Simula

1.1K 63 17
                                    

Simula

"Are you sure you're going to leave our house?" Nakangiti akong tumango kay Mommy Sandra na nag-aalalang nakatingin sa akin.

"Yes, mom. Masyado na pong matagal ang pananatili ko sa bahay niyo. Nakakahiya na nga po e. Gusto ko nga pong magpasalamat sa pagtanggap niyo."

"Don't mention it, Yesha. Tinuring na rin kitang anak ko hindi lang dahil sa binilin ka sa akin ng mommy mo..." Nginitian niya ako.

Mommy Sandra's beautiful smile. I'm sure I'll miss it.

"Okay, mom. Aalis na po ako. Maraming salamat po ulit."

"Good bye, hija. I will miss you." Lumapit ako sa kanya para bigyan siya ng halik sa kanyang pisngi. Niyakap niya ako ng mahigpit bago ako tuluyang pinakawalan.

Saglit akong napasinghap sa nakita kong nakatingin sa amin mula sa loob ng bahay.

"Are you okay?" Nagtatakang hinawakan ni mommy sandra ang pisngi ko.

"Yes, mom, I'm okay. I will miss you too." Nginitian ko siya.

"I'm sure mamimiss ka rin ni Grey. Ewan ko ba dun sa batang 'yon at ayaw magpaalam sa'yo."

"Okay lang po. Sige po... Aalis na po ako."

Tinitigan ko muna ang buong mansyon nila bago ako tumalikod at nilisan ang bahay. Panigurado akong mangungulila ako sa bahay na ito. Lalo na sa mga taong nag-alaga sa akin at nakasama ko rito sa matagal na panahon. Daddy Joaqin, Mommy Sandra... and ofcourse si Grey.

Ten years akong tumira sa bahay na ito. Six years old ako ng simulang mapatira dito. Kasama ko pa no'n si mommy that time at pinatira kami ni Mommy Sandra.

Sa pagkakatanda ko, nanggaling kami sa isang car accident nu'ng natagpuan kami ni Mommy Sandra sa vacation house nila sa Tagaytay. I don't know the other details at wala akong matandaan sa past ko. I tried to ask mom about the accident pero wala siyang sinasabi hanggang mawala siya after a year matapos ng aksidente. Wala din namang alam si Mommy Sandra kaya hindi ko na lang din inalam. Kaya hindi ko din alam kung ano ang buhay namin bago magka-aksidente.

Simula no'n si Mommy Sandra at Daddy Joaqin na ang tumayong magulang ko. Their family accepted me. Kaya nga sigurado akong mamimiss ko na kasama sila. Though minsan ang unico hijo ni Mommy Sandra, na si Grey Pelaez ay madalas kong hindi nakakasundo.

Nilibot ko ang tingin ko sa bagong bahay na tutuluyan ko. Ito ang pinakamurang bahay na nakita ko na malapit sa papasukan kong university. Sinamahan pa nga ako ni mommy para masiguradong ligtas ako sa lilipatan ko.

Plain white ang kabuuan ng bahay na ito. Two-storey house pero hindi kalakihan. Sapat lang ito para sa akin. Hindi ko naman kailangan ng malaking bahay dahil mag-isa lang ako.

Inilapag ko ang isang maleta ng mga gamit ko sa ibabaw ng kama. Walang gaanong gamit dito. Tanging kama lang at ilang furniture sa sala at kusina.

I know that I can survive alone.

Naisipan ko lang naman na bumukod na kina mommy Sandra dahil college naman na ako at ayaw ko nang maging pabigat sa kanila. Tutal may naipon na din ako dahil sa shop na pinatayo ni mommy Sandra noon. Atsaka, hindi ko pa rin naman nagagalaw ang laman ng savings account ni Mommy na tanging pinamana niya sa akin.

I guess this is a new journey of my life. Sana lang ay makatagal ako maging sa school na aking papasukan.

Madali kong sinikop ang mga gamit na gagamitin ko. Nakalimutan kong ihanda kagabi ang mga gamit ko sa pagpasok. Unang araw ko sa university-ng pinag-enrollan ko pero mukhang mahuhuli ako. Late enrollee na nga, late pa maging sa klase.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon