Kabanata 29

137 28 1
                                    

Kabanata 29

Yuri's feelings

Nakatanggap ako ng text galing kay Grey na nasa labas siya ng aking bahay. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at sumilip sa bintana kung tunay ngang nasa labas siya.

Isang lalaking nakatalikod mula sa pwesto ko ang nakapamulsa at nakayuko. Sa likod pa lang niya ay alam ko na kung sino iyon.

"Gabi na a? Bakit nagpunta ka pa?" Pinilit kong maging kaswal ang aking boses kahit na tila nagkakarerahang kabayo na ang bilis ng tibok ng puso ko.

Dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang ulo upang makita ako. Nang magsalubong aming mga mata ay 'tsaka ko napansin na nakainom siya ngayon. Bigla akong nataranta. Pero kailangan kong itago ang nararamdaman ko. I don't want to give him false hopes...

"I just want to tell you something." He gave me a sad smile. My forehead automatically creased.

Anong kailangan niya ngayon? Bakit kailangan pang magpunta kahit dis-oras na ng gabi? Is it really important? Hindi niya na ako kinakausap magmula noong nagkaliwanagan kami. Why going here all of a sudden?

"You're drunk. If you're going to say something, tell me some other time. We're having an event tomorrow so you better go home and rest. You should've just texted me." Tinago ko ang aking mga kamay sa bulsa ng aking cardigan. Lumalamig na ang simoy ng hangin. And we're going to be an ice here if he'll not leave.

"Tss. Wala naman ako dito ngayon kung hindi importante ang sasabihin ko, hindi ba? Kaya ko pa namang mag-isip kahit nakainom ako." He grin.

"Okay. Ano ang importanteng sasabihin mo at nagtungo ka pa talaga rito?" Nagtaas ako ng kilay. Muli siyang yumuko at bago iyon ay nakita ko pa siyang ngumisi. Tiningnan ko siyang nakatungo habang hinihintay na sabihin niya ang kanyang pakay.

"I want to court you." Sabi niya pagkaangat na pagkaangat ng kanyang ulo. Gulat na gulat akong napatitig sa kanya. He what?

"Ano?"

"Whether you like it or not, I'm going to follow what I want. It's my heart that I'm going to follow and not anyone. Not you. And definitely not mom."

Napapasinghap na lamang ako kada maaalala ang sinabing iyon ni Grey. Maaga akong nagtungo sa school para masundan ang lahat ng instructions na ibibigay sa amin ng organizers. This is not the first day we're going to sell products inside our campus but there will be new rules to follow.

"Good morning, oppa!" Agad akong napalingon sa kinaroroonan ni Sunny nang magsalita siya. Nakangiting nakatingin siya sa kadarating lang. Nilingon ko rin kung sino iyon at nagulat nang makita si Grey.

"Good morning." Nakangiting bati niya rito. Nang magkatinginan kaming dalawa ay lalong lumawak ang kanyang ngiti. Nanatili lamang akong walang ekspresyon.

"Sasama ka ngayon sa activity?" Tanong ni Sunny habang papaupo si Grey sa kabilang sofa. Katabi niya ngayon si GD na nakatulog na kahihintay.

"Yes." Sagot naman nito. Napatitig ako sa kanya. That's strange.

"Wow! For the first time you're going with us? Daebak!" Manghang-manghang sabi ni Sunny. Tama siya. Ngayon ang unang beses na makikiisa siya. Alam kong marami siyang gawain mula pa noon dahil katulong siya ni daddy Joaqin sa business nila at ayaw niya ang mga ganitong bagay. Pero ngayon ay nandito siya. He's really up for something.

"Yeah. Naisip ko lang kasi bakit hindi ko subukan? Tutal nandito naman kayo at mukhang masaya naman... Nandito rin si Yesha." Nakangisi siyang tumingin sa akin. Nagtatakang napatingin din sa akin si Sunny ngunit maya-maya lamang ay tumawa siya.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon