Kabanata 44

123 10 0
                                    

Kabanata 44

Dinner

Paggising ko kinaumagahan ay wala na siya. Tanging note lang sa isang mug ng gatas ang nakita ko sa bedside table na may nakasulat na papasok siya sa school. Hinayaan ko lang ‘yon at muling humiga. Ang init ng pakiramdam ko at sumasakit na naman ang ulo ko.

Maya-maya’y nakatanggap ako ng message galing kay mommy na dadaanan niya ako. Nagtipa lang ako ng sagot at muling bumalik sa pagtulog.

Nagising na lang ako nang makaramdam ng may naglalagay ng basang bimpo sa noo ko. Minulat ko nang bahagya ang mata ko at nakitang si mommy iyon.

“Mommy…” Mahinang sabi ko.

“Mabuti’t gising ka na. Sinasabi ko na nga ba’t magkakasakit ka. How are you feeling? May masakit ba sa’yo?” Nag-aalala niyang tanong. Nilagay niya sa kili-kili ko ang thermometer.

“Medyo nahihilo pa po ako.” Sagot ko. Tumango lamang siya.

Maya-maya’y may kumatok sa pinto at pumasok si Josh na may dalang tray. Nagulat ako nang makita siya.

“Ito na po ‘yung soup niya.” Nilapag niya ang tray sa bedside table at iyon ang kinuha ni mommy. Nagkatinginan kami ni Josh.

“You should eat this. Wala ang kapatid mo at hindi ko macontact kaya si Josh ang pinapunta ko rito. Mabuti na lang at wala kayong klase ngayon at siya muna ang pagbabantayin ko sa’yo.” Sinubo niya sa akin ang isang kutsara ng corn soup. Tinanggap ko naman iyon bago sumagot.

“Okay lang naman po ako. Kaya ko pong mag-isa.”

“No. May importanteng lakad lang ako ngayon. Hindi ako mababahala kung may magbabantay sa’yo kaya ayos na ‘yan. Tutal pumayag naman si Josh na bantayan ka. Right, Josh?” Napatingin din ako kay Josh at walang emosyon siyang tumango.

“Galing ang kuya mo rito kagabi, ‘diba?” Tanong niya.

“Opo. Actually kanina lang pong umaga siya umalis.” Nagulat si mommy sa sinabi ko.

“What? Kanina lang siya umalis pero hindi niya nakitang may sakit ka na? Iyang batang ‘yan talaga.” Iiling-iling na sabi niya.

“No, mom. Kanina lang ay wala itong lagnat ko. Masakit lang talaga ang—“

“Panay na ang pagsakit ng ulo mo a?” Sabay kaming napatingin ni mommy kay Josh. Tumayo siya sa pagkakaupo sa upuan sa study table ko at nakapameywang na lumapit sa kama.

“What?” Gulat na tanong ni mommy na may halong pag-aalala. May takot din akong nakita sa kanya.

“Yes, tita. Ilang beses ko nang nasaksihan ang pagsakit ng ulo niya. Sinabihan ko na rin siyang magpacheck-up pero ayaw niya.”

“Iniinom mo ba ang gamut mo?” May himig ng galit sa kanyang tono.

“O-opo…” Sagot ko.

“Then bakit sumasakit ang ulo mo?” Agad niyang nilabas ang kanyang cellphone at nagdial siya doon. Nang marinig namin na nagri-ring ay binalingan niya ako.

“I’ll ask your doctor about this. ‘Wag mong kalilimutang inumin ang gamut mo. Aalis na ako. Josh, pakibantayan si Aeiesha ha?” Mabilis na tumango si Josh at tuluyan nang lumabas si mommy dala ang kanyang bag. Napakunot ang noo ko habang tinatanaw siyang makalayo sa kwarto. Bakit ganoon na lamang ang reaksyon niya nang malamang sumasakit ang ulo ko? At paanong epekto agad ito ng pagkakaaksidente at pagkawala ko ng alaala para isisi niya sa gamut ang pagsakit nito? Pinagkibit-balikat ko na lang iyon.

Nang hindi ko na siya makita ay bumaling ako kay Josh.

“Hindi mo pa rin pala sinasabi sa mommy mo itong pagsakit ng ulo mo. You really like to keep secrets huh?” Nakangising sabi niya. Napairap na lamang ako.

“Ayaw ko lang na makadagdag sa alalahanin niya. Tingnan mo ngayon?” Taas kilay kong sagot.

“Then mas gusto mong malaman na lang nila kapag wala ka na?” Naging seryosong sabi niya habang sumasandok sa mangkok ng corn soup. Inihain niya sa harap ko ang kutsara. Kinuha ko ito sa kamay niya atsaka sinubo. Sunod kong kinuha ang mangkok.

“’Wag kang gumawa ng sarili mong kongklusyon, okay?” Nagkibit-balikat lamang siya sa sinabi ko.

Binantayan niya nga ako hanggang sa maghapon. Nagtext si mommy na matatagalan siya dahil dadaan pa siya sa ospital para sadyain ang doctor. Hindi naman nagreklamo si Josh at mukhang nag-eenjoy pa siya kaiikot sa loob ng apartment.

“Gusto mo ng hot chocolate?” Tanong niya nang makita ang chocolate bar sa aking ref. Nasa kusina kaming pareho at naghahanap ng makakain. Nagugutom na ako dahil ang pinakain niya lang sa akin kaninang tanghalian ay lugaw. Iyon din ang kinain niya dahil iyon ang iniwan ni mommy na pagkain ko.

Ayaw naman niyang lumabas. Mainit daw.

“Okay. Paki-toast na rin ‘yung bread. Thank you.” Utos ko. Tutal naman ay gustong-gusto niyang kumilos.

“Okay.” Seryoso niyang kinuha ang chocolate bar sa ref at ang bread. Sinalang niya ang mga ito at ng matapos ay inihain. Pinagsaluhan naming dalawa ang merienda habang hinihintay si mommy.

“Nakapagreview ka na ba para sa midterm?” Tanong niya.

“Hindi pa.” Sagot ko.

“Magkareview ka na. Alam kong hindi mo kaya ang tests kaya kailangan mo no’n. Sayang ang binabayad mong tuition fee kung gano’n.” Seryoso niyang sabi. Nagsalubong ang kilay ko kaya umangat ang gilid ng labi niya.

“Kapal ng mukha nito. Ikaw ang magreview. Hindi ka nga nakikinig sa prof.” Ganti ko.

“Mas marami ka pang absent kaysa sa bilang ng araw na hindi ako nakikinig.” Tinapat niya ang tinupi niyang tinapay sa mukha ko. Hinawi ko iyon kaya tumapon iyon sa kabilang side ng mesa. Sabay kaming napatingin don.

“Lagot ka. Nag-aaksaya ka ng pagkain.” Turan niya habang nakatingin sa tumapong tinapay.

“Kapal nito! Sinong nagsimula?” Pinagtaasan ko siyang kilay. Tiningnan niya lang ako habang nanatiling nakataas ang kilay ko. Patigasan.

“Yesha?” Sabay kaming bumitaw sa titigan nang marinig ang tawag ni mommy mula sa sala.

“Nasa kusina po kami, mommy!” Sigaw ko. Nagulat na lang ako nang nawala na sa harap ko si Josh at dinampot na pala ang natapong tinapay. Saktong pagdampot niya ang pagsilip ni mommy sa amin. Nilapag niya sa malapit na upuan ang kanyang bag at dumiretso sa kung nasaaan kami.

“Nagmerienda na kayo?” Tanong ni mommy. Tumango lang ako sa tanong niya.

“Mabuti naman. Salamat nga pala, Josh sa pagbantay.” Tinapik ni mommy ang balikat nito at nginitian. Tumango lamang siya doon.

“Yesh, since wala ka namang kasama at may sakit ka pa, doon ka muna sa bahay so we can look after you.” Baling niya sa akin at dinama ang init ng noo ko.

“Mom, okay lang po ako rito. Medyo okay naman na po ako.” Pagdadahilan ko.

“No. You’re daddy is worried so he wants you to stay at our house for the meantime. ‘Tsaka miss ka na no’n for sure.” Saglit pa akong nag-isip.

Ang totoo ay natatakot akong magkasama kami ni Grey sa bahay. Lalo na’t nandon sina mommy at daddy. Hindi iniintindi ni Grey ang kanyang mga galaw kaya nakakatakot na may ibang maisip sina mommy doon.

Nang magkatinginan kami ni Josh ay dinilaan ko siya dahil sa pagkakatalo niya pero nanatili lang na seryoso ang kanyang ekspresyon.

“Sige po, my.” Sabi ko kay mommy na inaayos na ang pinagkaininan naming.

“Kung gano’n po, tita, mauuna na po ako.” Paalam ni Josh. Kahit na sinabi niya iyon kay mommy ay sa akin siya nakatingin. Seryoso.

“ O sige, Josh. Salamat ulit!” Mom kissed Josh’s cheeks. Nagpaalam na ulit siya at iniwan kami ni mommy sa kusina. Napakibit-balikat na lang ako sa bigla-biglang pagbabago ng mood ng lalaking iyon.

Matapos kunin ni mommy ang ibang importante kong gamit ay lumakad na kami patungo sa bahay. Sinalubong kami ni daddy sa gate pa lang at nag-aalala na niyakap ako pagbaba pa lang ng sasakyan.

“Our Aeiesha is sick?” Sabi niya habang yakap-yakap ako.

“Oo. Kaya you need to cook her your specialty, daddy.” Sagot ni mommy sa kanya.

“Gano’n ba? Tara sa kitchen. Ipagluluto kita.” Nakangising sabi ni daddy. Sabay-sabay na kaming pumasok sa loob.

Habang nagluluto si daddy ay inaayos naman ni mommy ang mesa. Wala ang mga kasambahay dahil ito ang araw ng off nila. At habang pinapanood si daddy na magluto ay nagring ang cellphone ko. Si Grey iyon. Kanina ko pa katext si Grey at hindi ko sinasabi na nasa bahay ako. Sa unit naman niya siya tutuloy kaya hindi ko na sasabihin para hindi na siya pumunta rito. Ayaw kong magkakasama kaming lahat sa iisang lugar. Delikado ang lahat ng aksyon ni Grey dahil siya itong walang pakialam.

Nag-alangan ako kung sasagutin ko ano. Nang mapansin ni daddy na kanina pa tumutunog ang cellphone ko ay siya na ang sumilip. Nakita niyang si Grey iyon.

“O? Kuya mo pala. Sagutin mo. Sabihin mo dumiretso rito sa bahay para sabay-sabay na tayong makapaghapunan. Minsan na lang tayong makumpleto.” Wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi ni daddy. Alam kong gusto niya lang na makasama kaming lahat dahil nadadalas na ring sa Tagaytay nagi-stay si daddy para sa taniman doon. Panahon na rin kasi ng ani.

Sinagot ko ang tawag at hindi niloud-speaker.

“Hello?” Bungad ko.

“Hi, Yesh. Miss you.” Nagulat ako sa naging bungad niya. Hindi agad ako nakasagot. Narinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya.

“Hindi nakapagsalita. Kinilig ka?” Umpisa na naman niya sa pang-aasar.

“Nasa bahay ako ngayon. Kasama ko sina mommy at daddy.” Binigyan ko ng diin na kasama ko sina mommy para tumigil siya sa pinagsasabi niya. Saglit siyang natahamik.

“Okay. I’m sorry. Anyway, anong meron? Bakit hindi nila ako sinabihan?” Niloud speaker ko na iyon. Narinig ni daddy ang sinabi niya kaya lumapit siya sa phone ko.

“Kanina ka pa namin tinatawagan pero hindi mo sinasagot. May sakit ang kapatid mo kaya pinapunta naming dito. Umuwi ka na ngayon. Uubusan ka nitong kapatid mo ng ulam kapag wala ka pa after 10 minutes.” Hamon ni daddy. Dinig mula sa kabilang linya ang pagtakbo ni
Grey. Malakas na halakhak ang pinakawalan ni daddy.

“Okay. I’ll be there. Wait for me!” Mabilis na pinatay ni Grey ang tawag pagsakabi no’n. Napangisi na lang ako sa kalokohan ni daddy. Ang kalokohang taglay ni Grey ay minana niya talaga kay daddy Joaqin. Almost of his personality is from daddy. Walang pagkakaila na mag-ama sila. Kahit ang mata ni daddy ay nakuha niya.

“Diba? Gano’n magpauwi ng laging nasa galaan na anak.” Kinindatan niya si mommy na nakakunot ang noong nakatingin sa naka-apron na si daddy.

“Madisgrasya naman ang anak mo dahil sa pagmamadali.” Pagsusungit ni mommy.

“Hindi ‘yan, ano ka ba? Maingat ‘yang anak mo. Mana ‘yan sa akin.” Nagpacute si daddy kay mommy kaya umarte si mommy na nandiri. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa.

Ilang minuto pa ay dumating nga si Grey na hingal na hingal. Handa na ang mesa no’n. Malakas na halakhak na naman ni daddy ang bumalot sa bahay.

“Nauto kita do’n, anak.” Nakangising sabi ni daddy. Ngumisi lamang din si Grey sa kanya at pumwesto na sa mesa. Tumabi siya sa akin.

“May sakit ka?” Nilagay ni Grey ang kanyang palad sa aking noo. Sa bigla ko ay natulala lang ako.

Pasimple siyang lumapit sa tenga ko at bumulong, “Hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka.”

Nagsimula nang kumuha ng pagkain ang lahat. Sinipa ko lang siya sa ilalim ng mesa para patigilin.

“Umaga ka na pala umalis sa apartment pero hindi mo man lang nalaman na may sakit ang kapatid mo.” Umiling-iling si daddy nang sabihin iyon.

Nagkatinginan kami ni Grey.

“I really don’t know, dad. Hindi ko na nga siya ginising noong umalis ako para hindi maistorbo sa tulog.” Pagdepensa niya sa sarili.

“Then why your phone is off? Panay ang tawag ko sa’yo pagkakita kay Yesha na may sakit. Mabuti na lang at mabilis kong nacontact ang bestfriend mo kaya siya ang pinagbantay ko sa kapatid mo.” Pinaghiwa kami ni mommy ng steak at isa-isang nilagay sa plato naming ni Grey. Naramdaman kong tumingin sa akin si Grey pero hindi ko na sinalubong ang tingin niya.

“I’m sorry. Busy kami sa business proposal kanina kaya iniwan ko sa locker ang phone ko. Kani-kanina lang kami natapos kaya ‘tsaka pa lang ako nakatawag.”

“It’s okay. Oo nga pala’t sabihan mo si Josh na saluhan tayo minsan sa dinner para makapagpasalamat sa mga naging tulong niya. I really like your bestfriend for your sister. Maalaga siya at magiging mabuting asawa.” Seryosong sabi ni mommy habang abala sa pagkain.

Lahat kami’y napatingin sa kanya.

What is this, mom?

Napalingon ako kay Grey nang wala nang kumibo pagtapos sabihin ni mommy iyon. Nakakuyom ang kamao niya at kunot ang noong nakatingin sa pagkain.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon