Kabanata 36

110 14 1
                                    

Kabanata 36

Operasyon

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa ospital. Kaya pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan ay nanakbo na ako sa information's desk at nagtanong sa room number ni Lester. Dali-dali akong nagtungo doon hanggang sa nakita ko si lola Leona na nasa labas at umiiyak.

"La..." Agad siyang napalingon pagkarinig sa boses ko. At pagkakita sa akin ay awtomatikong sunod-sunod na bumuhos ang luha sa kanyang mga mata kasabay ng kanyang hagulgol. Seeing and hearing lola Leona cry makes me feel what she's feeling too. Sabay kaming umiyak doon.

Nang pareho kaming mahimasmasan ay 'tsaka lang kami muling nakapag-usap.

"Tell me more about Lester's condition." Medyo kalmado ko nang sabi. Pero hindi pa rin mapagkakaila ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko pa rin nakikita si Lester. Hindi rin nababanggit ni lola kung nasaan ito.

"May sakit sa puso ang apo ko. Bata pa lang ay mahina na talaga ang puso niya. Lumaki naman siya na hindi nagpaparamdam ang sakit niya. Ngayon lang ulit..." Muli na naman sumilay ang luha sa mga mata ni lola. Wala akong nagawa kundi ang maramdaman din ang sakit na nararamdaman niya.

Ganoon pala iyon. Matagal nang mayroong sakit si Lester pero ni hindi ko man lang alam. Alam kong hindi pa naman ganoon katagal mula nang makilala ko sila pero sa kaunting panahon na iyon, hindi maaaring mawala ang pag-aalala. Napamahal na sila sa akin. Sila ang tinuring kong pamilya mula nang nagdesisyon akong lumayo sa mga kumupkop sa akin.

"E 'yung operasyon po? Kailan po siya ooperahan?" Nag-aalalang tanong ko. Sa pagkakaalam ko, sa ganitong sitwasyon na sinabi na ng doktor na kailangan ng operasyon, kailangan nang gawin iyon ng agaran.

"Apo... iyon nga ang problema ko. Wala akong sapat na pera para sa operasyon. Alam mong kami na lang dalawa. Kaya kailangan kong mailigtas ang apo ko." Iiling-iling siya habang patuloy na umaagos ang luha.

"La, nandito po ako. I can help you. Pwede naman po kayong humingi ng tulong sa akin. Bakit hindi po kayo nagsabi?" Mas lalo akong nalungkot dahil dito. Ang tanging humahadlang sa operasyon ni Lester ay pera. Na hindi naman dapat dahilan dahil buhay ang pinag-uusapan dito.

"Nahihiya na nga ako sa'yo, Yesha, kaya di ko na sinabi sa'yo. Malaking tulong na ang pagpapatira mo sa amin sa bahay mo. Ayokong maging pabigat pa sa'yo... Apo ko si Lester kaya dapat lang na gumawa ako ng paraan para sa kan--"

"No, lola. Don't say that. Hindi po kayo naging pabigat sakin kailanman. I'm actually thankful for being part of your life. Hindi po pabigat sakin ang lahat. At willing po akong tulungan kayo sa operasyon ni Lester. Para ko na po siyang kapatid."

"Pero---"

"Tutulong po ako, la. Masyado pa pong bata si Lester para makaranas ng ganitong paghihirap."

Ilang beses pang tinanggihan ni lola Leona ang tulong ko pero nang maglaon ay nakumbinsi ko rin siya. Madaling hinanap ni lola ang doktor at nakipag-usap dito. Dumiretso na rin ako sa kwarto ni Lester para makita ang kalagayan niya. Maraming tube ang nakatusok sa payat at batang katawan niya. Sa itsura niya ay mababakas ang kanyang paghihirap. I never imagined I'll see him in this kind of situation. Ang isang masiyahing bata ay hindi nararapat sa ganito.

"Aeiesha..." 'Tsaka ko lang naalala na may kasama akong magtungo rito. Nilingon ko si Grey na seryosong nakatingin sa akin. Hinarap niya ako sa kanya at tiningnan ng may pag-aalala. He placed his both hands on my cheeks.

"Are you okay?" He asked.

Isang buntong hininga ang isinagot ko. Ewan. Hindi ko alam kung magiging ayos ako habang nakikitang ganito ang batang dapat ay masaya dahil bumalik na ako.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon