Kabanata 11

252 43 8
                                    

Kabanata 11

Friendship

"Ikaw na lang muna magdala nito. I will carry her." Nagulat pa ako nang buhatin niya ako. Pangalawang beses na itong pagbuhat niya sa akin. Nakakahiya talaga ang katangahan ko.

Madilim na kaya pagdating namin sa mga bahay ay nakapagtataka na walang gaanong ilaw. Tanging ang lampara lamang ang nagbibigay liwanag sa buong lugar. Napakunot ang noo ko. Ganito ba talaga dito?

May ilan sa aming mga kasamahan ang nagtatayo na ng tent at naglalagay ng di-bateryang ilaw sa palagid. Abala ang iba pa sa pag-aasikaso ng makakakain. May mahabang mesa na silang nilatag at nilagyan ng dahon ng saging sa ibabaw. Mabibilis ang kilos nila habang kami ni Grey dito ay nakatayo lang at nakamasid sa ginagawa nila.

"What are they doing?" Tinuro niya ang mga sa tingin ko'y nakatira dito na marahang nilalagay ang bagong saing na kanin sa ibabaw ng mesang may dahon ng saging. Bakas sa mukha niya ang pagkalito. Napatawa ako.

"Hinahanda ang pagkain natin."

"Diyan tayo kakain?" Gulat na gulat niyang tanong. Napatingin na naman ako sa kanyang mukha na sobrang lapit sa akin. Teka!

"Wait. Ibaba mo na ako." Mahiya-hiya kong sabi. Kanina niya pa ako buhat.

Nagkunot ang kanyang noo. "Hindi pa pwede. 'Yung paa mo."

"Pero ayos lang ako..." Nagkatinginan kami. Sinusubukan ang bawat isa sa kung sino ang unang bibitaw.

"Dito. Pwede na siya dito." May nilagay na kahoy na upuan 'yung lalaking kasama namin kanina sa gilid ni Grey. Sabay kaming napatingin sa kanya. Dala niya pa rin ang bag ko sa kanyang likuran.

Tumango si Grey at marahan akong iniupo doon. Ramdam ko pa rin ang kirot sa paa ko kada nagagalaw pero hindi ko pinakita. Nanatili ang ekspresyon ko.

Tinuro ko ang kaninang tinatanong ni Grey. "Malinis naman 'yang dahon ng saging. Pwedeng-pwedeng kumain diyan." Nilingon ko siya na hanggang ngayo'y nakatingin sa akin.

"What's the use of plates then?" Umirap ako. Palibhasa mga lumaki na sa mamahaling hapagkainan palaging kumakain. Palaging may kutsara't tinidor na gamit tuwing isusubo ang kanin at ulam.

Naglapitan ang ibang royalties sa amin kasama si mommy. Sabay-sabay kaming napatingin sa bawat isa. Dumiretso agad sa akin si mommy at kinumusta ang paa ko.

"I'm fine, mom. Medyo makirot nga lang." Ngumiti ako sa kanya para naman mabawasan ang kanyang pag-aalala.

"Nag-alala ako sa'yo. Hindi naman kita mapuntahan kanina dahil abala ako. Mabuti na lang talaga at dumating itong kuya mo at tinulungan ka." Kuya ko... Napatingin ako kay mommy pagkatapos kay Grey.

Kausap ni Grey ang siyam na Royalties ngayon. They all look close. Mukha silang matagal nang magkakakilala. Lalo na si Grey kasama ang mga lalaki.

"Ano pa lang nangyari sa kapatid mo?" Tanong sa kanya nang isa sa Royalties na hindi ko pa kilala.

"Naipitan siguro ng ugat nu'ng natapilok. Pero ayos na siya... siguro." Nagkibit balikat siya. Pinanood ko lang kung paano siya makipag-usap sa kanila.

"Aeiesha, I'm talking to you..." Nabalik ang atensyon ko kay mommy nang hawakan niya ang pisngi ko.

"I'm sorry, mom. Ano po ulit 'yun?" Kumunot ang noo niya.

"Tinatanong ko kung gusto mo na bang magpahinga. Gusto mo bang makipagkwentuhan muna sa kanila? Sa kuya mo.." Tumingin din si mommy sa gawi nina Grey.

"Hindi na po, mom. I want a rest." Tumango si mommy at inutusan 'yung lalaki kanina na dalhin ako sa assigned tent na para sa akin. Hindi na ako nagpabuhat. Inalalayan lang niya ako sa paglalakad.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon