Song recommendation: Alaala by Yeng Constantino (Mahilig akong makinig ng music habang nagsusulat, minsan walang connect, pero yung beat o melody meron. Baka gusto niyo lang pakinggan. Thanks!)
XIII
Naramdaman ‘ko ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ‘ko. Unti unti ‘kong minulat ang mga mata ‘ko at nasilaw sa liwanag ng bumungad na kwarto sa akin. Dali dali akong napabalikwas at naalala ang huling nangyari kagabi. Nanlalaki ang mga mata ‘kong napalingon lingon sa paligid. Teka? Bakit nasa resort ako? Umaga na!
Sapo sapo ‘ko ang ulo ‘kong lumabas sa isa sa mga silid sa beach house. Nanlalabo pa ang mga mata ‘ko nang bumaba sa hagdan. Wala na yung sakit sa ulo ‘ko at hindi ‘ko na maramdaman yung sakit sa balakang ‘ko. Naaalala ‘kong niresetahan ako ng doctor ng pain reliever.
Pero ang tanong, bakit dito ako dumiretso? Nasaan ang mga anak ‘ko? At si Mr. Ramirez? Magkasama kami kagabi ‘di ba? Nakakahiya at hindi kumportableng alalahanin na siya ang nagasikaso sa akin kagabi. Ang lamig ng sahig! Hindi ‘ko mahanap yung flats ‘ko. Kailangan ‘ko nang makita ang babies ‘ko. Bakit ba kasi ako nakatulog? Gusto ‘kong sabunutan ang sarili ‘ko sa katangahan.
“Ate!” Napalingon ako sa pamilyar na boses. Si Helen! Napatingin ako sa paligid, baka sakaling kasama niya ang mga bata. Lumapit ako sa kanya mukhang paakyat din sana siya sa hagdan kung di ako nakasalubong.
“Mabuti naman nagising ka na Ate.” Nagaalala niyang binaba ang hawak na tray sa malapit na mesang gawa sa salamin, mukhang almusal ‘yon. Kinapa kapa niya ang noo at leeg ‘ko sabay alalay sa akin paupo sa sofa
“Wala ka nang lagnat. Kagabi nagulat kami sa pagdating mo kasama si Sir Alexander.” Bulong nito sa huling pangungusap. Pero wala ‘yon sa isip ‘ko.
“Helen nasaan ang kambal? Nagalala ba sila kagabi? Umiyak ba si Ender? Si Xia?Saan sila natulog?” Sunod sunod ‘kong tanong at hindi mapakaling tumingin sa kanya, naghihintay ng sagot.
“Hep hep! Isa isa lang Ate. Una natulog sila sa bahay, doon din sila kumain. Si Mama ang nagbabantay sa kanila. At don’t worry napatahan ‘ko kaagad kagabi si Ender at kaninang umaga. Si Xia naman, behave lang at gusto kaninang sumama dito no’ng sinabi ‘kong nandito ka. Napakadaming tanong ng batang ‘yon, nauubusan ako ng English.Hindi ‘ko na rin sinabing may sakit ka kagabi kaya hindi sila pwedeng isama. Umuwi nga ako saglit kanina doon, ayun naglalaro kasama ng kapatid ‘ko. ” Nabawasan naman ang kaba sa dibdib ‘ko at naramdaman ang pagkagutom.
Magpapasalamat pa lang sana ako kay Helen, pero ‘di ako makasingit kasi madami pa siyang naku-kwento. Naramdaman ‘ko tuloy yung gutom ‘ko at napatingin sa dala niyang pagkain. Parang lumulutang yung isip ‘ko sa daming nangyari kahapon.
“Si Lola at si Mang Dong naman ang umaasikaso kay Sir Alexander. Kaso umuwi na si Mang Dong kanina tapos si Lola namalengke.”
“ Oo nga pala Ate paano kayong nagkita ni Sir kahapon at magkasama kayong umuwi dito? Close pala kayo?” Napakunot noo ako at napabalik sa kasalukuyan ang isip ‘ko.
“Hindi kami close, nagkataon lang na nagkita kami kahapon at nagkaproblema tapos sinabayan pa ng ulan kaya ayun nilagnat ako at nakatulog.” Tumango tango lamang si Helen at inalok na akong kumain sa wakas. Para sa akin pala yung dala niya. Lumipat kami sa dining area at kumuha pa siya ng isang plato at pares ng kubyertos, sasabayan niya daw ako.
“Alam mo Ate akala ‘ko kung napano ka kagabi. Kasi naman, alas nuebe ng gabi nang tumawag yung assistant ni Sir Alexander kay Lola. Eh kami sa bahay nagaalala din kami sayo, tapos balak na namin pumunta sa bayan para hanapin ka, tapos bigla kaming naalarma kasi aasikasuhin pa namin si Sir. Akala kasi namin eh ngayong araw pa siya darating. Tapos laking pasasalamat na lang namin at kasama ka pala ni Sir umuwi.” Tuloy tuloy ang kwento nito habang sinisimulan ‘kong himayin ang prinitong isda at sinasawsaw sa toyomansi at kinakain sa garlic rice.
BINABASA MO ANG
My TWIN Babies, NOT Ours
Художественная прозаMeet Kathleen Louise de Suarez a young girl, who gave her virginity to the man she look up to, the man of her hope,Alexander Ivan Ramirez. It felt like a perfect fairytale--BUT! Not when the man, who she looked up to, offered her money in exchange f...