Kabanata 55

124 8 0
                                    

Kabanata 55

Nice seeing you again

“Nice perf, Rhein.” Nakangising sabi ko sa aking kapatid na kabababa lamang ng stage para sa kanilang debut performance bilang isang boy group.

Marami ang nanood sa kanilang pagtatanghal ngayong araw sa oval. Hindi talaga nila iyon in-expect pero mukhang hindi lang si Ma’am Len yang nakakita ng talento sa kanilang grupo kundi ang buong Kroner University.

“Thanks, Yesh.” Ngiting-ngiting sabi niya at niyakap ako sa sobrang tuwa. Nilibot ko ang tingin sa paligid at mukhang masayang-masaya rin ang kaniyang mga ka-grupo.

Three years ago, nalaman kong marunong humawak ng instruments ang kapatid ko. Siya at ang kanyang mga kaibigan mula pa noong highschool ay nagsasama-sama sa isang abandoned building para doon tumugtog. Minsan ko na silang napanood noon pero hindi ko inakalang may mangyayaring  mas malaki doon.

Then Ma’am Leny approached them and asked if they can dance since she can hear them sing too while playing instruments and then viola! Pinakilala ni Ma’am Leny ang tatlo pang miyembro na kalaunan ay binuo bilang isang grupo.

Mahirap sa kanila noong umpisa dahil hindi naman sila ganoon kagaling sumayaw, pwera kay Jeff—yes, one of Kroner Royalties—,Adrian at Niccolo—dalawa sa kanyang mga kaibigan, ang marunong na. Sinanay naman sila sa pagsasayaw kaya ngayo’y nagbunga lahat.

Sabay kaming umuwi ni Rhein sa bahay at tuwang-tuwa maging si daddy sa binalita ko. Sino nga naman bang hindi matutuwa na isa nang member ng boy group ang kapatid ko. At sa loob ng tatlong taon na iyon na pagsasanay at paglilibang niya, umaasa ako na kahit papano’y naghilom na ang sugat niya mula nang iwanan siya ng taong pinakamamahal niya.

At sa loob ng three years na iyon, nakagraduate na rin ako ng college. Ngayon ay nakatuon ako sa business ko sa coffee shop habang si daddy ay nakabalik na sa kompanya. Tanging ang naiwang business na lang ni mommy ang inaasikaso ni Rhein at tingin ko’y kayang-kaya niya na iyon. At dahil mas nauna ako pagdating sa year kaysa sa mas nakatatanda kong kapatid, nasa huling taon pa lang siya ngayon ng college.

Marami ang nangyari sa loob tatlong taon. At sa tingin ko, I’m totally healed. Nakausap ko na rin si mommy Sandra tungkol sa nagawa niya noon at okay na kami. Minsan ay dinadalaw nila ako ni daddy Joaqin sa shop at doon nila ako kakamustahin. Hindi rin nila nababanggit sa akin si Grey at sa tingin ko’y okay naman ito sa ibang bansa. Nakagraduate na rin siguro siya last year. Maging si Josh.

At matapos nga ang debut performace ng BOY IN LUV—Rhein’s group name, ay nagsunod-sunod pa ang performance nila dahil sa mainit na pagtanggap ng community ng Kroner para sa kanila. Mayroon na nga rin silang fans club. At kasama ako roon.

Nakatanggap ako ng text kay Yuri at pinapupunta ako sa restaurant niya. Napangiti na lang ako at sinabihan ang kapatid ko. Sabi niya’y sasama siya para makapagbonding na rin kami.

Alas-tres pa lang ay handa na si Rhein para maging driver ko papunta sa restaurant ni Yuri. Sa Pasay iyon at malapit sa airport. Sa dinner pa kami pinapupunta ni Yuri pero dahil nga gagala kami ng kapatid ko, kailangan naming maagang umalis para makadaan pa ng mall bago sa restaurant.

Saglit lang ay nakarating na kami sa mall dahil malapit lang naman iyon mula sa bahay. Tanong niya agad sa akin pagkarating namin ay kung anong gusto kong gawin.

“Lalaki dapat ang magde-decide sa kung saan dapat dalhin ang ka-date nito.” Biro ko. Tiningnan niya lang ako na parang hindi makapaniwala. “Hindi ka na ba marunong dahil inaamag ka na?” Dagdag ko pa. Kinulong niya ako sa kili-kili niya kaya nagpumiglas ako.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon