Kabanata 50

117 8 0
                                    

Kabanata 50

Lunny

Matapos ang klase ay nagpaalam na ng tuluyan si Grey sa akin. Lilipad siya patungong Canada para doon na magpatuloy ng pag-aaral. Iyon naman ang orihinal na plano para sa kanya. Nag-stay lang naman siya rito dahil sa akin. At ngayong nagkaliwanagan na kami, wala nang rason para hindi siya sa ibang bansa mag-aral.

Sobrang sakit sa parte ko ang nangyari. Naiwan na naman akong mag-isa. Akala ko’y masakit na ang pag-alis nina Lester sa apartment pero mas masakit pa pala ang iwan ng taong mahal mo. At wala nang posibilidad na makasalubong man lang dahil sa malayong lugar siya magpupunta. Malayo sa tanaw ko.

Iniwan ko ang walang tao-taong coffee shop at tinanaw ang kalunsuran sa balkonahe ng shop. Damang-dama ko ang pang-gabing hanging humahampas sa balat ko. Sinikop ko ang aking buhok at pinagmasdan kung panong isa-isang nagkakailaw ang bawat building sa malayo.

I miss him.

Tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag. Kinuha ko ito sa aking bulsa.

I miss him.

“Hello?” Bungad ko.

“Where are you?” Bakas ang ngiti sa boses niya. Napangiti rin ako.

“Nasa shop? Ikaw?”

“Nasa likod mo.” Biglang tumalon ang puso ko sa naging sagot niya. Agad ko itong nilingon at nakita siyang nakangiting nakatayo doon habang tangan-tangan ang isang kumpon ng bulaklak.

“Happy birthday.” Isang matamis na ngiti ang binigay niya. Nilapitan niya ako s aking kinauupuan at inabot ang bulaklak. Hinalikan niya ako sa pisngi.

“Thank you. Akala ko hindi ka na magpapakita.” Nakangusong sabi ko.

“Pwede ba ‘yon? Kailangan kong umuwi para sa kaarawan mo.” Inilahad ko ang bakanteng upuan sa kanya. Umupo siya roon at himawakan ang kamay ko.

“I’m sorry. I’m supposedly staying beside you. Pero kasi…”

“I know that already, Josh. Kapatid mo iyon kaya dapat lang na bisitahin mo siya. You love her so much, right?” Ngisi ko. Napawi ang pag-aalala sa mukha niya.

“Yeah. Just as much as I love you.” Titig na titig sa aking mga mata na sabi niya. Ngumiti lang ako at inamoy ang bulaklak.

Pagkauwi namin ng mga kaklase ko galing sa outing ay si Josh na ang palagi kong nakasama. Tinupad niya ang pangako niyang tutulungan ako.

Natuloy rin ang kagustuhan ni mommy na maging partner kami ni Josh sa business ko na coffee shop. Magaling mag-manage si Josh at katulong ko rin siya maging sa pagbe-bake ng cake. Sobrang laki ng naging tulong niya. He even helped me while I’m mourning for my broken heart. Matapos umalis ni Grey ay siya na ang nakasama ko. Wala namang nagbago sa pakikitungo niya sa akin. Iyon nga lang ay medyo nailang ako dahil alam ko na ang nararamdaman niya para sa akin.

Noong gabing naglasing ako ay hindi ko inakala na masasabi ko sa kanya ang problema ko. At mas nakakagulat na wala siyang naging reaksyon doon. Imbis ay inintindi niya ako at hindi hinusgahang mali ang naramdaman ko para kay Grey.

Ilang lingo lang matapos umalis ni Grey ay siyang alis din ni Josh para samahan ang kapatid niya sa pagpapagamot sa ibang bansa. Dalawang linggo lang naman siya doon. Pagkatapos ay umuwi rin dito sa Pilipinas. Ilang linggo lang din ay bumalik ulit siya sa ibang bansa para ilipat ang kapatid niya sa kung nasaan si Grey—sa Canada. Ito ang magiging kasama ng kapatid niya habang nagpapagaling at hinihintay ang susunod na operasyon. At ngayo’y kauuwi niya lang ulit. Hindi ko nga inasahan na uuwi siya ngayon. Dapat ay sa susunod na lingo pa ang uwi niya.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon