Kabanata 4

377 52 7
                                    

Kabanata 4

Crazy Sunny

Umuwi ako sa bahay matapos ng pag-uusap namin nina Josh. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga pinagsasabi niya- hindi ako naniniwala.

Pero nang mapagtanto ang mga sinabi no'n ni mommy Sandra sa meeting na naabutan namin ni Luhan, napagtanto kong tama. Para akong napasubo sa pagiging Royalty ko. Hindi ko akalain na ang pagiging royalty pala ay may malaking responsibilidad at hindi lang basta gano'n, you need to model.

Marami pa silang sinabi at kinuwento tungkol sa unang beses na malaman nila na kabilang na sila do'n. Ofcourse, si Jeff lang naman 'yung nagdaldal at maraming sinabi. Si Josh ay panay lang naman ang tango o di kaya ay saway sa walang kwentang sinasabi ni Jeff. Jeff is a nice guy but I think hindi kami magkakasundo. Alam ko iyon.

Nalaman ko din na ako ang ikalabing-isa and obviously the last member of Kroner Royalties. Taon-taon daw silang kumukuha ng member at ngayong taon lang din nakuha sina Jeff, Josh at iba pa dahil unang taon lang nila sa KU. Shade and Luhan is old member of KR at ang iba pa pero hindi ko na matandaan ang pangalan dahil hindi ko pa sila nakikita. Jeff volunteers himself na ipakilala sa akin ang lahat kaya hinayaan ko na lang. Makikilala ko rin naman sila in time. Lalo na't sinabi sa akin ni Josh na malapit na ang simula ng training sa modelling para masimulan na ang event sa lalong madaling panahon.

Wala akong nagawa kundi ang pumasok muli sa school at puntahan ang office namin na 'yun. I really don't want to be a model. Lalo na't pagsusuotin ako ng sexy clothes. I'll rather wear sweaters all the time kahit na mainit ang klima dito sa Pilipinas.

Kagaya ng binilin sa akin ni mommy kagabi nang tawagan niya ako ay nagbaon nga ako ng extra clothes. I don't know what is going to happen pero sinunod ko na lang ang bilin niya.

Pagpasok ko nang office ay inip na sumalubong sa akin si Josh na nakahalukipkip habang nakatingin sa akin. Wala kaming klase ngayon. He's wearing comfortable clothes just like mine. Nakasabit din sa aking balikat ang gym bag ko.

"Nasaan sila?" Inayos ko ang pagkakabitbit ng bag ko sa balikat.

"Upstairs. You're late as always." Umirap pa siya bago kinuha ang bag niya na nakatago sa sofa.

Nauna siyang maglakad kaya sinundan ko siya. Nang makaakyat kami gamit ang hagdan sa kaliwang banda ay lumiko kami pakanan. May malakas na music akong naririnig mula dito. Nang buksan na ni Josh ang pinto ay umalingawngaw ang maingay na tugtog mula sa loob no'n. Nagpakita sa akin ang kwartong puno ng gym equipments. Naningkit ang mata ko.

May isang baklang panay ang sigaw do'n sa isang babae na nakahiga sa mat. Nang makita niya kami ay agad siyang lumapit. Nakahalukipkip siyang tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. Nagtaas siya ng kilay bago nagsalita.

"You're late! And because of that, do thirty sit-ups there! Mamaya ay babalikan kita para maturuan." Nagkunot ang noo ko sa sinabi niya. Who's this... guy? Or gay? Tss. I don't know.

"Easy, Tom. She's Tita Sandra's daughter." Turan ni Josh. Bumaling sa kanya 'yung Tom at agad na nagbago ang ekspresyon nito.

"Mabuti naman at nakabalik ka na. Nando'n na 'yung place mo. Ready na ang lahat." Sagot nito na hindi pinansin ang pagpapakilala sa akin.

"Okay." Tinalikuran niya na kami. Naiwan ako sa Tom na 'to na muli na namang humalukipkip.

"Ms., pwede ka nang magsimula. Faster! Late ka na nga e." Umirap siya bago ako tinalikuran. Upakan ko 'tong kalbong 'to e.

Tamad akong magpunta sa dulo ng gym. Wala akong alam sa ganito kaya hindi ko alam kung anong gagawin. Nang makahanap akong mat na walang umuukupa ay nilapag ko ang bag ko. What now?

Royalties' HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon