Kabanata 23

198 29 0
                                    

Kabanata 23

We can

Nasa pool area ako at nagpapahinga sa ilalim ng malamig na gabi nang marinig kong may kumaluskos sa aking likuran. Agad akong napatingin doon. It's kuya Grey.

"You can't sleep?" Alanganin akong tumango. Sinundan ko siya ng tingin at umupo rin siya sa sahig tulad ko. Nakababad ang paa sa tubig ng pool.

Pinagmasdan ko lang siya. Hindi na muli siyang tumingin sa akin at buong atensyon niyang tiningnan ang repleksyon namin sa tubig galing sa liwanag ng buwan. Hindi pa rin kami magkasundo hanggang ngayon. Pinag-aawayan pa rin namin ang pagbabawal niya sa akin na makipagkita sa kaibigan kong lalaki. Nag-iisa lang naman si Dean sa mga kaibigan kong nakatira malapit lang dito. Kaya natural lamang na ito ang palagi kong puntahan kapag nababagot ako.

"Galit ka pa rin sa akin?" Umirap ako sa kawalan. Hindi naman siya nakitingin sa akin kaya ayos lang. Hindi niya naman nakitang ginawa ko iyon sa kanya lalo na't mas nakatatanda siya sa akin. He's asking the obvious. Tss.

"Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit ka nagagalit, kuya." Binigyan kong diin ang tawag sa kanya. Alam niyang hindi ko siya kinu-kuya kapag wala sina mommy.

"Aeiesha..." Kinilabutan ako. Kasabay ng pagbanggit niya sa pangalan ko ay siyang ihip ng malamig na hangin.

"Oh?" Nilingon ko siya. Tsaka ko lang napagtantong kanina pa siyang nakatingin. Agad akong napasuklay ng buhok ko. Hinawi ang takas ng buhok.

"I'm your older brother so it's natural to be concerned." Titig na titig siya sa mata ko kaya agad akong nag-iwas.

Older brother your ass. Alam ko namang ginagamit niya lang ang kapangyarihan niya para magantihan ako. He wants to get even. Isang beses ko na rin kasi siyang sinumbong kay mom dahil tumakas siya sa bahay noong umalis silang pareho ni dad. At ngayong ako naman ang tumatakas, hindi niya nga ako sinusumbong, pinagbabawalan niya naman ako bilang nakatatandang kapatid niya.

"We both know that you don't have to..." Isang nakabibinging katahimikan ang sumunod matapos no'n.

Iyon ang katotohanan. Kaya hindi niya dapat ito ginagawa.

Nagising ako matapos ang panaginip na iyon. Agad kong tiningnan ang oras at alas nuebe na pala. Nadadalas ang mga gano'ng panaginip ko. At hindi iyon basta mga panaginip lang, alaala iyon. Nakapagtataka na sunod-sunod ang pag-aalala ko ng mga nangyari noon.

Matapos kong magbihis ng maayos na pambahay ay lumabas na ako ng kwarto. Wala akong pasok ngayon. Tama lang dahil  dalawang magkasunod na araw na ang practice namin. At masakit ang katawan ko.

"Bakit panay ang punta mo rito? Diba kaklase ka lang ni ate ganda?" Umalingawngaw ang boses ni Lester pagbukas ko ng aking pinto. Agad na nangunot ang noo ko. Sino ang maaaring kausap ng batang iyon?

"Sinong kasama mo, Les?" Tanong ko habang naglalakad papuntang sala. Nakita ko ang kunot na noo ni Lester at ang nakatalikod na lalaking kausap niya.

Hindi niya na kailangang magpakilala o lumingon. Nag-iisa lang naman siyang may pulang buhok.

Nakapameywang akong lumapit sa kanila. Agad akong nilapitan ni Lester pagkakita sa akin. Lumingon din si Josh.

"Good morning, ate ganda!" Yumakap si Lester at hinalikan ang pisngi ko pagkaluhod ko sa kanya para salubungin. Ang gandang bungad sa umaga pero nang malipat ang tingin ko kay Josh na nakangising nakatingin sa aming dalawa ni Lester ay agad na nagbago ang mood ko.

"Hello, ate ganda!" Panunuya niya. Mabilis akong kumawala sa pagkakayakap ni Lester at inirapan ang mapang-asar na si Josh.

"Anong ginagawa mo rito, kuyang pula ang buhok?" Nanunuya at nakataas ang kilay na tanong ko.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon