buhok.

“You silly boy,”I smiled as he snuggled me,pilit niyang sumiksik sa pagkakayakap ‘ko kay Xia. I am so squished with my babies,my heart is full.


“ Of course not. Pero in your Lola’s case,it may be harsh but it is her way to protect your Father. Lola thought masama ang balak ni Mama kay Daddy ninyo.” Mahabang paliwanag ‘ko sa mga anak ‘ko. It’s still confusing for them to grasp the situation,pero imumulat ‘ko sila sa paraang makakabuti sa paglaki nila.Hindi ‘ko gusto ang mga naging salita ng ina ni Alexander. Pero hangga’t maaari ay ayoko itanim sa mga isip ng mga bata,kung gaano kasama ang mga sinabi ng Lola nila at baka magtanim pa sila ng sama ng loob dito. Hindi ‘ko rin naman alam ang mga mangyayari sa hinaharap,ang tanging alam ‘ko lang ay kahit anong mangyari siya ay parte pa rin ng buhay ng ama ng mga anak ‘ko.

“But,Mama can we not just go?” Sumandal sa dibdib ‘ko si Xia. HInaplos ko ang buhok nito at marahan akong tumango. Kung hindi komportable ang mga anak 'ko ay paniguradong susundin 'yon ni Alexander. Tingin 'ko ay naging decisive lang siya sa kanyang mga naging desisyon.

My TWIN Babies, NOT OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon