Short notice: Hi ulit!
III.
"Yiie! Puerto here we come!" Excited na tumalon talon si Ana kasama ng kambal. Napailing ako at pinigilan sila sa pagi-eskandalo sa airport. Hinawakan ko sa kamay si Ender at si Ana naman kay Xia. Ngiting ngiti ang tatlo papasok sa eroplano. First time ng kambal kaya sobra silang excited, itong si Ana naman ay normal lang sa kanya maging hyper kapag naglalakwatsa. Natural din sa pagkalokaret. Nakahawla kasi 'yan sa Canada kahit nasa legal age na.
Buong byahe ay tulog ang tatlo, ako lang yata ang hindi mapakali. Siguro dahil, sa pitong taon 'ko sa trabahong hindi ako komportable, sa wakas makakalaya na ako. Parang ang matagal 'ko nang pasanin ay biglang nawala. Ang tinik sa dibdib 'ko ay parang nabawasan.
Napabuntong hininga ako, naiisip ko na agad na maghahanap ako ng trabaho, pagkatapos makahanap ni Ate Jeda-girlfriend ni Kuya Kent(kapatid 'ko sa ina), ng magiging official care taker ng kanyang bagong tayong resort. Isang buwan lang ang hiningi ni Ate Jeda sa akin, kung tutuusin parang ako nga 'yong binigyan niya ng pabor dito.Noong una ay tutol si Kuya pero kalaunan nang nalaman niyang sumangayon ako dahil magre-resign ako sa trabaho ay pumayag na rin siya.
Si Kuya Kent kahit hindi kami ganoon ka-close ay nararamdaman ko pa rin ang pagiging magkapatid namin. Kahit magkapatid lamang kami sa ina ay buo ang turing ko sa kanya. Hindi naman kami masyadong makapaglaan ng oras sa isa't isa, bukod sa busy siya sa trabaho at iba niyang negosyo ay wala naman kaming common interest. Pero minsan naman ay binibisita niya kami at nireregaluhan ng mga laruan ang kambal.
"Wow ang lawak!" Bulalas ni Ana nang nasa may rooftop kami ng beach house.
"Ang ganda dito!" Sigaw 'ko habang pinagmamasdan ang mga nagtatayugang puno ng niyog. May dalawang cottages sa kalayuan na malapit sa dagat, may nakita pa akong duyan na gawa sa tela, parang ang sarap tumambay doon.
"Ikaw at mga bata lang ang nandito sa loob ng isang buwan?" Pagi-iba ng usapan ni Ana. Nagkibit balikat ako.
"May na-hire na rin yata siyang kasama 'ko sa paglilinis kaso sa weekends lang meron." Sagot 'ko na ikinataas ng kilay ni Ana. May irereklamo na naman 'to.
"Sumama ka na lang kaya sa Canada sa akin? Ang ibabayad lang sayo dito ay limang libo-"
"Per week naman 'yon, malaking bagay na 'yon." Kibit balikat 'ko.
"Aba'y kulang 'yon sa lawak ng lilinisan mo, Kat. Paano kapag bubuksan na niya pala ito sa mga turista, ano? Magkakanda kuba ka sa pagaasikaso pati mga bata hindi mo na-"
"Ana kalma, okay? Maghahanap ako ng trabaho dito. Isa pa binabalak ko na rin mag-apply dito kapag bubuksan na siya sa mga turista." Napailing iling sa akin si Ana. Kung tutuusin malawak nga ang buong lugar pero kung ikukumpara mo sa mga ibang beach resort na napuntahan 'ko na ay maliit lamang ito. Hindi pa kasi pinapatayuan ng hotel at ibang mga facilities, tanging beach house at cottages pa lang ang meron. Ang maganda lang ay exclusive, kaya siguro mag-accommodate ng limang pamilya. Tsaka uunti untihin 'ko namang lilinisan kada linggo.
"You should look at yourself in the mirror, ang payat mo na. Kung wala ka lang hulma sa katawan nagmukha ka ng broomstick." Natawa ako sa komento ng seryosong si Ana, na parang ang tanga 'ko kasi hindi ako nakikinig sa kanya. I have a pear-shaped body. Katamtaman ang laki ng hinaharap 'ko, maliit ang bewang 'ko pero ang balakang ko ay malapad, mabuti na lang ay natural na matambok ang pwet 'ko. Hindi masyadong mahahalata na nababawasan ako ng timbang, lalo na at nagsusuot ako ng maluluwang na damit, mas nakakagalaw kasi ako kapag ganoon.
"Ano ka ba, magha-hire naman sila ng cook at iba pang mga work force. Sa unang buwan lang ako magi-isa dito kasama ang kambal. Pakiramdam ko nga nasa bakasyon lang ako. Inisip din naman ni Ate Jeda ang kapakanan 'ko."Dismayado akong tinalikuran ni Ana at naunang bumaba sa pa-spiral na hagdanan. "Isa pa meron namang iba pang mga beach house na kalapit dito, kapag may emergencies pwede lang naman daw akong manghingi ng tulong sa kanila." Tukoy 'ko sa mga private beach house o mansion na nasa kabilang batuhan. Medyo nakahiwalay kasi ang resort na 'to sa iba.
![](https://img.wattpad.com/cover/5555015-288-k613898.jpg)
BINABASA MO ANG
My TWIN Babies, NOT Ours
General FictionMeet Kathleen Louise de Suarez a young girl, who gave her virginity to the man she look up to, the man of her hope,Alexander Ivan Ramirez. It felt like a perfect fairytale--BUT! Not when the man, who she looked up to, offered her money in exchange f...