Kabanata 33

132 26 0
                                    

Kabanata 33

Choices

"Put the table there, please. Thanks."

"Get the white and red one. Why black of all the colors?"

"Can you please pass the flowers?"

"Iusog mo pa ng konti. 'Yan! Oops!"

"That's not it! The other one. Aist!"

Nagkakagulo kami ngayon sa event hall habang inaayos ang design at table para sa christmas party mamaya. Nagvolunteer na si GD at Jeff kahapon kay mommy na kami na raw na Kroner Royalties ang mag-aayos. And now, we are in chaos. The party will start in an hour but we're not finish yet. Hindi pa kami nakapagbibihis at hindi na naipapasok ang pagkain. We're dead if we can't finish these on time.

"Royalties, just a moment." Nagtigilan ang lahat sa ginagawa nang magsalita si Shadelyn sa harapan gamit ang microphone.

"Magsisimula na ang party maya-maya pero wala pa sa kalahati ang nagagawa natin. We volunteered to do these, right? We want to help others and make our farmers feel loved and cared by doing this. We are doing these because we are the scholars who's not just a scholars but someone who do charity and make others feel loved. Marami na tayong napagdaanan at nagawa. Ngayon pa ba tayo susuko? Sa pagde-design at pag-aayos lang ng upuan at mesa? Hindi diba?" Nagilingan kaming lahat. Sa sinabi niya'y nagising ang diwa ko. Namin. Iyon nga pala ang dahilan kung bakit nandito kami ngayon. Napahawak ako ng mahigpit sa table cloth na hawak ko.

"We are the Kroner Royalties who acts. Kaya nating tapusin ito, diba? Right, Royalties?"

"Yes! We can do this!" Sigaw namin.

"Fighting!" Sigaw ni Sunny bago kumekendeng-kendeng habang nakataas ang flowers na hawak niya. Narinig ang hagikgik ni Shad sa buong hall dahil sa mic na gamit niya bago niya ginaya ang ginawa ni Sunny.

"Fighting! Fighting, Royalties!"

————

"We're done! Finally!" Nagulat kami sa biglang paghiyaw ni Shad pagkatapos magsilabasan lahat ng guest. Lahat ay napatingin sa kanya na nakataas ang dalawang kamay at malaki ang ngisi. Nang mapansin niyang nakatingin kami sa kanya ay nginitian niya lamang kami.

"Saya mo a?" Biro ni Jeff sa kanya.

"Ang sarap kasi sa feeling." Sagot niya. Nagsitanguan kami sa tinuran niya. Tama siya. Ang sarap sa feeling na makatulong. Hindi man malaking bagay ang naitulong namin, ang sarap pa rin sa pakiramdam na nakatulong kami.

"Oo nga. Sana may next time pa." Tuwang-tuwang sabi ni Sunny habang pasimpleng nilalagay ang confetti sa ulo ni Luhan nang hindi nito nalalaman. Malayo kasi ang tingin nito at mukhang wala sa sarili.

Nang maramdaman ni Luhan ang kamay ni Sunny sa kanyang ulo ay biglang lumingon ito. Si Sunny naman ay nagulat at agad-agad na nanakbo patungo sa akin.

"Waah!" Sigaw nito.

Pero nagulat kaming lahat ng hindi hinabol ni Luhan si Sunny. Nakapagtataka.

"May problema ka, bro?" Tanong ni GD sa kanya.

Umiling lamang ito bilang sagot atsaka tumayo.

"Mauna na ako. Sorry di na ko makatutulong sa paglilinis." Nagtaka kami nang dire-diretso siyang lumabas sa event hall.

"Nag-away kayo?" Tanong ko sa nagulat ding si Sunny.

"Hindi. Kahapon pa nga siya tahimik e." Kibit balikat nito.

"Lagot ka. Inaway mo." Seryosong sabi ni Grey.

Ilang araw ang lumipas matapos nang christmas party at wala na rin kaming pasok. Nagsimula na ang christmas break at masaya ako dahil nakabalik na ako sa shop. Unang-una kong ginawa ay ang bisitahin ang kitchen. Nang maabutan kong nagbe-bake pa sila ng cupcakes ay kinuha ko na iyon.

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon