Kabanata 37

112 15 0
                                    

Kabanata 37

Hiling

Nalaman ni mommy Sandra ang paggamit ko sa pera. She's furious about it. Lalong pinagpilitan ni mommy na magkita kaming dalawa. But thank God Josh and Grey shut their mouths. Hindi kami magkita ni mommy dahil kada punta niya sa bahay ay siya namang dalaw ko sa ospital. Panay rin ang pagtanggap ko ng text at tawag mula sa kanya pero sadyang hindi ko sinasagot. Kakausapin ko lamang siya kapag nailabas na si Lester sa ospital.

Nagising din naman si Lester ilang araw matapos ng kanyang operasyon. Kitang-kita ang saya sa mga mata ni lola Leona kahit na sobrang laki ng ipinayat ng bata at pagiging matamlay nito. Sabi naman ng doktor ay babalik din sa dati ang katawan nito. Kaya nga hindi pa pinahihintulutan ng doktor na idischarge si Lester. Kailangang masubaybayan ang lahat ng pagbabago sa kanya maging ang kinatatakot namin na komplikasyon.

Unang araw ng klase sa panibagong taon ay pumasok ako. Nag-usap na kami ni Grey na magkita pagka-lunch break. Hindi ko na rin siya nakita mula nang binalikan niya sina mommy sa Tagaytay at maging pagbabalik nila dito. Lumipas ang pasko at bagong taon. Ngayon pa lang ulit kami magkikita.

"I missed you, Yesh!" Salubong sa akin ni Sunny pagpasok ko sa classroom. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya wala akong nagawa kundi ang ibalik iyon. Habang yakap-yakap ay nilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Nandito na rin pala si Yuri at Josh.

"I missed you too." Sabi ko pagkakalas ng yakap. Ngiting-ngiti niyang nilabas ang kanyang cellphone at mabilis na kumuha ng litrato naming dalawa. Matapos no'n ay dumiretso na ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Yuri upang mangamusta. She looks upset for I don't know reason.

"Are you okay?" Tanong ko na mukhang ikinagulat niya. Tinanggal niya ang kanyang pagkakapangalumbaba at tuluyang pinansin ako.

"O-oo naman. Ikaw, kumusta?" She smiled. Pero alam kong may hindi tama.

"Totoo? Bakit pakiramdam ko hindi?" Tinitigan ko siya sa mata at sinubukang mabasa ang nasa isip niya. Pero lungkot, galit at pagod lang ang nakikita ko. Ofcourse, di ko naman malalaman ang totoo sa likod ng mga emosyon na iyon kung hindi niya naman sasabihin.

"Yesh..." Naguguluhan niya akong tiningnan.

"Ssshh... If you need someone to listen to you, I'm here. Kapag handa ka nang magkwento, nandito lang ako. Just promise me you're not keeping it yourself." Matagal niya muna akong tiningnan bago dahan-dahang tumango. Nginitian ko lamang siya para kahit papaano ay mapagaan ko ang pakiramdam niya.

I hope so. Cause I know how it feels to be alone. When you're facing alot of problems and no ones ready to talk or even listen to you. Kaya nga noong umpisa pa lang ay pilit ko nang nilalapitan si Yuri para tulungan siya. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Iniiwas niya ang kanyang sarili sa ibang tao dahil takot siya. Reason why she got an attitude and having a hard time to socialize. She was me from the past. And I want to change that just like how someone change me for who I am right now.

Lumipat na ako sa upuan ko nang dumating ang katabi ni Yuri. Josh's eyes are on me when I sat beside him.

"Why?" I asked. Raising my brow.

"Ang galing mong magpagaan ng loob ng ibang tao habang ikaw mismo ang nangangailangan ng makikinig. You really are something, Alcantara." Here he goes again. Calling me by my real surname.

"If you have nothing to do, Mr. President, maghanap ka na lang ng ibang maaasar mo. Wala akong oras." Umirap ako bago nilabas ang libro para sa subject na ito. Nakalimutan kong gumawa ng assignment na binigay pa noong nakaraang taon bago mag-christmas break.

Narinig ko na lamang ang mahina niyang pagtawa. Pareho na kaming tahimik na nakikinig sa lecture ni Mr. Mangahas nang maalala ko ang pakay ko sa kanya.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon