Kabanata 32

156 31 1
                                    

Kabanata 32

Simula

Katulad nga ng sinabi ni Grey, iyon ang ginawa ko. Hinayaan kong maramdaman ang bagay na matagal ko nang nais maramdaman. Nang sinundo ako kinabukasan ni Grey sa bahay upang sabay na pumasok sa school ay wala akong pag-aalinlangang sumama. Lola Leona and Lester weren't home so I didn't have the chance to introduce Grey. Ayos lang naman daw iyon sa kanya.

"Nagbreakfast ka na?" He asked while driving.

"Hindi pa. Maagang umalis sina lola e. Hindi na rin naman ako nakapagluto." Napakamot ako sa aking ulo. Huli na rin kasi akong nagising kaya nagmadali na ako.

Lumipat ang tingin sa akin ni Grey at biglang tumaas ang kilay nito. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang baba kaya nangunot ang noo ko.

"Why?" I said half irritated. I really hate it when he looks at me like that.

"Hindi ka nakatulog kagabi?" Nakangising sabi niya. Agad na uminit ang pisngi ko dahilan para mag-iwas ako ng tingin. Nang mapansing patingin-tingin pa rin siya sa akin ay hinawakan ko na ang kanyang ulo at hinarap sa daan.

"You're driving. Stop teasing me." Kitang-kita ko ang pagngisi niya. Hindi siya titigil hangga't hindi ako napipikon. Alam kong ito ang mangyayari.

"Kinikilig ka?" Seryosong tanong niya dahilan para mapabitaw ako sa pagkakakapit sa kanyang ulo at tinago ang mga kamay ko.

"I said stop!" Pumalahaw ang tawa niya pagkasigaw ko no'n. Sabi ko na. Letse kang Pelaez ka.

"You're blushing." Dagdag niya pa habang tumatawa. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa daan. Sa inis ko ay inirapan ko na lamang siya at tumingin na lamang sa labas.

Wait. Lagpas na kami sa school.

"Let's eat breakfast first. Doon tayo sa paborito mo." Upon hearing that, my head automatically moved. Nakangising aso siya habang taas baba ang kilay.

"Your treat?" Salubong ang kilay na tanong ko.

"Ofcourse." He smiled then winked. Emphasizing his dimples.

"Landi." Tukoy ko sa kanya. Muli na naman siyang humalakhak at bago pa niya makitang ngumiti ako ay nag-iwas na agad ako ng tingin.

Don't smile and laugh like that, Grey. I'm scared that I might fall for you. Deeper.

Nakarating kami sa campus, two minutes bago magsimula ang unang subject naming pareho. Malayo ang parking lot sa mga buiding kaya parang tanga kaming dalawang nanakbo kahit alam naming parehong hindi namin maaabutan ang oras.

Sabay kaming huminto sa pagtakbo nang makarating kami sa tapat ng building. I'm taking the west side while Grey will take the other side. Magpapaalam na sana ako habang kumukuha ng hininga nang bigla niya akong ngitian. Kinuha niya ang kamay ko 'tsaka nanakbo papunta sa direksyon ng aking klase.

"Ihahatid muna kita bago ako papasok sa klase ko." He said catching his breathe. Napangiti na lamang ako.

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala pa ang aking propesor pagkarating sa tapat ng room. Konti pa lang rin ang mga kaklase ko. Kahit hinihingal, humarap ako sa kanya.

"Thank you. Magmadali ka na! Baka nandon na ang prof mo." Nakangiting sabi ko.

"Okay. See you later." Hingal ngunit nakangiti ring sabi niya. Mabilis din siyang nanakbo pabalik hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

"Bati na kayo ng kuya mo?" Nagulat ako nang magsalita si Josh sa tabi ko. Kanina'y tahimik akong tumabi sa kanya dahil seryoso siyang nagbabasa ng libro pero mukhang nakita niya kami kanina sa labas.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon