Kabanata 27

176 30 0
                                    

Kabanata 27

For me

Napansin ko ang araw-araw na pagpunta ni Josh sa coffee shop. Hindi naman siya nagiging abala sa akin kaya hinahayaan ko na lang. Mag-isa siyang nakatambay sa paborito niyang place at uubusin ang oras niya roon. Dahil sa ginawa niyang iyon, si Luhan, Sunny at Yuri ay nakikitambay na rin kapag wala silang kanya-kanyang lakad.

My usual day on the cafe became brighter. Nagsama ba naman sina Luhan, Sunny at Jenny kaya puro katatawanan ang shop. Ang ibang customer ay nakikitawa na rin kung minsan. Ang kukulit nila. Mabuti na lang rin at hindi naiinis sa kanila ang ibang may importanteng ginagawa.

"What's with your face?" Nakangising binalingan ni Luhan si Yuring nakasimangot sa harap ng kanyang cellphone.

"Ganyan naman na talaga ang mukha niya a? She's always irritated." Humalakhak si Sunny sa kanyang sinabi. Mas lalong nagusot ang mukha ni Yuri.

"Shut up, Crazy Sunny." Umirap ito at nagtipa sa kanyang cellphone. Sinenyasan ko na lang si Sunny na tumahimik.

"Is there a problem?" Napatingin kaming lahat kay Josh nang magsalita siya. Kanina pa siya tahimik at hindi gaanong nakikihalubilo sa biruan. Ngayon ay tinatanong niya si Yuri.

Gulat na gulat na bumaling si Yuri sa nagtanong na si Josh. Bigla siyang hindi mapakali. Kung saan-saan bumaling ang kanyang mata.

"W-wala... ano...." And then she's stuttering. What's wrong with her?

"Yah! May napapansin ako sa'yo, Yuri." Sunny looks at Yuri suspiciously.

"Kanina ka pa may ninanakawan ng tingin. Tapos hindi ka mapakali. And! You're stuttering... pwede kayang-"

"Shut up!" Nagulat kaming lahat nang sumigaw si Yuri kasabay nang pagtayo niya. Napatingin din sa kanya ang ibang customer na malapit.

"S-sorry. I'll get going now. Pupunta kami ngayon sa cementery. Thanks for today." Mabilis na nawala si Yuri sa table namin. Ang bilis rin ng lakad niya papalabas. Nagkatinginan kaming apat na natira.

"It's your fault, Sunny." Sisi ni Luhan sa kanya.

Hindi ako nagpuntang shop kinabukasan. Hindi rin naman magsisipuntahan ang mga kaibigan ko dahil dadalaw sila sa kanya-kanyang namatay na kaanak. Umuwi ng probinsya si Yuri kaya nagmamadali siya kahapon. Ngayon, ako naman ang dadalaw sa tunay na mommy ko. Makakasama ko sina mommy Sandra. Nagpaalam na ako kay lola Leona dahil may sarili rin silang lakad.

Tahimik kaming lahat hanggang sa makarating sa sementeryo. Walang gustong magsalita. Pero kita ko sa gilid ng aking mata ang maya't maya na tingin nila.

"We're here, Jane." Si mommy Sandra ang unang nagsalita nang makarating kami sa tapat ng puntod ni mommy Jane-ang tunay kong ina.

Lumuhod ako sa tapat ng kanyang puntod at hinaplos ang pangalang nakaukit doon. Jane Zhang.

Hindi ko pa rin alam kung bakit Zhang ang apelyidong ginamit ni mommy. Hindi ba sila kasal ni daddy? Alcantara ba talaga ang apelyido ko? Sino ba talaga ako? Bakit hindi ko pa rin kilala ang sarili ko? Sino ako?

"Aeiesha..." Naramdaman ko ang kamay ni mommy Sandra na humaplos sa aking likod. Lumuhod na rin siya gaya ko.

"Anak, iyon pa rin ba ang tanong mo hanggang ngayon?" Bakas ang awa sa boses niya. Marahan akong tumango.

"I'm sorry if I can't find your real family. I already hired an investigator but..."

"I know, mom. I know... but I really can't stop myself to ask about them."

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon