XXIX

75.6K 934 68
                                    

⚠🛑WARNING MATURE CONTENT AHEAD, PLEASE BE GUIDED. Thank you.

XXIX.



"Mama, where is Daddy?" Tanong ng baby girl 'ko habang tinatakpan 'ko sila ng makapal na kumot. Hininaan 'ko na yung aircon pero parang masyado pa ring malamig para sa akin.

"Daddy's at work." Sagot 'ko. Nasa kalagitnaan kasi kami kanina ng pagkain nang umalis ito. May urgent meeting daw ito. Mula kaninang nag-usap kami sa closet niya ay hindi na niya ako masyadong kinakausap. Hindi naman sa kinakausap niya ako ng madalas, 'yon lang ay ni sulyap ay hindi na niya ako tinatapunan. Kanina ngang umalis siya ay sa kambal lang siya nagpaalam, para bang wala ako doon sa hapag kanina.

Napabuntong hininga ako at niyakap ang babies 'ko. Gusto sana nilang magkakatabi kaming matulog kasama ng ama nila, which is ayoko at nagkataong wala din  siya ngayon, kaya parang pumapanig sa akin ngayon ang mundo. Hindi naman sa pa-birhen ako o ano pero hindi 'ko nakikitang magandang tignan na magtatabi kami sa isang kama, kahit pa meron ang dalawang bata. Parang pakiramdam 'ko mali iyon, naiisip 'kong may fiancé pa rin siya, kahit hindi 'ko sigurado kung okay ba sila ni Miss Andrea. Respeto 'ko na lang sa kung ano mang meron sila.

"Mama can you read us a book?" Request ni Ender na nakasandal sa dibdib 'ko habang nakapatong ang isa nitong paa sa itaas na parte ng binti 'ko.Si Xia naman ay humihikab na, halatang inaantok na. Napakurap ako at marahang tumango bago inabot ang librong nasa gilid ng kama. Nandito kami sa kwarto ni Ender, na mas napagtanto 'kong masyadong malaki para sa kanya. Naka-dim na ang ilaw sa buong kwarto pero ramdam ko pa ring maluwang ang buong silid. Tanging ang lamp shade sa magkabilang gilid ng kama ang nagbibigay ilaw sa paningin 'ko. Inabot 'ko ang cellphone 'ko at tinutok ang flashlight sa librong hawak 'ko. Hindi kasi makakatulog ang dalawang ito na may ilaw, nitong nakaraang araw.

Nagsimula 'kong basahin ang librong napili 'ko. Pakurap kurap na ang mata ni Xia pero si Ender ay kuhang kuha 'ko ang atensyon.

"Mama bakit kailangan ni Daddy mag-work sa gabi?" Putol nito sa binabasa 'ko. Para bang hindi ito nakikinig sa binabasa 'ko, naghihintay pala ng pagkakataong makapagtanong.

"Dahil kailangan niya. Kasi kailangan siya ng mga taong nagta-trabaho para sa kaniya." Nag-isip ito, para bang may kinakalkula sa isipan. Naramdaman 'ko namang bumigat ang ulo ni Xia sa balikat 'ko, nilingon 'ko ito at tulog na nga. Dahan dahan 'kong inayos ang pwesto ng ulo niya sa unan, pagkatapos ay inayos ng mabuti ang kumot nito.

"Mama bakit siya kailangan ng work niya?" Ano ba naman 'tong anak 'ko, hindi na inantok, papahirapan pa ako sa pa-Q and A portion niya. Napabuntong hininga ako at niyakap ito, bago hinaplos ang buhok niya pataas.

"Dahil si Daddy ang namamahala sa kanila. Kapag wala siya doon at may problema sa sistema ng trabaho nila, baka may tyansang masisira ng tuluyan ang workplace ng Daddy mo. Kaya kailangan siya doon."Napanguso ang anak 'ko, para bang may katuloy pa ang mga tanong niya. Lord bigyan mo pa ako ng braincells.

"Pero Mama, kailangan 'ko din siya. Why can't he just work at home?" Tiningala pa ako nito, napangiti ako. Ang kulit ng butsi ng batang 'to, gusto 'ko na din mag-shower.

"Pwede naman pero may pagkakataon na hindi pwede, baby. Diba Mama also have work before, to the point na minsan gabi na din ako umuuwi?" Tumango ito. "And the reason why I'm working overnight is because of you and your twin sister. Just like your Dad. Because we want to provide better life and future for you two." Napayakap ito sa akin at tumango tango.

"Mama..." ayyy akala 'ko tapos na.

"Hmm?" Tanong 'ko.

"Do you love Daddy?" Para naman akong nabilaukan sa sarili 'kong laway. Saang kamay ng diyos 'ko kukunin ang kasagutan ng anak 'ko? Daig 'ko pang nakaharap si Tito Boy.

My TWIN Babies, NOT OursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon