Kabanata 14

224 40 3
                                    

Kabanata14

Alaga

Nasa loob ako ng kwarto habang inaayos ang mga dapat kong dalhin bukas sa school para sa practical test namin. Hindi ako handa sa mga pinapagawa sa amin bukas pero bahala na. Siguro naman ay kaya kong lutuin ang mga iyon sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga hand-outs.

"Ate, sino ba talaga 'yung lalaki kanina?" Nagulat ako nang pumasok si Lester sa kwarto ko. Nakabukas kasi iyon kanina at hindi ko sinara. 'Tsaka ayos lang naman sa akin na magpabalik-balik siya dito dahil gustong-gusto niya akong kausap.

Tinuro ko ang pwesto sa tabi ko para doon siya umupo. Inusog ko ang mga libro na nasa aking kama at pumwesto siya doon.

"Hindi ko nga kilala, Lester." Nginitian ko siya. Naningkit ang mga mata niya.

"Bakit hindi ako naniniwala? Bakit gano'n siya makatingin sa'yo?" Napa-iling ako. Walang kwenta kung magsisinungaling ako sa batang ito. Masyado siyang matalino. Masyadong matanong.

"Kaklase ko siya. Ayos na?" Kinuha niya ang unan at nilagay sa ibabaw ng kanyang hita. He draw an invisible line there pagkatapos ay nilingon ako.

"E bakit siya nandito? Pinopormahan ka?" Nagkunot ang noo ko. I really don't know how old is this boy. Masyado siyang maraming alam para sa kanyang edad.

"Sabihin mo nga sa akin, Lester. Ilang taon ka na?"

"Walo. Bakit mo po natanong?" Ngumiti siya. Kitang-kita ngayon ang nabubungi niyang ngipin sa bandang harapan. Napangisi ako.

"Bakit alam mo na ang gano'ng mga bagay? Masyado ka pang bata." Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha niya. Humagikgik siya pagkatapos ay nakangising bumaling sa akin.

"Hindi ko alam. Basta alam ko na iyon e. Naalala ko kasi si kuya Toper na pumoporma sa kapit-bahay namin dati." Sinundot niya ang tagiliran ko. Lumaki ang butas ng ilong ko at pinanlakihan din siya ng mata. Bigla siyang umalis sa prenteng pagkakaupo niya sa kama ko at ginawang pananggalang ang unan na hawak niya.

"Umayos ka nga, Lester! Ni hindi nga kami magkasundo nu'n!" Tinawanan niya ako. Hindi lang basta tawa dahil halos hindi na siya makahinga sa ginagawa niya.

"Ate! Mukha kang ewan kanina! Hindi ka maganda dun." Sabi niya sa pagitan ng kanyang tawa. Nawala ang inis ko. Seeing him laughing this hard is just priceless. Parang wala siyang dinadalang problema. Kabaliktaran ng batang humahagulgol ng iyak habang inaalo ang kanyang lola nang palayasin sila ng may-ari ng bahay.

Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ko na dapat isipin iyon. Masaya na sila. Masaya na kami dahil kami ang magkakasama ngayon.

Nakita ko ang unti-unting pagkawala ng kanyang tawa. Napalitan iyon ng blangkong ekspresyon habang nakatitig sa akin. Lumapit siya at hinawakan ang magkabilang kamay ko. Wala akong nagawa kundi ang tingnan ang kanyang ekspresyon maging ang kanyang maliit na kamay na nakahawak sa akin.

"Ate, 'wag mo kaming iiwan a?" Seryosong-seryoso niyang turan. Hindi ko man maintindihan kung para saan iyon, dahan-dahan akong tumango.

Para siyang takot na takot maiwan. Para siyang nanghihingi ng kasiguraduhan na hindi ako mawawala sa kanila.

"Baka po kasi iwan mo na kami kapag nakakita ka na ng iba. Kapag nakilala mo na 'yung taong mamahalin mo. Mahal mo naman kami, ate diba?" Napangiti ako.

Noon pa man, gustong-gusto ko na ang mga bata. Sobrang inosente talaga nila tingnan. At kung mayroon akong pagkakatiwalaan, hindi ako magdadalawang isip sa mga bata. They are true to their words. They can also say everything on their minds. Hindi sila takot na magbitiw ng mga pangako at paki-usap. And once you keep your promise to them, walang kapalit ang ngiting ipakikita nila.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon