Kabanata 42

118 10 0
                                    


Kabanata 42


Confession

Unti-unti kong minulat ang aking mata at nakita ang likod ng ulo sa harap ko. Pinikit-pikit ko ang aking mata hanggang sa mapagtanto na nasa likod ako ni Josh. The familiar scent of him entered my nose.

"Ibaba mo ako!" Utos ko habang hinahampas ang kanyang likod.

Mabilis pa sa alas-siete nang ibaba niya ako sa isang bench. Nagulat pa ako doon pero agad ko ring kinunot ang aking noo.

"Bakit mo ako buhat-buhat? Saan mo ako dadalhin?" Pinanliitan ko siya ng mata at tinuro. Hindi makapaniwala niya akong tiningnan.

"Nawalan ka ng malay. Saan sa tingin mo kita dadalhin?" Iiling-iling niyang sabi. Lalo lamang kumunot ang aking noo.

"Anong nawalan ng malay? N-nanahamik ako doon..." Bigla akong natigilan nang maalala ang biglang pagsakit ng ulo ko. Ang pagpapakita ng ilang pangyayari at pagkatapos no'n ay wala na akong maalala.

"Naalala mo na?" Taas kilay niyang tanong.

Nanatili na lamang akong walang kibo.

"Anong nangyari at nawalan ka ng malay?" Lumapit lalo siya sa akin at dinama ang noo ko.

"W-wala..." Hinawi ko ang kanyang kamay sa noo ko. Mabilis akong tumayo at lalakad na sana nang bigla na naman akong mahilo at mawalan ng balanse. Mabilis na umagap si Josh sa pagtumba ko.

"Lasing ka na Yesha. And you can't balance yourself anymore."

"Noooo. I still can. Nahilo lang ako." Hinawi ko ang kamay ni Josh na nakaalalay sa akin at muling sinubukang maglakad. Nakakatatlong hakbang pa lang ako ay muntikan na naman akong matumba.

"See? You can't." Pagpapamukha niya.

"Tss." Nagulat na lamang ako nang magtungo siya sa harap ko at lumuhod. Nakatalikod sa akin.

"Sakay na. Bago pa magbago isip ko." Tukoy niya sa kanyang likuran. Sandali pa akong nag-isip bago tuluyang pumasan sa kanya. This will look awkward but whatever.

Tahimik kaming dalawa habang naglalakad siya pasan ako. Magsasalita na sana ako nang maunahan niya ako.

"Sumasakit na naman ba ang ulo mo tulad ng mga nakaraan?" Tumango lamang ako sa kanyang tanong.

"I told you, kailangan mo nang magpacheck-up." Dagdag pa niya.

"Alam mo, hindi ko talaga inakala na kaya mo pa lang maging mabait." Panimula ko. Mas hinigpitan ko pa ang kapit sa kanyang leeg dahil sa umiikot na paningin ko. Pakiramdam ko'y kahit anong oras ay malalaglag ako.

"Imagine, you're so rude and mannerless when I first met you."

"What?!" Tutol niya. Kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha ay malamang na magkasalubong ang kaniyang mga kilay.

"Nabangga mo ako bago pa man ako makapasok sa room no'n. Hindi na ako nage-expect ng tulong no'n pero kahit sorry ay wala akong natanggap mula sa'yo. Ang nating nakita ko lang no'n ay ang pula mong buhok. At sinabi ko sa sarili ko na hindi ko kalilimutan ang unang pangwe-welcome mo sa akin sa school na 'to." Bahagya akong natawa habang inaalala ang panahon na iyon. I really hate him to death that time.

"Wala akong maalalang ganoon." Masungit na sabi niya.

"Psh. Malamang hindi mo maalala iyon." Umirap ako. At dahil sa ginawa kong iyon ay lalo akong nahilo.

"Tapos sa kamalasmalasan nga naman, sa tabi mo pa ako pinaupo sa prof natin no'n sa Filipino. At nang katabi na nga kita, 'tsaka ko pa lang napagmasdan ang mukha ng lalaking walang manners." Natawa ako. Naalala ko pa ang pag-appreciate ko sa taong ito noong mga oras na iyon. Gwapo nga pero bakit pula ang buhok? Para siyang sisiw na binebenta sa mga bata.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon