Kabanata 35

126 15 1
                                    

Kabanata 35

Childhood memories

Tahimik na nagkamayan ang dalawa nang nasa iisang lugar na. Tahimik na parehong masama ang tingin sa bawat isa at tila ayaw bitawan ang kamay ng isa't isa sa sobrang higpit ng hawak. Hindi pa sila magbibitaw na dalawa kung wala pang matandang magsasaka ang dumating sa harap namin.

"O, kumusta na kayo? Ngayon ko na lang ulit kayo nakita ng magkakasama a?" Nakangiting bati nito sa amin. Sa aking pagkakatanda ay siya ang madalas magtungo sa aming bahay noon upang magbalita kay daddy sa lagay ng taniman.

"Hehe. Oo nga po e. Kumusta na rin po kayo?" Nakangiting sagot ko bago sinenyasan ang dalawa na magbitiw na.

"Ayos lang, ineng. Ito matanda na. Mabuti nga itong si Ivan e dito nagtrabaho dahil malaking tulong sa pagbubuhat ng naaning pinya." Pare-pareho kaming napatingin kay Ivan na nakangiti na rin. Tanging si Grey na lang ang gusot ang mukha.

"Wala pa rin po ako sa galing niyo sa pagtatanim tata Iseng. Maning-mani niyo na lang kung kailan dapat itanim ang pinya e." Nagtawanan silang dalawa sa naging pag-uusap. Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila. And Grey still looks mad. I don't even know why he's acting that way again. Ako nga dapat iyong galit sa kanya ngayon.

Sinilip ko ang mukha ni Grey at nahuli niyang nakatingin ako. Masama niya akong tinitigan kaya't tinaasan ko siya ng kilay.

"O siya, sige. Mukhang nagsasaya pa kayo sa muli niyong pagkikita-kita. Maiwan ko na muna kayo." Nakangiti kaming tumango lahat sa pagpapaalam ni tata hanggang sa kaming tatlo na lamang muli. Hindi pa rin pala tinitigilan ni Grey ang paninitig ng masama. Matapos sa akin ay kay Ivan naman siya masamang tumingin.

"Alis na kami. Salamat sa pag-entertain kay Yesha." Nakangiti niyang saad ngunit batid ang pagiging sarkastiko. Umikot na lamang ang aking mata sa kawalan.

Naunang naglakad si Grey. Wala akong balak na sundan siya kaya nanatili akong nakatayo roon. Pinanonood si Ivan na nakangising pinanonood si Grey sa pagwa-walk-out.

Nang marahil ay maramdamang hindi ako sumusunod ay muli siyang lumingon. Kunot ang noo na bumaling sa akin.

"Aeiesha? Let's go?" Iritableng sabi niya.

"Ayoko." Nagulat siya sa sinabi ko. Lalapit na sana siyang muli nang taasan ko siya ng kilay.

"Fine." Then he walked-out again.

Sabay kaming nagkatinginan ni Ivan pagkaalais niya. We burst into laughters. Ganitong-ganito noon tuwing mababadtrip si Grey sa amin. Madalas akong magtungo kina Ivan noong mga bata. Wala namang partikular na laro na ginagawa. Wala rin kaming partikular na pinag-uusapan. Kada darating ako sa kanila, handa na ang pwede naming pagkaabalahan. Minsan nga'y pinagbungkal siya ng kanyang mama sa maliit nilang hardin upang pagtamnan kaya nakibungkal na rin ako. Minsa'y nagpapaligo siya ng mga aso kaya mangingialam rin ako. Kahit anong ginagawa niya nang saktong pagdating ko, gagayahin ko. Pero madalas na libro ang hawak niya. He loves to read a lot. At dahil sanay na kaming pareho na iisa ang ginagawa namin, sabay kaming magbabasa at pagkatapos ay pag-uusapan ang nabasa namin. Gano'n ang ginawa ko noong bata hanggang sa lumipat na kami sa Manila para doon mag-aral. Naputol ang komunikasyon. Pero marahil sa closeness namin noon ay hindi naging hadlang ang walang komunikasyon para hindi na kami magkasundo ngayon.

Naubos ang oras namin sa pagkukwentuhan habang hinihintay ang pagbabalik nina mommy at daddy. Naikwento namin sa isa't isa ang mga nangyari simula nang magkahiwalay. And with just like that, seems like a long year didn't pass.

Dumating sina mommy after a few minutes. Nagdesisyon sila na dito muna kami dahil napansin nina daddy na ngayon na lang ulit kami nagkita ng bestfriend ko. After lunch ay nagyaya si daddy na ituro ang mga bagay na nasa taniman. Para sa akin lang talaga iyon. Si Grey ay matagal nang may kaalaman dito dahil siya ang tagapagmana. Ako lang naman ang bago sa ganito.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon