Kabanata 12

233 44 4
                                    

Kabanata 12

Isip bata

Kinabukasan ay ginawa din agad namin ang pakay sa lugar na ito. Malayong lakad na naman ang ginawa namin hanggang sa natagpuan namin ang tagong eskwelahan. Marami ang mag-aaral kaysa sa inasahan ko. Akala ko nga ay walang mag-aaral sa ganitong kalayong eskwelahan pero mali ako. Gano'n kapursigido ang mga bata dito na makatapos ng pag-aaral. Malalaking ngiti sa mga labi ang sinalubong nila sa amin pagtapak pa lang naman sa tapat ng eskwelahan nila.

"Maraming salamat po, ate!" Nagulat ako nang may batang babae ang lumapit sa akin at ngiting-ngiti. Nahawa ako sa ngiti niya.

"Walang anoman!" Pinantayan ko siya. Nag-squat ako para mag-abot ang tingin naming dalawa.

"Ate, babalik po kayo dito a?" Hinawakan niya ng dalawang kamay ko. Napatitig lang ako sa kanya.

"Ate, salamat po kasi pumunta kayo dito. Hindi na po iisipin ni tatay ang magiging gamit ko ngayong taon at sa susunod." Ngumiti na naman siya ng malawak. Ang inosente niyang tingnan pero matured na siyang mag-isip. Inaalala niya pala ang alalahanin ng tatay niya.

"Ilang taon ka na?" I caressed her  fluffy cheeks.

"Eleven po!"

"Eleven? You look small." Nilingon ko si Yuri na walang pasubali na sinabi iyon. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"What?" Nagtaas din siya ng kilay sa akin. Tinalikuran ko muna ang bata at hinarap si Yuri.

"Watch your mouth. Bata iyong kausap mo."

"I'm just saying the truth!" Umikot ang mata niya.

"No. You're being mean." Pinandilatan ko siya ng mata atsaka binalik ang tingin sa batang babae. She's smiling. I don't know if she understand what Yuri's saying.

"Sorry for that." Pinisil ko ang kamay niya. She smiled.

"Ayos lang po. Maliit lang daw po talaga ako. Sanay na akong tawagin nilang pandak." She understand! Muli kong nilingon si Yuri at maging siya ay nagulat. I'm sorry but I really didn't expect this.

"Naintindihan mo ang sinabi ko kanina?" Tinanggal ni Yuri ang pagkakahalukipkip niya.

"Opo." She's smiling brightly.

"Leinie!" Sabay-sabay kaming napalingon kay Josh na nananakbo papalapit sa amin. He's wearing his jacket. Sinauli ko na iyon sa kanya kanina.

"Leinie, hinahanap ka ni Tita Sandra." Kausap niya ngayon ang batang babaeng kausap namin. Her name's Leinie?

"Sige po, mga ate. Pupuntahan ko lang po si Ma'am." Ngumiti siya sa amin bago nanakbo papunta sa pinaggalingan ni Josh. Nanatili lang si Josh sa kinatatayuan habang sinusundan ng tingin ang daang tinatahak ng bata.

"You know her?" Tanong ni Yuri kay Josh. Naging interesado tuloy ako sa bata.

"Not really. Pero siya iyong gustong suportahan ni Tita Sandra dahil matalino." Napatango ako. She's not just smart. Mabait at magalang din ang batang iyon. "Why?"

Sabay kaming umiling ni Yuri. "Wala naman."

Nanatili pa kami sa lugar na iyon ng isa pang araw. Naging masaya naman kahit na minsan ay nakakabagot kapag walang ginagawa. Dahil kasama ko palagi si Yuri ay maya't mayang pagrereklamo ang naririnig ko mula sa kanya. Her phone's dead bat. Wala siyang mapagkaabalahang iba.

"Let's just wait for the stars to shine." Pag-aaya ko sa kanya. Umirap ang mata niya sa kawalan ngunit tumayo din. Pinagpag niya ang suot niyang pajama. Niyakap niya rin ng mahigpit ang jacket na suot niya.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon