Kabanata 9

261 45 4
                                    

Kabanata 9

'Wag ka nang magmatigas

Kinalimutan ko nga ang nakita ko. Kinabukasan ay nagtungo na kami papuntang norte para isagawa ang charity project ni mommy. By land lang kaming nagpunta doon. Limang kotse ang ginamit namin para sa lahat na ng staffs at members ng Royalties. Lima kaming royalties ang nasa isang sasakyan at isa ay driver. We will stay there for three days. Hindi ko lang alam kung may hotel bang tutuluyan o ano.

Mula kaninang pagsakay ko ay inaantok na ako. Ang call time kasi ay alas singko ng madaling araw para maagang makarating. Hindi pa man din ako nakatulog ng maayos.

"Yesha, pinapatanong ni Tita Sandra kung nasa iyo ba daw ang phone mo." Nagulat ako nang magsalita si Josh na nasa tabi ng driver. Nakatingin siya sa rear view mirror para makita ako. Nagtaas lang ako ng kilay pagkatapos ay bahagyang umiling.

Hindi na niya na ako kinausap matapos no'n. Si Sunny na katabi ko ay panay ang kuwento sa mga napanood niya raw. Hindi ko naman siya maintindihan kaya tumatango na lang ako sa bawat sinasabi niya. May mga salita din siyang binabanggit na hindi ko maintindihan. Nawawala tuloy ang antok ko.

"Where's your phone?" Liningon na ako ni Josh. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Hawak niya ang kanyang phone at mukhang may katext. Probably, mom.

"Bakit mo tinatanong?" Walang emosyon kong tanong. Pinanonod kami ni Sunny ngayon na natigil sa kanyang pagkwento dahil sa pagsingit ni Josh.

Bumuntong hininga siya. "Ofcourse, your mom is asking. Where's your phone?" Pag-uulit niya. Mukha na siyang bagot.

"Left it at home." Niyakap ko ang sarili ko dahil sa nararamdamang lamig mula sa aircon ng kotse.

Bakit ko nga ba naiwan ang mga bagay na dapat ay dala ko. Tapos ang mga hindi naman gaanong kailangan ay dala? Nagsisi tuloy ako dahil inayos ko ang dadalhin ko nang magulo ang isip ko. Damn.

Umayos siya ng upo at muling nagpipindot sa kanyang cellphone. Hindi ko na lang pinansin. I don't know why Josh is always contacted by mom. Are they close? Or she thought that I'm close with him? Nah. That would not happen.

Nakatulog din ako matapos magkwento ni Sunny. Hindi ko alam kung ilang oras ang naging tulog ko pero nagising ako ng nasa Bulacan na kami. Malayo pa rin ito sa pagkakaalam ko. Seven a.m. pa lang naman.

Lahat sila ay tulog pwera sa driver. Sobrang tahimik ng sasakyan na makina lamang ang naririnig. Patuloy pa rin naman ang biyahe. May pagkamalubak ang daan.

Napayakap ako sa telang nakapatong sa katawan ko. Nakita ko ang isang itim na jacket. Kanino naman ito? Wala akong matandaan na nanghiram ako sa kanila kanina.

Nilingon ko sina Yuri at GD sa likod ng sasakyan na pareho ring tulog. Hindi naman siguro sa kanila ito?

Unti-unting dumausdos ang ulo ni Sunny sa balikat ko. Dahan-dahan kong inalis ang ulo niya pero bumalik din ito sa akin. Napahinga ako ng malalim. Bahala na lang.

Tinabi ko sa gilid ang jacket at sinubukan muling matulog. Alas kwatro pa ng hapon ang inaasahan naming dating sa lugar na pupuntahan. Mahabang oras pa ang itutulog ko.

"Hey! Wake up..." Nairita ako sa pagyugyog sa akin.  Pagmulat ko ng mata ay agad kong pinagkunutan ng noo ang nanggigising sa akin. Tamad siyang nakasandal sa bukas na pintuan ng van. Suot niya ang black cap at bahagyang natatakpan ang kanyang mukha.

"What?" Umayos ako sa pagkakaupo. Kinusot ko din ang mata ko para matanggal ang kung anomang meron doon. Sinalubong ko ang malalim niyang mga mata. Napairap ako.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon