Kabanata 18

228 33 0
                                    

Kabanata 18

Pageant

Naging mas madalas ang pagtawag sa akin ni mommy dahil daw namimiss niya kami. Pareho silang nasa ibang bansa ni daddy. Mukhang matatagalan pa ang pagbabalik nila. Mabuti na nga rin iyon dahil wala namang activity ang Kroner Royalties na hawak ni mommy kaya mas mapagtutuunan niya ng pansin si daddy.

"I really don't like her." Bulong ni Yuri na narinig ko.

Nasa cafeteria kami at nag-i-snacks habang hinihintay ang susunod na klase. Magkakasama kami nina Sunny, Luhan at Yuri. Pinilit ko lang talaga na isama si Yuri sa amin dahil ayaw niyang kasama si Sunny. Hindi pa rin talaga sila magkasundo.

"Bakit ba kasi ayaw mo sa kanya? Mabait naman 'yan..." Ganting bulong ko. Umirap siya.

"Oo nga. Mabait ako, Yuri. 'Di tulad mo na maldita at sobrang arte. Ikaw na nga itong kinakaibigan, ikaw pa ang may ayaw." Umismid si Sunny. Maya-maya'y bigla siyang tumawa.

"Kaya ko rin pala maging mataray! Susubukan ko nga ulit 'yan kapag hinarap ako ni Jessica." Natawa na lang ako sa kanya.

Sobrang masaya talagang kasama si Sunny lalo na't ganitong kagagaling na naman namin sa bagong exam. Si Luhan naman na isa ring masiyahin ay hindi na gaanong nakikisakay sa mga biro ni Sunny. He wants to graduate this school year. Ayaw niya na raw magtagal pa rito kaya pinagbubutihan niya.

"Ilang subjects pa ba ang kailangan mong i-take? Magiging kaklase ka pa rin ba namin next semester?" Pumangalumbaba ako. Panay ang lipat niya sa papel na hawak niya. Mga subjects niya raw iyon.

"Isa na lang ang subject na pwede ko kayong maging kaklase. Bakit? Namimiss mo na agad ako? Ikaw talaga, bestfriend. Ang clingy mo rin pala." Panunukso niya.

"Tumigil ka nga, kuya. Masyado ka talagang mapagbiro." Ganting asar ko sa kanya. Kumunot ang noo niya. Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang kuya. Mas matanda naman talaga siya sa aming lahat.

"Ano ba, Aeiesha. Oppa na nga lang ang itawag mo sa kanya para hindi na siya maasar." Humagikgik si Sunny. Ito na naman siya sa alien langguage niya.

"Isa ka pa, Sunny. Tigilan mo nga kami sa kabaliwan mo. Mandamay ka pa diyan sa lenggwahe mo!" Napaharap ako kay Yuri. She really look pissed.

"Nakikisali ka naman, Yuri. Hanggang dito lang kaya ang usapan." Gumawa ng imaginary line si Sunny na naghahati sa aming tatlo at kay Yuri. Natawa na lang ako.

"Whatever, crazy Sunny!" Umirap si Yuri.

"Tumigil na nga kayong dalawa. Tara na. Baka mahuli na tayo sa klase." Naunang tumayo si Luhan kaya sumunod na kami.

Nagsasalita ang isang propesor sa harap nang may kumatok mula sa pintuan. Isang estudyante na nagpakilala bilang presidente ng student council sa kolehiyo namin. Hinayaan siya ng aming propesor na magsalita sa harapan.

"Our college, the College of Hospitality and Tourism Management will be having a search for the next Mr. And Ms. Kroner University candidates entitled Mr. And Ms. CHTM. Every section must have a representative for the said event. Anyone who wants to join can talk to Ma'am JL who is in-charge for the pageant. Thank you and we expect you to join." Matapos niyang sabihin iyon ay nagpaalam na siya. Agad na binuksan ng aming propesor iyon para pag-usapan.

"Okay. Dahil nabuksan na rin naman ang usapan na 'yon. Gusto kong pumili na tayo ngayon ng representative sa section na ito. Who have a suggestion?" Napatingin ang lahat nang magtaas ng kamay si Sunny.

"Yes, miss Angeles?"

"I want miss Aeiesha Pelaez to represent our section." Agad akong napatingin sa kanya. She giggled before winking at me. Napataas ang kilay ko.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon