Kabanata 30

156 29 1
                                    

Kabanata 30

Safe

Natatapos ang araw namin ng ganoon. Pagkatapos ng bawat klase ay didiretso kami sa aming mga booth para magbenta. Kapag sumapit na ang dilim ay siya namang pahinga namin upang kinabukasan ay makapaghanda muli. Ilang araw na ring ganito at ganito ang ginagawa namin. Hindi naman namin nararamdaman ang pagod. Maisip lamang namin na makatutulong kami sa mga nasalanta ng bagyo noon pang nakaraang dalawang taon ay ang saya sa puso. Nakalulungkot lang talagang isipin na ang mga taga-visayas na nasalanta ng bagyo ay hindi pa rin nakukuha ang ipinangakong tulong para sa kanila noon. Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sila ng bahay at maibalik ang pangunahing trabaho nilang pagsasaka.

Kaya kahit sa pamamagitan lamang ng maliit na bagay na aming ginagawa, alam naming malaking tulong ito para sa kanila. Gusto namin silang mapasaya. Gusto naming sa pasko, maramdaman nila ang pagmamahal sa kanila.

"Aeiesha, nandiyan na naman ang kapatid mo sa labas." Tamad akong napalingon sa labas upang makita ang tinutukoy ni Sunny. Nandoon na naman nga si Grey. Nakapamulsa at nakasandal sa railings habang nakatingin sa akin. Napaikot ang mga mata ko.

"Hayaan mo na lang." Sagot ko at muling binalik ang tingin sa pisara. Nakatalikod sa amin si Ma'am kaya muling humarap sa akin si Sunny.

"Sino ba ang pinupunta niya rito? Ikaw o ikaw?" Turo niya sa aming dalawa ni Josh. Magkasalubong ang kilay na tiningnan siya nito.

Walang sumagot sa aming dalawa kaya kibit-balikat na binalik ni Sunny ang tingin sa pisara. Muli kong sinulyapan si Grey. Hawak niya na ngayon ang kanyang cellphone.

"Ikaw ang hinihintay niyan, diba?" Mabilis kong nilihis ang tingin ko at binalingan si Josh. Seryoso siyang nagsusulat sa kanyang notebook. Napahinga ako ng maluwag. Akala ko'y mahuhuli niya na ako.

"Hindi ko alam e. Bakit?" Pagmamaang-maangan ko.

Nilapag niya ang kanyang ballpen bago tumingin sa akin. Seryoso ang kanyang ekspresyon. Ang kanyang mga mata ay matatalim na tumitingin sa akin kahit hindi niya ipahalata iyon.

"Wala. Tsss."

Natapos ang klase sa ganoon. Pagkalabas na pagkalabas ng prof ay siya namang bilis ng ligpit ko sa aking gamit. Nang matapos ako ay diretso na akong lumabas kasabay ng iba ko pang kaklase. Sumabay ako sa agos hanggang sa muli kong malampasan si Grey.

Ganoon at ganoon ang ginagawa ko tuwing naghihintay siya sa labas. Ayoko siyang makasama hangga't maaari. Alam kong magkapatid pa rin ang tingin ng iba sa amin pero natatakot akong mag-iba dahil sa ginagawa ni Grey. At mas nakatatakot na ang unang makahalata ay ang member ng Kroner Royalties.

Ayoko.

Dumiretso ako sa CR pagkalayo ko. Kailangan ko nang maghanda para duty namin pagkatapos ng lunch.

Nang matapos ako ay mabilis din akong lumbas. Pero ngulat ako nang si Grey, Josh at Jeff ang nakasalubong ko. Iiwas na sana ako pero nahuli na ng kapatid ko ang kamay ko.

Pare-pareho kaming napatingin sa kamay ni Grey na nakahawak sa akin. Nagtaas ako ng kilay bago siya hinarap. Ano bang trip ng lalaking ito?

"Nagmamadali ako." Diretso kong tiningnan ang kanyang mga mata.

"Alam ko. Iniiwasan mo ako, diba?" Ngising sagot niya. Mabilis na tumambol ang puso ko sa kaba. Napapikit ako. Saktong pagdilat ko ay mata ni Josh ang nakasalubong ko.

Tinitingnan niya na naman ako gamit ang mata niyang iyon.

"Oh? Magkaaway kayong magkapatid?" Sabat ni Jeff. Hindi ko na siya nagawang lingunin dahil sa kabang nararamdaman ko. Kapatid.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon