Bukas 'ko na po i-proofread. Maraming salamat sa paghihintay.
XXXI.
Kanina pa ako walang kibo, mula nang lumabas ako sa kwarto ni Alexander hanggang sa makarating sa kabilang kwarto. Tumatahip-tahip ang dibdib 'ko sa kadahilanang hindi 'ko gusto. Napatingin ako sa orasan, napabuga ako ng hangin, kalahating oras na akong nakatulala sa kawalan. Mabilis akong nagtungo sa banyo at naligo.
May pupuntahan kami, iyon ang sinabi kanina ni Alexander bago ako lutang na lumabas ng kwarto niya , at tanging tango lang ang naging tugon 'ko.Iniwan 'ko doon ang kambal, pinilit pa akong doon na maligo, mabuti at to the rescue ang nagkasala sa akin. Kahit papaano ay sensitive naman siya sa nararamdaman 'ko...Napangiwi ako nang mapansing napapatagal ako sa paga-ayos.
Hindi ako mapakali habang nagsusuklay ng buhok. Napatingin ako sa suot 'ko, mukhang ang plain ng ng napili 'ko. Hindi 'ko naman alam kanina na lalabas kami. Hindi ako makapag-desisyon kung iipitin 'ko ba ang pantaas 'ko sa loob ng palda o hahayaang nakalabas ang laylayan nito. Sa huli ay hinayaan 'ko lang na nakalaylay sa labas ang T shirt-over-long-sleeve style 'kong pantaas. Walang blow dryer kaya, hinayaan 'kong nakalugay ang buhok 'ko, kailangan 'ko na yatang magpagupit. Magta-tali na lang ako ng buhok mamaya kapag natuyo na, mukha pa naman akong bruha kapag natuyo 'to.
Wala na akong nilagay na kahit na ano sa mukha 'ko dahil hindi akma sa suot 'ko ang mag-ayos. Mukha akong sa bahay lang sa uri ng suot 'ko, but who cares, I'm a mother of two, doesn't matter as long as kumportable ako sa suot 'ko. Pero hindi naman masamang mag-ayos, bulong ng isang bahagi ng aking isipan. Napabuntong hininga ako at na-frustrate na naglagay ng konting powder at tint sa labi at pisngi 'ko, mabilis akong nagwisik ng perfume. Bakit ba ang conscious 'ko na lang bigla? Bahala na! Initsa 'ko pabalik ang mga gamit 'ko sa bag 'ko nang may kumatok sa pinto.
Tumayo ako at agad na dinampot ang dadalhing bag, pagkatapos dumiretso sa pinto.
"Ready?" Tanong na bungad ni Alexander, napatingin ako sa likod niya at nakita ang assistant nitong hawak ang kamay ng kambal 'ko sa magkabila nitong palad. Tumango ako sa tanong ni Alexander at marahang lumabas ng kwarto. Para akong nakalutang habang pababa ng hagdan hanggang sa igiya ako sa loob ng sasakyan kasama ng kambal. Sa front seat ako at sa likod naman ang mga bata. Si Alexander ang sa driver's seat. Hindi 'ko nakita kung saan sumakay si Kuya Elmer, na tinulungan pa ang kambal na isuot ang seatbelt sa kanilang seat. Nasagot lang ang tanong sa isipan 'ko nang may naunang lumabas na sasakyan, napansin 'ko pang may nakasunod sa amin. Guards niya ba 'yon? Napakibit balikat ako sa aking isipan.
"Uh..." Untag 'ko at napatikhim nang ma-stuck kami sa gitna ng traffic ng mga sasakyan. Nakatulog na ang kambal sa likod na kanina ay nagtatalo lang, na sinuway 'ko.
"Saan pala tayo pupunta?" Mahina pero klaro 'kong sambit. He glanced a bit on my side, bago umusad muli ang sasakyan.
"Sa airport. Why? Do you need something?" Saglit akong nalito sa sagot niya. Umiling ako sa huling tanong niya.
"Anong gagawin natin sa airport?" Tanong 'ko pabalik.
"I want you to meet Mom. It would be nice if we're going to fetch her together." Nanlaki ang mga mata 'ko at napatingin sa rearview mirror, tinitigan ang himbing sa pagtulog na babies 'ko. Hindi ako mapakaling napabaling sa kaniya, na mukhang isang normal lang na bagay ang sinabi niya. Excuse me? Bakit hindi niya nilinaw kanina? Mukha akong nakapambahay! Teka, preno Kat, ang mga bata naman ang ipakikilala, hindi naman big deal kung anong suot mo. Para naman akong teenager na nagi-isip, akala mo nasa stage ng meet-the-parents? Namanhid ang pisngi 'ko.
"Why do you look uneasy? Tell me what do you need?" Hindi 'ko alam sayo Mr. Ramirez! Nagde-desisyon kang hindi mo ako kino-konsulta. Eh bakit kasi hindi tayo nagtanong kanina Kathleen Louise?

BINABASA MO ANG
My TWIN Babies, NOT Ours
General FictionMeet Kathleen Louise de Suarez a young girl, who gave her virginity to the man she look up to, the man of her hope,Alexander Ivan Ramirez. It felt like a perfect fairytale--BUT! Not when the man, who she looked up to, offered her money in exchange f...