Kabanata 38

112 16 1
                                    

Kabanata 38

Memories

"Pass the ball to kuya." Utos ng isang magandang babae sa akin. Dahan dahan naman akong naglakad patungo sa batang lalaki na tinutukoy ng babae at mahinang binato ang bola. Nang makuha ng batang lalaki na tinawag ng babae na kuya ang bola sa akin ay ginulo niya ang buhok ko. I only smile at that.

"Mommy, dahil mabait si Yesha, let's buy her a dog." Turan ng batang lalaki. Nagpapacute sa mommy niya.

"You really want to give baby Yesha a present? Daddy, should we buy Yesha a dog?" Baling naman niya sa lalaking nakangiting nanonood sa amin. Ngumiti ang lalaki at tulad ng ginawa ng batang lalaki sa akin ay ginulo rin nito ang buhok niya habang nakangiti.

"You want a dog, baby Yesha?" Baling naman sa akin ng lalaki. Hindi ako magkamayaw sa pagtango. Narinig ko ang halakhak ni daddy. Nilibot ko ang tingin sa kanila at lahat sila'y nakangiti sa akin. I smiled.

"I love mommy, daddy and kuya."

Turan ko at pilit na niyakap silang tatlo kahit na sobrang laki nila sa akin.

Nagkaroon na naman ako ng panaginip. Hindi ko nga alam kung panaginip ba iyon o isang alaala. Sobrang linaw ng lahat na hanggang ngayon ay naaalala ko pa.

Isang batang lalaki, batang babae, at tingin ko'y mag-asawa iyon. Ang batang babae ay ako. At tinawag kong kuya ang batang lalaki at mommy at daddy ang mag-asawa. If it's just another weird dream, then why the woman around her 20's which I call mommy is the same as the woman I'm with when some scenes appeared on my head not a long time ago in the gymnassium when I got hit by a ball. And the scenes on my dream feels nostlagic. Like it really did happen.

And I know for sure that that family is not Grey, mommy Sandra and daddy Joaqin. In that dream, they are all different person from who I knew.

Is it really possible that they are my real family? That the woman there and the woman I'm with when I got to an accident which I remember is my real mom?

Isang malakas na tunog mula sa aking cellphone ang nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Tumatawag si mommy. Hinintay kong matapos ang ring bago ako tumayo at naghanda na sa pagpasok. Pagbalik ko sa kwarto ay marami ng missed calls si mommy. Napailing na lamang ako.

Pinatay ko na ang lahat ng ilaw sa bahay dahil ako lamang mag-isa rito ngayon. At ngayong papasok na ako ay wala nang matitira di tulad noon. Namimiss ko na sina lola Leona at Lester kahit na nakikita ko sila sa ospital. Pero iba ang pakiramdam na alam kong nandito sila sa bahay bago ako umalis at sa pagbabalik ko, nandito pa rin sila. Nakangiting sasalubong sa akin si Lester at handa na sa pagyakap sa akin. But it's almost been a month since that happened. Marami nang nangyari at ewan ko ba at hindi talaga ako masanay.

Papalabas na ako sa bahay nang makita ang pamilyar na sasakyan sa labas. Bago pa man ako makaiwas ay lumabas na mula roon si mommy na seryosong nakatingin sa akin.

I know what she's thinking right now. And I obviously know what she's up to.

Wala nang pag-uusap na naganap at dumiretso na sa loob ng bahay si mommy. At pagpasok sa loob ay agad na lumibot ang tingin niya sa kabuuan. Wala namang nagbago sa bahay mula nang hanapin niya ito para sa akin. The furniture, appliances and everything are still in it's place.

"Aeiesha..." Her cold voice filled the room. This is what I'm afraid of. Whenever mom's mad, she has the ability to make everyone scared of what she might say or do. But this is not the right time to be scared.

"Mom." I answered as cold as she did.

"Grey told me that you're helping a friend. Is that why you even used your business' money for whoever your friend is?" She sounded calm but you can also tell that something's wrong.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon