Kabanata 41

119 12 0
                                    

Kabanata 41

Larawan

Hapon nang tuluyan na kaming idismiss sa  araw na iyon. Hindi pa man ako nakapagpapalit ng damit ay hinila na ako ni Josh paalis ng hotel. I asked him where we're going but he remained silent. Dumiretso kami sa parking area at pinapasok niya ako sa loob.

"Uuwi na?" I asked again.

"Nope." Mabilis niyang sagot at in-start na ang makina. Dahil hindi rin naman niya sasagutin ang tanong ko ay hinayaan ko na lang. Binuksan ko ang bintana at dinama ang hindi ganoon kainit na araw at ang hangin sanhi ng mabilis na pagtakbo ng kotse. Masama ang pakiramdam ko kaya napapikit na lang ako sa sarap na nararamdaman ko.

Napamulat ako nang mata nang maamoy ang barbeque-han na nadaan namin. Biglang kumalam ang sikmura ko. Wala pa akong maayos na kain magmula kaninang umaga dahil nga may photoshoot at kailangang konti lang ang kainin ko.

'Tsaka ko lang napansin kung na saan na kami nang lumiko ang kotse para sa parking space sa isang mall. Agad akong bumaba pagkatigil. Marahil ay ngayon na nga kami bibili ng damit.

Sinundan ko lang si Josh sa paglalakad hanggang sa pumasok siya sa department store at pumunta sa ladies section. Tumayo lamang siya roon at tinitigan ako nang hindi ako kumilos.

"Pumili ka na ng damit mo. Bibili rin ako ng akin kaya hintayin mo na lang ako rito. This exact place, okay?" Hindi niya na ako pinasagot at naglakad na siya palayo. Napailing na lang ako atsaka nagsimulang mamili ng damit.

T-shirts, pants, isang long sleeves, underwears at sandals na kasya para sa natitira pang dalawang araw ang binili ko. Malamig pa rin hanggang ngayon at hindi ko kaya ang lamig tuwing madaling araw.

Nang mabayaran ang lahat ng pinamili ay nagkita kami ni Josh sa sinabi niyang lugar. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang naglalakad ako dala ang paperbag ng pinamili ko. Nang tumayo siya ay 'tsaka ko napansin na hindi pa nababayaran ang kaniyang mga damit. Nauna na siyang magtungo sa counter at sumunod lamang ako. Nang tapos niya nang bayaran ay nauna muli siyang maglakad at sinundan siya.

Sa isang fast food restaurant siya huminto at tiningnan ako. Napatingin tuloy ako sa loob nito at ang mga kumakain. Past five na at kanina pa ako nagugutom. Hindi man siya nagtatanong ay tumango ako. Sabay kaming pumasok sa loob.

Dumiretso sa counter si Josh habang ako naman ay naghanap ng bakanteng mesa. Halos punuan ang kainan na ito ngayon at mabuti na lamang ay nakakita ako ng bakante sa di kalayuan. Binaba ko ang paperbag doon at hinintay si Josh. Nang makitang naghahanap siya ay kumaway ako upang mabilis niyang makita. Dumiretso siya sa kinalulugaran ko pagkakita niya.

Isang tray ang nilapag niya sa mesa at drinks lang ang laman no'n at fries. Akala ko'y iyon lang talaga ang binili niya pero nang nilapag ng crew ang isa dalawa pang tray na naglalaman ng rice and chicken, burgers at sundae ay nalula ako.

"Lahat ito binili mo?" Nagtatakang tanong ko.

"Oo. Eat all you want. Alam kong hindi ka kumain ng maayos kanina para sa shoot. At dahil bukas pa naman ng hapon ang next shoot, pwede kang kumain ng marami gaya ng normal na kain mo." Nakangising sabi niya 'tsaka kinuha ang isang plate ng rice at chicken.

"Salamat." Ngumisi na lamang din ako at kinuha ang sa akin.

At katulad ng kanyang sinabi ay kinain ko ang lahat ng gusto ko. Para akong hindi kumain ng ilang araw dahil sa gutom na nararamdaman ko. Alam kong pwede kaming magsisi bukas dahil bukod sa marami ang kinain namin ay hindi pa healthy ito pero kailangan naming bumawi para sa araw na ito.

Matapos naming kumain ay umayos na ang pakiramdam ko. Nakangiti akong sumakay sa kanyang kotse hanggang sa dumating kami sa hotel. Mag-aalas siete na rin nang dumating kami roon.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon