Kabanata 52

108 8 0
                                    

Kabanata 52

Secret

Nagkalat ang mga gamit sa kwarto nang pumasok ako sa kwarto nina daddy at agad akong humagulogol ng iyak. Maya-maya’y nakita ko si mommy na lumabas ng isang pinto sa loob ng kanilang kwarto na may bitbit na malaking bag. Kasunod niya ay ang galit nag alit na si daddy. Pinipigilan ang tumatangis na si mommy.

“You don’t need to leave, Rhieanne!” Sigaw ni daddy na halos nakapagpabingi sa akin. Isang malakas na sampal ang binalik ni mommy sa kanya kaya napatakip ako ng aking mga mata.

Seeing mommy and daddy fight makes me scared.

“Don’t call me Rhieanne, anymore! Matagal mo na kong niloko kaya aalis na ako!” Mabilis na humakbang si mommy pero agad ding nakuha ni daddy ang braso niya. Nakakatakot an ganging itsura ni daddy.

“You’re not leaving! Wala ka nang babalikan. Ikaw na si Rhieanne, ang asawa ko. Wala namang naghanap sa’yo ‘diba? What’s your reason of getting angry? Mabuti nga’t kinumkop kita ‘diba?”

“Oo! Kinupkop mo ako at binuhay bilang matagal nang patay mong asawa! Don’t you think it’s all unfair for all of us? Sa patay mo nang asawa, sa akin, sa’yo at lalong-lalo na sa mga anak mo? Ano sa tingin mo ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ito? Pinaniwala mo ako bilang isang taong matagal nang patay!” Marahas na kinalas ni mommy ang kamay ni daddy sa kanyang braso at nagmamadaling umalis. Nakalabas na siya ng pinto nang mapansin niya ako sa gilid.

“Aeiesha…” Puno nang luha ang kanyang mga mata. Lalo akong naiyak.

“Mommy, you’re leaving?” Panay ang hikbi ko. Lumuhod si mommy upang magpantay ang tingin namin.

“Yes, baby.” She kissed my cheeks.

“Isama mo ako. I want to be beside you.”

Nang sabihin ko iyon ay walang pagdadalawang-isip niya akong dinala at sinakay sa kanyang kotse. Yakap-yakap ko maging sa sasakyan ang kanina ko pang hawak na malaking sasakyang laruan. Hindi ko alam kung saan kami magtutungo pero habang kasama ko si  mommy ay naging tahimik lamang ako.

Payapa kaming bumabyahe ni mommy nang biglang may lumitaw na malaking truck sa aming harapan. Mabilis na nakaiwas si mommy pero tumama ang truck sa kasunod naming sasakyan. Nagulat na lang ako nang bumangga ang sinasakyan namin sa isang malaking poste ng kuryente. Sa lakas ng impact ay tumalsik ang katawan ko sa harapan ng sasakyan. Dahilan para ang matulis na parte ng laruang yakap-yakap ko ay bumaon sa dibdib ko.

“Mommy…” Umiyak ako. Nilingon ko si mommy na nag-aalalang tumingin sa akin.

“Ayos ka lang ba, anak?” Kinapa niya ang ulo ko at kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Hindi ako makasagot dahil kumirot ang marahil ay sugat sa dibdib ko.

Hinila ako ni mommy palabas ng sasakyan at nanakbo kami palayo sa sasakyan. Nadapa ako nang mapagod at dahil na rin sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa bandang dibdib. Tumigil kami sa pagtakbo at tiningnan ako ni mommy. I saw a blood on her face. Maya-maya’y nawalan na ako ng hininga.

Nagising na lang ako nang marinig ang pag-uusap malapit sa kung nasaan ako. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ang isang doctor at isang nurse na marahil ay chine-check ang vital signs ko. Nang makita ako ng doctor ay tinanguan niya ako.

“Mabuti at gising ka na.” Panimula niya.

“Mabuti na lang at nadala ka kaagad sa ospital ng kaibigan mo. Over fatigue at stress kaya nawalan ka ng malay.” Tumango lamang ako sa sinabi niya.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon