Kabanata 43

118 9 1
                                    

Kabanata 43

Forehead kiss

Nagdesisyong mag-overnight ang dalawa sa bahay. Tabi-tabi kaming natulog sa kama ko. Naunang nakatulog si Sunny kaya kaming dalawa na lang ni Yuri ang gising. Sinubukan kong itanong sa kanya ang tungkol sa problema niya at mabuti na lang at nag-open siya.

“Wala na ang gamit ni daddy sa bahay pag-uwi ko. Sinubukan kong tanungin si mommy pero nagmamadali rin siyang umalis no’ng araw na iyon. Sinabi lang sa akin ni Manang ang nangyaring pag-aaway nina mommy bago ako dumating at nagdesisyon na nga silang dalawa na maghiwalay. At first hindi ko pinaniwalaan dahil ilang beses na nilang ginawa iyon. But when dad called later that night, sinabi niya sa aking hindi na talaga siya babalik sa bahay. Doon talagang nagsink in sa akin na wala na.” Kita ang lungkot sa mga mata ni Yuri nang ikwento niya iyon. Wala akong masyadong alam sa kung bakit naghiwalay ang mommy’t daddy niya pero alam kong palagi na itong nag-aaway.

“And? Where are you staying? Sino ang kasama mo?” I asked.

“Sa bahay pa rin. Walang sinabi si mommy na aalis siya sa bahay. So I guess, it’s mom. ‘Tsaka di pa umuuwi si mommy sa bahay mula nang umalis siya noong gabing iyon kaya si manang lang talaga ang kasama ko. Sanay naman na akong nag-iisa sa bahay pero mas nagging malungkot ang bahay ngayon kaya hangga’t maari ayaw ko munang umuwi roon.”

Tumango-tango lang ako sa sinabi niya. She’s right. Mahirap umuwi sa lugar na alam mong mag-iisa ka lang.

“Yesh… di ko alam kung anong mararamdaman ko. In-expect ko na kahit papano na maghihiwalay sila dahil sa palaging pag-aaway. Akala ko ready na ko pero hindi pa rin pala. Masakit pa lang makita na totoong naghiwalay na ang mga magulang mo. Hindi ko na alam ang gagawin ko.” Sunod-sunod nang tumulo ang luha sa mga mata niya. Niyakap ko na lamang siya at pinatahan. I can feel how lonely she is.

“Ssshhh… Okay lang ‘yan. Try to talk to your parents. And try to understand their decision, Yuri. Siguro hindi na talaga nila kayang mag-stay na kasama ang isa’t isa. That their only reason why their staying for so long is because of you.”

“Kung gano’n, bakit pa sila nagstay kung iiwan din naman pala nila ako? Binigyan lang nila ako ng akala na hindi nila ako iiwan. Dapat sa umpisa pa lang naghiwalay na sila. Their only reason for staying is me? Bakit? Dahil ayaw nila akong iwanan mag-isa? Then ano ito ngayon? Pareho nila akong iniwan! I hate the both of them!” Humagulgol na siya ng iyak pagkatapos no’n. Ang bigat ng nararamdaman niya ay nadagdag sa nararamdaman ko dahilan para mapaiyak na rin ako.

Let me cry just this once. I’ll cry until I finally accept that I’m all alone. That they will never come back. Sa umpisa pa lang naman ay dapat nag-iisa lang din ako. At ngayong nasanay na akong may kasama, ‘tsaka naman sila mawawala.

Maaga ring umalis sina Sunny kinabukasan. May klase pa kasi mamaya at kailangan nilang umuwi para makapagbihis. Nang mag-isa na lang ako ay inabala ko ang aking sarili sa gawaing bahay hanggang sa dumating ang oras ng pasok. Papalabas na ako sa bahay nang makita ko si mommy na pababa ng kanyang sasakyan. Hindi na ako nagpatuloy sa paglabas at hinintay na lang si mommy na makapasok sa loob.

“Kumusta ka na?” Panimula ni mommy pagpasok sa bahay.

“Okay lang po.” Wala sa sarili kong sagot. Naramdaman kong lumapit siya sa akin. Nilapat ang kanyang kamay sa aking noo.

“You don’t look so fine. Are you feeling sick?” Umiling ako.

“Magsabi ka lang sa akin kung masama ang pakiramdam mo. I can stay here or ikaw ang magstay muna sa bahay. I’ll take care of you.” Malambing na sabi ni mommy. Sa sinabi niyang iyon ay lalo akong nalungkot.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon