Kabanata 19

216 30 0
                                    

Kabanata 19

Alaala

Matapos ang practice nina Josh ay sinama niya ako sa studio ni Kier. Pagkarating namin doon ay maraming nakaharap sa salamin at nag-eensayo ng mga sayaw. Sa kabilang kwarto na nadaanan namin ay mayroon namang mga musical instruments at kung ano-ano pa. Sa dulong bahagi ng pasilyo ay matatagpuan ang opisina ng instructor na tinutukoy niya. Dire-diretso niyang binuksan ang pinto at bumungad sa amin ang isang baklang may katawagan sa telepono. Nginitian niya kami pagkakita. Pagkatapos ay tinapos agad ang tawag.

"Dumating ka rin sa wakas, Josh Andrei! Kanina pa kita hinihintay. Ready na ang kwartong pagpa-practice-an niyo." Bumeso siya kay Josh atsaka pinisil ang balikat.

"Siya ba ang tinutukoy mong kapareha mo? Ang ganda mo naman..." Baling sa akin. Ngumiti ako.

"Kier, si Aeiesha. Aeiesha, si Kier, ang dance instructor at may-ari nitong studio." Naglahad ng kamay si Kier.

"Nice to meet you po." Ngumiti ako bago siya kinamayan.

"Nice to meet you too. Hay nako, Aeiesha! 'Wag mo na akong i-po. Batang-bata pa ang beauty ko." Bahagya akong natawa sa pagkakasabi niya.

Mukhang nasa late twenties na ang edad ni Kier. Matipuno ang pangangatawan nito at maayos na nakagel ang buhok. May balabal pang nakapulupot sa kanyang leeg.

"Sige..."

"O siya! Tara na't simulan na natin ang ensayo niyo. Doon sa ikatlong pinto ang nireserve kong kwarto." Iginiya niya kami patungo doon. Pagbukas niya ng pinto ay tumambad ang katulad sa kaninang napapalibutan ng mga salamin na kwarto.

"Okay. Magwa-warm up muna tayo bago magsimula. Buti na lang nakasuot na kayo ng pangsayaw niyo." Agad akong napatingin kay Josh nang sabihin ni Kier ang pangsayaw. Hindi ko alam na sasayaw kami!

"Ano ito? Sasayaw tayo? I don't dance. Josh naman!" Mariing bulong ko kay Josh nang nagpatuloy sa loob si Kier. Inismidan niya lang ako.

"Ano bang kaya mong gawin? Sayaw lang pwede nating gawin, Aeiesha." Nagpatuloy siya sa paglalakad.

"No." Pagmamatigas ko. I hate dancing! Hindi pa nga ako nakalilimot sa huling beses na sumayaw ako.

"Yes. It's just interpretative dance. Hindi mo kailangang kumendeng kung yan ang iniisip mo." Nakarating kami sa harap ni Kier kaya hindi na ako nagsalita. Nakahihiya kung marinig niya ang pinagsasabi ko.

Nagsimulang magwarm-up at nakakasunod naman ako. Hindi ko na nasabi ang gusto kong sabihin may Josh. Hindi ko alam kung magagawa ko ito.
"Okay last set." Ani Kier habang patuloy sa kanyang pagju-jumping jacks.

Nang matapos ay hingal na hingal ako. Agad kong inabot ang binigay ni Josh na bottled water at diretsong ininom ito. Ngayon lang ulit ako nakaranas ng ganitong kabigat na exercise! Akala ko'y simpleng warm-up lang ngunit kung ano-anong pinagawa.

"Salamat." Umupo ako sa sahig at sinandal ang likod sa salamin. Hingal na hingal pa rin ako.

"Matapos nating magpahinga, sisimulan na natin ang practice ng steps."

Ilang minuto lang ay nagsimula na ulit kami. May mga tinuro siya na madali lang at kailangan lang tumalon at humawak sa kamay ni Josh pagkatapos ay ang facial expression. Kung ano-anong tinuro niya. Ang iba'y madaling sundan ngunit mahirap kapag kailangan na naming sumayaw bilang magkapareha.

"Konting dikit pa. Kailangan ng connection sa inyong dalawa." Nailang ako nang mas paglapitin pa kami ni Kier. Magkadikit na ang mga dibdib naming dalawa. Ang mata ko'y kapantay lamang ng kanyang labi kaya lalong nakaiilang para sa akin. I can feel his heavy breathing. Pareho ring mabibigat ang aming paghinga.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon