THIRD PERSON
Natapos ang dalawang araw. Sabay sabay na pinanood ng lahat mula sa malayo, ang nagliliyab na palasyo ni King.
Lahat ng pang aapi, pang aalipin at paghihirap ng lahat ng tauhan ni King ay dinala na ng marumi at itim na usok mula sa apoy na iyon.
Dala dala nila ang bagong pag asa at bagong buhay.
Makalipas ang ilang sandali ay isa isa na din silang nagpaalam sa isa't isa.
"Tapos na." Bulong ni Yori sa sarili habang nakatingin sa palasyo.
"Tayo na." Biglang pag aya ni Haji dito.
Inabot nito ang kamay ni Yori at maingat na pinasakay sa kabayo nitong si Taro.
Naghanda na din ang iba pa, para sa kanilang pag alis at pagbalik ng Hanawe.
Kasama ni Raya sa kabayo ang tatay nito. Si Missy naman ay kay Yuki sumakay.
"Kaya ka kaya nitong kabayo?" Tanong ni Yuki kay Missy habang inaalalayan nitong makasakay ang dalaga.
"Mukha lang akong mabigat Yuki! Pero hindi ako mabigat!" Pagtataray naman ni Missy dito.
"Pag nagreklamo yang kabayo, bumaba ka na ah!"
"Ha! Asa!"
Si Kai naman ay tahimik lang na nakatingin sa dalawang nagtatalong iyon. Nakasakay na ito sa kabayo niya. Hindi niya alam kung bakit parang nagkakainteres siya sa kung ano mang gawin ni Missy. 'Haay! Hindi pwede to!' Pailing iling pa ito sa sarili tsaka pinalakad na ang kabayo nito.
Nasa unahan si Haji, kasunod nito si Kai. Tapos ay ang iba pa.
Makalipas naman ang pagkahaba habang byahe na iyon na puro asaran nila Yuki at Missy. Tahimik na si Kai. Kwentuhan nila Yori at Haji, pasulyap sulyap na si Dash kay Raya at kung anu ano pang ginagawa nila ay sa wakas, nakarating din sila ng Hanawe.
"AATTTTEEEEE!!!!!! KKUUUUYYYAAAA!!!" Galak na galak at sabik na sabik na si Era agad ang sumalubong sa kanila.
Mangiyak ngiyak ito habang patakbong papalapit kay Yori at Dash. Mahigpit na yakap ang agad ang ginawa ni Era dito tapos ay pinaghahalikan pa ang ate at kuya Dash nito.
"Ate! Alam mo bang mas nakakatakot palang maghintay lang dito, kesa ang makipaglaban. Sana sumama na lang ako sa inyo." Maluha luhang sabi ni Era dito.
"Ayos na ang lahat, Era. Hindi ka na matatakot." Nakangiting sabi naman ni Yori dito.
"Tsaka nandito na ko." Mula sa pagkakayap ni Yori kay Era, ay si Dash naman ang sunod na niyakap nito.
"Kuya! Totoo ngang nandito ka na! Ang saya saya! Ang saya!" Halos hindi makapaniwala si Era sa mga pangyayaring iyon.
Patalon talon ito habang yakap ang kuya Dash niya. Kaya hindi na din nakapagpigil pa si Dash at binuhat na niya ito, tsaka sila umikot ikot habang magkayakap.
Si Haji naman ay lumapit sa ama nitong kakarataing pa lang sa lugar na iyon.
"Nandito na kami." Sabi dito ni Haji pagkalapit.
Pero imbis sumagot ay mahigpit itong niyakap ni Pinunong Jah.
"Nagtagumpay kami. Ama." Sabing muli ni Haji.
Pagkahiwalay nila sa pagkakayakap ay isang ngiti ang ibinigay ni pinunong Jah dito. Isang ngiting tagumpay. Marahan nitong tinapik tapik ang balikat ng anak, gaya ng dati nitong ginagawa.
"Ipinagmamalaki kita. Anak ko. Anak talaga kita"
At sa muling pagkakataon ay nadinig ulit ni Haji ang katagang iyon mula sa kaniyang ama. Napangiti ito.
BINABASA MO ANG
To Heal or To Kill???
FantasyPilit itinatago ni Yori ang healing ability nito sa mga tao sa nayon. Tila nagiging bulag ito sa mga taong may karamdaman, at nagiging bingi naman sa tuwing may mga taong napapadaing sa sakit. Sa madaling salita, pinipilit ni Yori na hindi na niya m...