Chapter 48

65 3 0
                                    

THIRD PERSON

Habang ginagamot ni Yori ang mga kasamahan ay panay ang sulyap nito kay Haji, na ngayon ay kinakalaban na si King.

Kinakabahan ang lahat. Dahil naroon na at kinakalaban ni Haji ang huli at pakay nila.

Sa sobrang kaba ni Yori ay halos hindi na nito manguya ang mga ugat na dala niya. Nanguha pa man din siya ng ilang pulang kabute nang mapadaan ito sa puntod ng mga magulang niya.

"Kuya!"

Biglang napatakbo si Raya sa gawi ni Yuki. Nakadapa ito sa damuhan matapos matamaan ng tornado.

"Kuya! Saglit lang. Wag kang gagalaw." Natatarantang sabi dito ni Raya, nanginginig pa ang kamay nito habang binubuksan ang takip ng bote.

"T-teka! Paiinom mo na naman sakin yan! Tawagin mo na lang si Yori!"

Angal naman ni Yuki sa kapatid. Ang bote kasing iyon ay ang minsang ipainom dito ni Raya. Ang gamot na nagpapatigil ng pagdurugo.

"Tatlong patak lang! Wag ka nang umarte!" Sagot ni Raya.

"Ayos pa ba kayo diyan?" Singit namang bigla ni Kai. Nakatalikod ito sa dalawa habang sinasalubong ang mga sandata para koberan sila.

"Raya ako nang bahala." Dumating din si Yori doon at ito na ang nag asikaso kay Yuki.

Matapos gamutin ay mabilis na nakabalik sa pakikipaglaban si Yuki.

"Kai, kailangan mo din magpagamot." Pinaunlakan naman ni Kai ang sinabing iyon ni Yori, dahil nakakaramdam na din ito ng panghihina.

Si Raya ay bumalik sa pwesto kanina kung saan naroon si Dash. Nagpasama ito kay Yuki.

"Yori, pano pag namatay ako dito?" Napadilat si Yori sa sinabing iyon ni Kai.

"H-hindi ka mamamatay! A-ano bang sinasabi mo?" Pagkasagot ni Yori ay muli itong pumikit para ipagpatuloy ang panggagamot kay Kai.

"Baka kasi nalulungkot na ng sobra si Emerald sa kinaroroonan niya ngayon." Naging seryoso naman ang mukha ni Kai. Kaya napahinto ng tuluyan si Yori sa ginagawa nito.

Ramdam niya ang sobra sobrang pangungulila ni Kai sa kasintahan nito. Ang lungkot at sakit na hindi niya naman sinasabi kanino man, dahil puro ngiti, tawa at kalokohan ang ginagawa nito.

Hinawakan ni Yori ang kamay nito at tiningnang mabuti ang mga mata ni Kai.

"Hindi siya nalulungkot. Kasi lahat tayo ay gustong ipaghiganti siya." Kinuha ni Yori ang pana at palaso nito na nakasukbit sa likuran niya. "Tingnan mo to." Ipinakita pa nito kay Kai ang panang iyon.

"T-Teka. K-Kay Emerald. Kay Emerald yan diba?" Hinawakan pa ni Kai ang panang iyon, gulat at pagtataka ang nasa mga mata nito.

"Oo. Hiniram ko sa kaniya."

"S-sumagot ba siya?" Pareho naman silang nahinto sa tanong ni Kai. "Haaay! Ano bang sinasabi ko. I-ibig kong sabihin bakit mo hiniram?" Pagtatanong nito.

"Talagang nasasabik ka na sa kaniya. Hiniram ko kasi gusto kong ito ang tumapos sa kabaliwan na ginagawa ni King. Kaso hindi ko pa alam kung papano."

Pagkasabi ni Yori ay biglang ngumiti si Kai sa kaniya. Ngiti na may halong pag asa. Pag asa na makikita sa mga mata nito.

"Naniniwala akong magagawa mo." Sa sobrang tuwang nararamdaman ni Kai ay napahawak na din ito sa mismong mga kamay ng dalaga.

At maya maya pa, sa gitna ng pag uusap ng dalawa ay bigla namang may tumalsik na ilang maliliit na fireball sa mismong pwesto ni Kai.

To Heal or To Kill???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon