Kabanata 3

399 57 5
                                    

Kabanata 3

Model

Dumating ako sa office ng Royalties pagkatapos ng isang oras. Walang gaanong tao dito ngayon. Tanging ang mga teachers and coordinators lang ang nandito. But mom is not here. Nagtanong ako sa isa sa mga teachers pero hindi pa raw napapadaan si mommy. Ngayon ay wala rin si Josh dito. Mukhang tinotoo niya ang sinabi niya kanina.

Umupo ako sa bakanteng sofa. Sinandal ko ang ulo ko atsaka pinagmasdan ang mga kagamitang nasa harapan. Kagaya nang nakita ko noong unang punta ko dito, puro lights, camera and ramp ang nandito. Hindi ko alam kung para saan ang mga ito.

"Hello, ikaw 'yung bago diba?" Napatingin ako sa magandang babaeng lumapit sa akin. Sa pagkakatanda ko, siya si Shade na mahinhin kung magsalita na kausap ni mommy kahapon.

"Uhm... oo." Hindi ko alam kung paano ako makikipag-usap sa kanya. Nakakaintimidate siyang kausap. Pakiramdam ko, bawat galaw ko ay hindi pambabae. Ngumiti ako ng pilit.

"My name is Shadelyn Villamin. Nice to meet you." Pino siyang ngumiti atsaka inilahad ang kanyang palad. Nag-aalangan ko itong kinuha.

"A-Aeisha Pelaez... Nice to meet you too."

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Umusog ako para makaupo siya sa tabi ko. Nakangiti pa rin siya.

"Si Josh. Hinihintay ko siya." Ngumiti ng makahulugan si Shade. Nagkunot ang noo ko.

"Kanina nandito siya e. Umalis kani-kanina lang. Mukhang hinihintay ka nga. Pwede ko bang matanong kung bakit?"

"Ha? A kasi... sabi niya pumunta daw ako. Ituturo niya na daw sa akin ang mga dapat kong malaman." Nag-iwas ako ng tingin. Nakakailang ang mapanuyang tingin niyang iyon.

"A 'yun naman pala. Anyway, mauna na ako a? Nagpakilala lang talaga ako sa'yo." Tumayo na siya at muli akong nginitian. Binalik ko lang sa kanya iyon bago niya ako tuluyang iniwan.

Napahampas ako sa noo ko nang maalala na dapat nagtanong ako sa kanya. Baka sakaling kahit si Luhan ay makausap ko. Ayoko namang mag-stay dito.

Tumayo ako at lumabas ng office. Siguro maglilibot na lang muna ako sa campus. Hindi ko pa nagagawa ang paglilibot.

Nadaanan ko na ang park, iba pang cafeteria, church, field, auditorium at basketball court sa paglilibot ko. Tumigil lang ako sa isang bench malapit sa basketball court nang mapagod ako. Mula rito sa kinauupuan ko, tanaw ko ang mga pawisang basketball player na naglalaro doon. Wala akong alam sa larong ito o sa kahit na anong sports kaya hindi ko rin maintindihan kung ano nang nangyayari sa kanila. Basta ang alam ko lang ay nag-aagawan sila ng bola pagkatapos ay isho-shoot ng isa kapag nakalusot sa pagbabantay ng kalaban.

Tumingin ako sa langit ng tumigil na sila sa paglalaro. Wala na akong mapanood. Tirik na rin ang araw at mukhang tanghali na. Sinilip ko ang orasan ko sa aking palapulsuhan at nakitang ala-una na pala. Hindi na ako nakakain sa tamang oras. Masyado akong nalibang sa pag-iikot ko.

Kung tutuusin, sayang ang araw ko ngayon. Dapat ay nasa shop ako at nagtatrabaho. Pero dahil sa pinapunta ako dito ng red hair na iyon, nawala ang dapat sana'y gagawin ko ngayong araw. Napasuklay na lang ako sa aking buhok. Ano nang gagawin ko?

Nilabas ko ang aking cellphone at pinag-isipan kung anong dapat gawin. Tatawagan ko din ba ang Josh na iyon at sabihing ipagpatuloy na lang ang dapat sanang pagtuturo niya o ite-text ko na lang si Nikki na nasa shop para sabihing magduduty ako ngayon?

Ang gulo ng isip ko.

"Aeisha..." Agad akong napalingon sa likod ko kung saan nanggaling ang nakakatakot na boses na iyon. Nakita ko si Josh na masamang nakatingin sa akin habang nakapamulsa sa suot niyang itim na pantalon. Kagaya ko ay hindi rin siya naka-uniporme. Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon