Kabanata 31

149 31 7
                                    

Here's an update for you ninzvillaluz :) Hope you'll enjoy it. ❤

Kabanata 31

Wish

Tahimik kaming naglakad ng sabay patungo sa office ni mommy. Mabilis na kumalat ang nangyari at galit na galit si mommy gayundin ang pag-aalala para sa aming nakaduty ngayong araw. Maaga pa at mamaya pa sana ang out namin pero dahil nga sa nangyari ay pinahinto niya na ito. Humugot ako ng malalim na hininga bago tiningnan sa gilid ko si Grey. Seryoso pa rin siya hanggang ngayon.

"Kaya ko nang mag-isa." Huminto ako pagkasabi kaya ganoon din siya. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Hindi. Ihahatid na kita." Pagkasabi niya no'n ay naglakad na siyang muli. Napatingin na lamang ako sa kanyang likuran habang sukbit ang aking bag. Bumuntong hininga na lamang ulit ako.

"Wala namang nangyari sa'yo, Yesha?" Nag-aalalang tanong ni mommy pagkapasok namin doon. Pang-ilang beses niya na itong tanong. Tumango na lamang ulit ako.

"This will be your last day. Naabot naman na natin ang qouta. We'll wait for Yuri to recover before heading to the farmer's camp. I also arranged a christmas party for them. Hope it will turn out well." Tumayo na si mommy sa kanyang swivel chair at kinuha ang coat niya.

"Grey, pakihatid mo ang kapatid mo sa bahay niya. I'm going somewhere tonight kaya hindi na ko makasasama." Dinampot niya na rin ang bag niya at mabilis na sinukbit ito habang nakatingin sa aming dalawa.

"To where, mom? It's late..." Kunot noong tanong ni Grey.

"Just somewhere. Please take good care of your sister. I'll be home later. Goodnight." She kissed us on our cheeks and waved her goodbye.

Nang kami na lamang ni Grey ay 'tsaka ako tumayo.

"Kaya ko na. Umuwi ka na rin para makapagpahinga ka." Sinubukan kong kunin ang bag ko sa gilid niya pero mabilis niya itong kinuha. Nakataas ang kilay kong tiningnan siya.

"Hindi ka talaga marunong sumunod kay mommy. Ihahatid raw kita. Let's go." He held my hand as he lead the way out of the office. Sandali akong natulala habang nagpapadala sa kanya. Mabuti na lamang at bago niya mabuksan ang pinto ay kinalas ko na ang aking kamay sa kanya.

Nakita ko ang gulat niyang ekspresyon dahil sa aking ginawa. Napalunok ako.

"You don't need to hold my hand. I'll follow." He smiled then nodded. Akala ko'y iyon na iyon pero kinuha niya pa rin ang kamay ko at tuluyan ng lumabas ng opisina.

Walang tao sa hallway. Nawala ang kaba ko at napatingin na lamang sa kamay naming magkahawak. Mahigpit ang pagkakahawak dito. Na tila ayaw pakawalan ang matagal niya nang gustong makuha.

If only he can hold my hand like this everynow and then. If only I can call him everytime I missed him. If only I can be with him whenever I'm alone. If only things are not these complicated.

If only we're not siblings...

But we are.

Bumalik ako sa realidad nang mapansing wala na kami sa hallway na puro mga office. Nasa hagdan na kami at marami ang nagsisibabaan na rin. Ang iba'y napatitingin sa amin ngunit hindi rin naman pinapansin. Ang iba'y walang pakialam. Marahil ay alam nilang magkapatid kami at wala lang ito.

Dahan-dahan kong niluwagan ang pagkakakapit niya sa akin dahilan para tumigil siya sa paglalakad. I don't want to draw attention so I just look down at my shoes.

"Pwede namang maglakad ng hindi magkahawak ang kamay." Nanatili akong nakayuko habang tinatanggal isa-isa ang daliri niya. Nagulat na lamang ako ng mabilis ko ring natanggal iyon. Napaangat ako ng tingin. Titig na titig siya sa akin.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon