Kabanata 22

197 28 0
                                    

Kabanata 22

Better

Hindi naging madali para sa akin ang lahat ng training na ginawa para sa pageant. Wala akong hilig sa mga ganoong bagay lalo na ang pagsasayaw, pagsusuot ng heels, pagme-make up at pagproject sa harap ng maraming tao. Pero dahil na rin sa mga pinapagawa sa amin bilang kaisa sa Kroner Royalties, naging advantage ko iyon. I can say that before competing on that pageant, I already had experience.

The moment I stood infront of the crowd made my heart beats fast. I almost stumbled and fall but thanks to my partner who's been escorting me the whole time. Kung wala siya, paniguradong hindi pa nagsisimula, talo na ako.

Kahit papano, natutuhan ko nang maappreciate ang red haired guy na iyon. Hindi naman pala siya puro hangin. He can be gentleman... when he's on the mood.

Matapos ang naging pageant ay bumalik na sa dati ang sched ko. Sa umaga ay papasok ako sa school at pag-uwian ay didiretso ako sa shop. Sa araw na wala akong pasok ay nagi-stay lang ako sa bahay. Magaling na si Lester kinabukasan din no'ng gabing iyon. Sabi ni lola ay natural lang daw iyon. Nothing to worry about. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala dahil hindi naman siya natingnan ng doctor.

"Look who is here." Napahinto ako sa kalagitnaan ng paglalakad ko patungong cafeteria nang may humarang sa daanan ko. Napataas ang aking kilay nang makita ang mukha ng kontrabida ng buhay ko.

"The newly crowned, Miss CHTM and hopefully Miss Kroner University." Inikutan niya ako. Tiningnan ang katawan ko mula ulo hanggang paa.

"So how does it feel to be one, Aeiesha?" Sa sobrang taas ng kilay niya, para na siyang walang noo. Oopps, sorry. Lumiit lang pala. Malapad nga pala ang noo ng babaeng ito gaya ng sabi ni Yuri noong nakaraan.

Tamad akong humalukipkip bago siya tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Hmmm... paano nga ba? Wait, bakit mo natanong? Hindi mo pa ba nararanasan?" Nagtaas ako ng kilay. Kita ko ang unti-unting pagnganga niya. I smiled mischievously.

"How dare you--" Bago pa man dumapo ang kanyang palad sa aking mukha ay agad ko na itong sinalag. Hawak-hawak ang kanyang kamay ay umirap ako.

"If you want to hurt me again, make sure I won't catch your hand first. At kung talagang naiinggit ka sa titulong nakuha ko, better be part of Kroner Royalties first." Matalim ko muna siyang tiningnan bago binitawan ang kamay niya. Taas noo akong naglakad lagpas sa kanya hanggang sa makarating ako sa table ni Yuri na ngayon ay nakatingin sa akin. Nakangisi.

"Tapang a?" She said half smiling.

"Sino bang nagturo sa akin na gawin iyon kay Jessica?" Natatawa akong umupo sa harap niya.

We're still waiting for Sunny, Luhan, Josh and Jeff. May group activity kami sa isang subject.

Yuri playfully flips her hair and smirked. She laughed after doing that.

"Anyway, you made the right thing. Hindi siya ang reyna dito para umasta ng ganoon. Tama na ang dalawang beses na pambubully niya sa'yo. Aish! Naiinis pa rin talaga ako kapag naaalala ko ang ginawa niya sa'yo!" Napangiti ako sa naging reaksyon niya.

Seing Yuri act like this makes me happy. Tinanggap na niyang mayroon siyang kaibigan. Na mayroon siyang pwedeng masabihan ng kanyang problema. Na mayroong tutulong sa kanya kapag nangangailangan siya. Hindi niya na kailangang matakot dahil alam niyang may kasama siya. Napangiti ako.

Nawala na rin sa wakas ang takot niyang magtiwala. Ang ibigay ang tiwala niya sa ibang tao at alagaan iyon para sa kanya. Tinanggap niya na ring kasama sa pagtitiwala ang sakit. Dahil ang pagtanggap sa isang tao bilang bahagi ng buhay mo ay isang pagtitiwala. Pagtitiwalang makasasama mo siya sa lahat ng bagay at hindi bibigo sa mga pangako. At sa oras na hindi magawa ng isa ang mga bagay na iyon, papasok ang sakit. Tanggapin mo man o hindi, mayroon at mayroong bagay na maaaring magdulot ng sakit sa pagkakaibigan.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon