Kabanata 57

129 10 0
                                    

Kabanata 57

A slap

Nakatanggap ako ng mensahe galing kay Jeff na nagyaya na magkita-kita sa isang bar sa Manila para sa selebrasyon ng pagiging miyembro niya ng Boy In Luv at gano’n na rin upang magkita-kita kaming muli matapos makagraduate. Hindi kasi namin nagawang magsama-sama noong foundation day ng Kroner dahil may kanya-kanyang lakad. Nagreply ako sa kanya na sasama ako.

Sinabi ko kay Rhein ang pagpunta ko roon. Tinanong ko rin siya kung kasama ba sila dahil baka kasama maging si Jazz. Ngunit sabi niya’y hindi raw. Hindi ko na rin daw kailangang magpanggap sa harapan ni Jazz bilang girlfriend niya dahil sinabi niya na raw ditto ang totoo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na pinagkamalan ako ni Jazz bilang girlfriend ng kapatid ko. Sino nga naman ba kasing mag-aakala na nagkaroon bigla ng kapatid si Rhein.

“Hatid kita?” Tanong niya sa akin nang makita akong bihis na bihis na. Alas-otso pa lang ng gabi pero kailangan ko pang bumyahe kaya aagahan ko.

“’Wag na. Magpahinga ka na lang. ‘Tsaka bakit wala ka ngayon sa unit mo?” Nagtatakang tanong ko. Bihira na lang ito kung umuwi rito sa bahay. Imposibleng walang sadya ito rito.

“Wala nang foods. Tinatamad ako maggrocery.” Tamad na tamad na sabi niya ‘tsaka binaling ang sarili sa pinanonood niya sa tv.

“Okay. Aalis na ako a? Pakisabi na lang kay daddy.” Kumaway na ako ‘tsaka naglakad palabas ng bahay. Nakahanda na doon ang aking kotse na gagamitin patungo sa bar na napag-usapan. Mabuti na lang at walang gaanong traffic at ilang oras lang ay nakarating din ako.

Wala sa inaasahan kong itsura ng bar ang nakita ko. Tanging music lang ang naririnig ko mula sa loob at wala ang mga taong nagsisigaw at nagsasaya sa loob. Nakita ko sa aking pagpasok si Sunny na nasa bar counter. Tinawag ko siya at agad niya akong nilingon.

“Long time no see, Yesh!” Sigaw niya sabay yakap sa akin. Nagkatinginan muna kami saglit bago ko kinalat sa paligid ang tingin ko.

“Hinahanap mo ba sila?” Napatingin akong muli sa kanya. Tumango ako.

“Nagkaroon kasi ng gulo kanina. Aayusin muna raw nila. ‘Tsaka mukhang ‘di na rito ang party.” Nakangusong turan niya. Hinila ko ang isang stool at doon umupo. Umupo rin siya gaya ko.

“Anong klaseng gulo? Sino-sino na ba ang nandito?”

“May lalaking nagwawala na pumasok kanina kasama ‘yung mga kaibigan niya siguro. Gusto nilang maki-party pero dahil ginawang private ito ngayon para sa celebration natin, hindi pwede. Ayun, nagkaroon ng komosyon hanggang sa dinala nila sa pulis at sana matapos na agad.” Hinalo-halo niya sa kanyang wine glass ang laman nito. Tiningnan ko lang ang ginagawa niya. “At kung hinahanap mo ‘yung iba, sina Jeff, Josh, Luhan, Kloe, GD at ako pa lang ang nandito,” Ngumisi siya.

“Si Jeff, Josh at Luhan ang nag-asikaso doon sa mga nanggulo kanina. Probably, GD and Kloe’s looking for a new venue.”

“How about this place?” Napataas ang kilay ko.

“Malabo. Mukhang may nangyari na rito kanina bago pa kami makarating. May mga pulis na dumating at kailangan daw nilang imbestigahan ang lugar.” Napakunot lang ang noo ko sa mga sinabi niya. What a coincidence.

Hinintay lang namin si Shade bago kami nagpunta sa bagong club na sinabi sa amin nina Kloe. Dahil nga biglaan ang paghahanap, hindi na private ang nakuha nilang space. So we need to be with other club goers. Sana lang ay walang maging aberya.

Nagkita-kita kaming lahat bandang alas-onse na rin. Huling dumating sina Jeff na nag-asikaso sa mga nanggulo raw kanina at mukhang nahirapan sila doon. Tinatanong sila ni Sunny kaya nakinig na rin ako.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon