Kabanata 1

537 60 16
                                    

Kabanata 1

Retard

Pinaupo niya ako sa nakahilerang upuan sa loob ng locker room. Nagtitinginan nga sa akin ang mga lalaking nandito dahil sa presensya ko. Sino nga naman bang babae ang makikita mong nasa loob ng locker room ng boys?

May hinahanap na kung ano si Luhan sa kanyang locker samantalang ako ay nakayuko lang dahil sa atensyon na binibigay ng iba.

"Wear this." Hinagis niya sa akin ang white shirt niya. Inabot niya din ang isang puting tuwalya.

Tinitigan ko siya. Nag-aabang na sabihin niya kung saan ako pwedeng magpalit. Nasa boys locker room kami kaya panigurado na may mga lalaki sa loob ng banyo. Nagkunot siya ng noo.

"Sumunod ka sa akin." Nauna siyang maglakad palabas kaya sinundan ko siya. Maging sa paglabas namin ay nakatingin pa rin ang mga lalaking naistorbo sa kanilang pagpapalit. Mga lalaking nakatapis ng tuwalya sa beywang.

"Diyan ka magpalit." Tinuro niya ang isang restroom na malaki.

Pumasok ako sa loob at agad na tumambad sa akin ang malaking salamin sa kanang parte ng CR samantalang sa kaliwang parte naman ay ang nakahilerang cubicle. Pumasok ako sa isa do'n at nagpalit ng damit. Sobrang basang-basa pala ang pang-itaas ko. Nagmantsa na din ang kulay ng juice.

Sinuot ko ang shirt niya at umabot ito ng hanggang kalahati ng palda ko. Inayos ko ang pinaghubaran ko bago ako lumabas ng cubicle. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Mukha pala akong basang sisiw.

Hinughugan ko ang buhok ko sa gripo bago pinunas ang panyo ko. Atleast I look better now. Lumabas ako sa CR at nakita si Luhan na may kausap na babaeng maputi at nakaponytails ang mahaba't straight niyang buhok. Katulad din ng uniporme namin ang kanyang suot.

"Sige, Luhan, kita na lang tayo sa meeting..." Nagpaalam na siya pero bago pa siya tuluyang umalis ay nginitian niya muna ako. Sinuklian ko din ang kanyang ginawa bago tuluyang humarap kay Luhan.

"Salamat..." Bungad ko sa kanya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago naunang maglakad. Hindi ko siya sinundan. Hahanapin ko pa ang cafeteria para makakain na.

"Ano pang hinihintay mo?" Binalingan niya ako. Nagtaka ako sa tanong niya. Hinihintay niya ba ako?

"Hahanapin ko pa kasi 'yung cafeteria, nagugutom na ako..."

"Kaya nga sumunod ka sa akin. Sasamahan kita doon." Tumango ako bago sumunod sa kanya. Pinangunahan niya ang paglalakad. May ibang estudyante ang tumitingin sa kanya pero mayroon din namang walang pakialam.

Marami pa siyang binating kakilala bago kami tuluyang nakarating sa pupuntahan.

Wala nang gaanong tao sa loob dahil siguro ay tapos na ang lunch break. Maraming bakanteng upuan sa malapit sa counter pero piniling umupo ni Luhan sa tabi ng glass wall sa bandang dulo ng cafeteria. Minuwestra niyang umupo ako sa katapat niyang upuan kaya naman sumunod ako.

"Bibili lang muna ako." Nagtungo na nga ako sa bilihan. Maraming pwedeng pagpilian at lahat ay mukhang masasarap. Binili ko na lang ang paborito kong pasta at dinala sa bayaran. Halos magulat naman ako sa presyo ng binayaran ko. Kung mahal na pala ang pagkain sa pinag-aralan ko noong highschool, mas dumoble pa pala dito.

Kinain ko na nga ang binili ko sa tapat ni Luhan. Hindi siya kumakain pero abala siya sa pagpindot sa kanyang cellular phone. Minsan ay tinitignan niya ako pero madalas ay nakatuon siya doon.

Nang matapos ako ay tsaka ako nagsalita.

"Salamat ulit." Sabi ko sa kanya. Binalingan niya ako. Binaba niya sa mesa ang kanyang cellphone bago pinagdaop ang kanyang palad.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon