THIRD PERSONSa sobrang bilis ng pangyayari hindi na nagawang maabutan nila Kai at Yuki sina Yori at Haji. Kahit ang paglamon ng dagat sa dalawa ay hindi na nila nakita.
"Yori!!!" Pagsigaw ni Yuki habang nililibot ang paningin.
"Haji!!!" Sigaw naman ni Kai na ganon din ang ginagawa.
Pagbaba ni Yuki sa kabayo ay isang malakas na suntok agad ang pinakawalan nito sa isang malaking puno na naroon.
"Kalma lang. Hindi pababayaan ni Haji si Yori, sigurado yun." Sabi dito ni Kai habang nakasakay pa din ito sa kabayo.
"Alam ko yun Kai. Ang kaso nasaktan si Yori. Nasaktan siya!" Sigaw ni Yuki, pero sa puno pa din ito nakaharap.
"Hindi ko din inakala ito. Pagbabayarin ko sila." Naikuyom ni Kai ang kamao habang sinasabi iyon.
"Mabuti pa bumalik na tayo, hindi na ko makatiis na hindi turuan ng leksyon ang mga tauhan ni Haji." Pagsabi non ni Yuki ay sumampa na ito sa kabayo.
Naisipan nilang dalawa na bumalik na sa palasyo, at iasa na lamang ang kaligtasan ni Yori kay Haji.
Samantala...
Habol habol ang hininga at pagod na pagod na nakarating sila Haji sa lupa. Buhat buhat nito ang walang malay na si Yori.
Natatarantang inilapag ito ni Haji. Natakot ito dahil kung siya nga ay halos mamatay na sa sobrang lakas ng agos ng dagat pano pa kaya si Yori.
"Yori!"
"Yori!"
"Yori, gumising ka!"
Paulit ulit na pagtawag ni Haji kay Yori. Pero nananatili pa ding walang malay ang dalaga. Itinapat ni Haji ang tenga nito sa dibdib ni Yori, masyadong mahina ang pagtibok ng puso nito. Na aakalain mong hindi na din tumitibok.
Isang bagay ang hindi niya pa nagagawa sa buong buhay niya ang kinakailangan niyang gawin ngayon. Naalala naman ni Haji ang bagay na iyon na itinuro ng kapatid nitong si Emerald.
Ang pagbibigay ng hangin sa pamamagitan ng bibig.
Hinawakan ni Haji ang batok ni Yori at marahan iyong itinaas. Wala nang paligoy ligoy pa at ginawa nga ni Haji ang bagay na iyon.
Paulit ulit niyang ginagawa iyon tapos ay ang pagdiin ng dalawang palad nito sa dibdib ni Yori. Habang paulit ulit ding nananalangin sa lahat ng espiritu sa dalampasigan na iyon na tulungan at gisingin si Yori.
Hanggang sa sunod sunod na pag ubo na nga ang ginawa ni Yori. Madami itong nailabas na tubig dagat.
Parang nabunutan naman ng tinik si Haji nang makitang gising na si Yori.
Dahan dahang umupo si Yori at tila nahihiyang tumingin kay Haji. Tapos ay iginala nito ang paningin sa buong lugar tsaka muling humarap kay Haji.
"Haji, p-pasensya na.. p-pasensya na!" Mangiyak ngiyak ang mga mata nito habang humihingi ng tawad sa binata.
Ngunit isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Haji dito. Alam niyang iyon lamang ang makakapagpakalma kay Yori higit pa sa sasabihin niya.
Matagal pa sila sa ganong ayos hanggang sa kumalas na nga dito si Haji. Tiningnan niya muna si Yori at nang matiyak na maayos na talaga ito ay tsaka niya ito binigyan ng hindi kalakasang tapik sa noo.
"Ahhh! Para san naman yon?" Tanong dito ni Yori habang nakahawak sa noo.
"Para yan sa pananakot mo sakin! Ang tigas kasi ng ulo mo!" Masungit naman na sagot ni Haji dito.
BINABASA MO ANG
To Heal or To Kill???
FantasyPilit itinatago ni Yori ang healing ability nito sa mga tao sa nayon. Tila nagiging bulag ito sa mga taong may karamdaman, at nagiging bingi naman sa tuwing may mga taong napapadaing sa sakit. Sa madaling salita, pinipilit ni Yori na hindi na niya m...