Prologue

438 12 0
                                    


Ako si Yori, healing ability ang hawak ko. Sa dulo ng gubat sa malapit sa ilog, doon ako nakatira. Pero hindi rin kalayuan sa nayon. Dito ko lang napiling manirahan dahil takot ako.

Takot akong malaman ng lahat ang abilidad na mayron ako. Siguradong dudumugin ako ng mga taga nayon, mapapagod lang sila na puntahan ako dahil hindi ko na ginagamit ang kapangyarihan kong ito, maliban na lang sa nakababata kong kapatid na si Era.

Mayron akong kapatid na babae. Labing walo ako at sampung taon naman siya. Siya si Era, isang air user. Kaming dalawa ang natirang buhay sa pamilya namin matapos kaming atakihin ng mga Jablon (dya-blon). Sila ang mga masasamang users at mga taksil sa lipunan, na ipinatapon naman ng emperor sa ibang lugar. Ngunit muli silang nagbalik para manggulo, nagkaisa ang lahat para sa gagawing pag-atake na pinamunuan naman ni King. Ipinatapon ito sa ibang lugar dahil sa makailang ulit na panggugulo at pananakit sa loob at labas ng palasyo.

Ang palasyo ni Emperor Jah (dyah) . Siya ang pinuno ngayon sa buong Hanawe, kung saan kami napapabilang. Magaling na pinuno, at makapangyarihan sa lahat. Meron itong isang anak na lalaki, si Haji (ha-dyi). Bukod don ay wala na kong nalalaman sa kanila. Hindi pa kasi sila napapadpad sa nayon, at wala pang sinuman sa taga nayon ang nakakakita sa mga ito sa malapitan.

Dumating ang araw na nagkaron ng matinding labanan sa pagitan ng Hanawe at Beblon. Beblon, ang lugar namin noon na sinakop ni King, si King na isang taksil sa bayan.

Dahil sa kagustuhan kong maghiganti sa mga taong pumatay sa pamilya ko, nakipagkasundo ako kay Emperor Jah. Ang kapalit, sa palasyo na ko maninirahan, kasama si Era.

_____

To Heal or To Kill???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon