Kabanata 56

125 9 0
                                    

Kabanata 56

Selos

Saglit lang na pag-uusap iyon pero hindi ko alam kung bakit sobra akong nabigla. Yes, after three years, ngayon ko lang silang nakita ng sabay at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Masaya ako. Masaya dahil nakita ko ulit sila pero hindi ko alam kung para saan ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Maybe because I’m nervous of talking to them for the first time after three years or am I just too overwhelmed of their presence alone.

Malaki ang pagbabago sa dalawa. Physically, hindi maiiwasan iyon. Lalo pa atang tumangkad si Josh at lumaki naman ang katawan ni Grey. Their voice changed a bit too. At pareho ring tumapang ang mga mukha nila. Pero ang nakakagulat lang ay ang mga tingin nila. Josh’s stare is still caring but there’s something changed that I can’t explain. Even in Grey’s too. His became more distant.

Ilang araw lang matapos ng pagkikita naming iyon ay naglakas ako ng loob para makipag-usap kay Josh. Matagal ko nang gustong sabihin sa kanya ito at sa tingin ko’y pupwede na ngayon.

White sleeveless top at black tattered pants ang sinuot ko patungong coffee shop. Ngayon ko kikitain si Josh at napili kong sa aking coffee shop na lang upang hindi gaanong nakakailang kapag nagkita na kami. Hindi ko naman magiging sigurado kung magiging maayos ang aming pag-uusap dahil noon ngang nakaraan ay nanibago ako.

Nakatanggap ako ng text message sa kanya na nagsasabing nandoon na siya. Nagmadali akong bumaba sa aking sasakyan at pumasok sa shop. Sa parehong pwesto ko siya nakita.

Nang makita niya ako’y nakangiti siyang kumaway. I did the same.

“Hi!” Masayang bati ko.

“You grew so much.” Seryosong sabi niya. Bakas ang pagkamangha sa kanyang boses habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

“Not really.” Umupo ako sa katapat niyang upuan at nakipagtitigan sa kanya.

How I miss the old times. The last time we sit facing each other was years ago yet it’s still fresh to my memory.

“You are. At least alam kong tama ang naging desisyon ko.” Ngumiti siya habang seryosong pares ng mga mata ang binigay niya sa akin. Naguluhan ako sa sinabi niya.

“What do you mean?” Imbis na sumagot siya’y ngumisi lamang siya at tinawag ang bago kong staff sa shop at umorder ng drinks naming dalawa. Hindi niya na ako tinanong kung anong sa akin dahil hindi naman nagbago ang mga bagay na dati ko nang gusto. Dahilan para hindi ko sang-ayunan ang sinabi niyang malaki ang pinagbago ko.

“Let’s just savor this moment first before heading to what we’re supposed to talk about.” He sipped his favorite coffee while looking outside.

At katulad ng hindi ko pagbabago sa loob ng nakalipas na mga taon ay ganoon din ang tinitingnan niya ngayon. Kita pa rin mula rito sa balkonahe sa ikalawang palapag ang malaking siyudad sa labas. Ang naglalakihang gusali at ang abalang mga sasakyan na walang kapagurang tumatakbo na naging natural na bahagi na ng pamumuhay.

Tumango ako’t sinang-ayunan ang sinabi niya ngayon. Tahimik kong kinuha ang inumin ko’t ininom ito habang tinitingnan ang taong isa sa pinakamalapit sa akin. Malaki na talaga ang pinagbago niya. Wala nang bahid ng kahit na anong kulay ang kanyang buhok. Itim na itim na lang ito. Wala na rin ang dating hikaw sa kanyang kaliwang tenga. Wala na rin ang dati niyang may kahabaang buhok. Wala na ring bakas ng pagkabata ang kanyang mukha. Ngunit kahit tuluyang nagmature na ang kanyang mukha, halatang alagang-alaga pa rin ito tulad ng dati. Siya na nga yata ang nakilala kong lalaking sobra kung mag-alala para sa kanyang mukha at katawan. Pano nga namang hindi kung ang isang tulad niya ay nagmomodelo. And my favorite part of his face na hindi na yata talagang mawawala ay ang dark circles sa ilalim ng kanyang mga mata. Why my classmates and I used to call him “The president panda”. Napangiti na lang ako sa naalala.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon